10 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒉𝒆𝒓𝒆 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒂 𝑰𝒔 𝑺𝒊𝒄𝒌

81.8K 2.4K 8.2K
                                    



Chapter 10 - The One Where Thera Is Sick



SHE's not here. Mga apat na araw na siyang di umuuwi sa mansyon. Ang sabi sakin ni Dahlia, Sabado palang daw umalis na si Thera, pero di din daw niya alam kung saan nagpunta. Miyerkules na ngayon pero wala paring balita kung nasan siya.


Maski mga kapatid niya hindi alam kung nasan siya. Ang sabi nila, nasanay na din daw sila na umaalis ang ate nila ng walang pasabi at wala ding update update kung nasan siya. Chinat ko din siya sa Tiktok account niya pero di niya naman pinapansin kaya tinigil ko na, mamaya isipin pa niya masyado kong feeling close.


Noong Lunes kasi ng gabi, plinano kong simulan ulit yung pagdala dala ng dinner sa kwarto niya tulad nung unang Linggo kong nagtatrabaho dito. Pero kahit anong katok ko walang sumasagot at yung iniwan kong tray, andun parin sa lamesa sa labas kinabukasan. Doon ko nalaman na wala pala siya.


Sa mga nagdaang araw na wala si Thera dito, lagi kong pinagmamasdan si Dahlia saka yung kambal. Tinitignan ko kung may hint man lang ng pag aalala sa kanila, pero wala. Parang balewala lang sa kanila na wala man lang silang kaalam alam kung nasan si Thera.


Normal ba yun? Na hindi ka man lang mag aalala o mapapaisip kung nasan yung taong walang update ng ilang araw? Sa normal na pamilya, naka blutter na yun sa pulis tapos kanya kanya ng post yung mga kaanak sa social media ng missing. Dito, parang wala lang.



Bakit ba mas nag aalala ko kesa sa kanilang lahat?!



Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. Agad kong inabot yung phone sa tabi ko upang icheck yung oras. Alas sais palang ng umaga ng Miyerkules. May klase ako ngayon pero mamayang 10am pa naman. Dapat sa mga oras na 'to natutulog pa ko, pero ewan ko ba. Ilang araw na ko di makatulog kaka overthink.


Paano kung may nangyare na palang masama dun sa isang yun? May serial killer pa naman na pagala gala. Ang liit pa naman nun, ang daling buhatin. Mamaya itinapon na yun sa kung saang ilog---


I shook my head to remove those unwanted thoughts. Hirap naman maging ako. Kung hindi curious, overthinker. Masakit sa ulo yung pag uugali ko.


Nang matapos akong maghilamos at mag sipilyo ay lumabas na ko ng kwarto para bumaba sa first floor at makapag almusal. Baka gutom lang 'to kaya isip ako ng isip. Bilang exercise sa umaga, imbis na gumamit ako ng elevator, bumaba ako gamit ng hagdan.


Malapit na ko sa first floor nang may matanaw akong dalawang taong nakatayo sa grand staircase. Mukha silang nag uusap at ang mukhang pinag uusapan nila eh yung painting na nakasabit sa pader. It's the Arentsvelt's family portrait that Thera painted.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon