5 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑻𝒉𝒆 𝑷𝒐𝒐𝒍 𝑺𝒄𝒆𝒏𝒆

65.7K 2.2K 3.4K
                                    



Chapter 5 - The One With The Pool Scene



Kasalakuyan akong nakaupo sa gilid ng kama habang walang ganang nagtutupi ng mga gamit ko na inilalagay ko sa bukas na maletang siyang nakapatong sa ibabaw ng higaan. Like what I said, I quit. Ayoko na talaga. Uuwi nalang ako sa amin.


Maganda naman ang record ko at kampante ako sa sarili ko na makakahanap ako agad ng bagong trabaho. Aanhin mo naman yung trabahong ang laki nga ng sahod, pero yung boss mo sobrang sama ng ugali. Hindi kumayod at nagpakahirap magtrabaho si mama noon makagraduate lang ako, para lang bastusin ako ng ganto ganto ng magiging amo ko. I know my worth. She doesn't deserve me. Kanya na yung 200k niya.


Pagkaangat ko nang ulo ko'y saktong napatingin ako sa whole body mirror. Kita ko sa repleksyon ng salamin ang pamumugto ng mga mata ko. Di ko mapigilan yung sarili ko umiyak. Ang sakit parin isipin nung ginawa niya. Naramdaman ko ang muling pagbabadyang pag tulo ng mga luha ko habang nakatingin sa salamin at di ko yun pinigilan. I watched myself as heavy tear drops started falling down on my face.


I hate her! Sobrang disappointment yung nararamdaman ko kaya iyak ako ng iyak. Bukod dun sa pagkawala nung mga pictures na importante sakin, alam kong parte kung bat sobra kong nasasaktan eh kung paano niya ko trinato. Alam kong puro katangahan yung mga naging interaction namin dalawa, but I thought we're good. She even saved me from choking. Sana pala naniwala nalang ako sa sinabi ni Tanya tungkol sa kanya, sa sinasabi ng lahat...wala siyang puso.



"Sky..." mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. It's Dahlia standing in front of my half opened door. 


"Can I come in?" tanong niya kahit halos nakapasok naman na talaga siya sa loob.


Nagpunas ako ng luha gamit ang dalawang kamay at tinanguan siya bilang tugon sa tanong niya. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa pagtitiklop ng mga gamit ko. Naramdaman ko ang pag upo din ni Dahlia sa gilid ng kama. Nang tignan ko siya ay may kung ano siyang inilapag sa likuran niya. It looks like a white paper bag, pero di ko na ganong tinignan. Baka pa babye gift niya lang sakin...



Sana yung cake yun.


"How are you feeling?" tanong nito habang guhit ang pag aalala sa mga mata. Si Dahlia yung di ako iniwan at umalalay sakin kanina hanggang makaakyat ako sa kwarto. Siya rin yung grabe yung pag sosorry kahit di naman siya makasalanan. Kinuha din niya yung phone kong sira saying that she'll try to do something.


"Not good." I plainly answered. I heard her heave a deep sigh.


"I'm really sorr--"


"It's not your fault, Dahlia. Hindi nga dapat ikaw yung nagsosorry sakin." mabilis kong pagputol sa muli niyang paghingi ng tawad.


"Wala na bang makakapag bago ng desisyon mo? Aalis ka na ba talaga?" 


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon