Chapter 7 - The One With The Artworks
Tahimik sa loob ng classroom. Tanging ang mahihinang paghinga at ang tunog ng pagtipa lang ng keyboard ng kambal ang maririnig. Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng isang topic. We're currently doing an art criticism lesson. I showed them a painting from 1896 called Separation by Edvard Munch and asked them their opinion about it. I asked them to come up with a story of what they think this painting is about.
I have a degree in fine arts at para sakin, ang pag analyze ng mga artworks ay magandang paraan para mahasa ang observing and visual skill ng isang tao. Nakakatuwa namang turuaan 'tong magkapatid dahil kahit ano pang lesson ang ibato mo sa kanila, talagang seseryosohin nila yun. They're both competitive. Gusto nila laging ichallenge yung sarili nila para matapatan ang isa't isa. Walang papatalo, lalo na kapag mga recitation. Kapag may opinion si AM sa isang topic, panigurado meron din si PM. Madalas magkasalungat ang mga opinyon nila kaya mas nagiging interesting yung mga klase namin.
Naisip ko tuloy, kung sa totoong unibersidad nag aaral 'tong dalawa, panigurado mga top notchers 'to at yung tipo ng mga estudyante na kinagigiliwan ng mga professors dahil sa angkin nilang talino.
They're currently busy typing on their MacBooks. I'm watching them as they're both working on their assignment. Di ko mapigilang mapangiti nang makita kong bahagyang sumilip si PM sa ginagawa ng kakambal niya. Nang makita ni AM ang ginawa ng kapatid ay mabilis nitong hinawi ang laptop patalikod kay PM sabay inirapan. Ganon din ang ginawa ni PM at inirapan din ang kapatid. Kung kanina mag katalikuran sila, ngayon magkaharap na. Mga pasaway.
Napailing nalang ako sa ginawa nila sabay abot sa tasa ng kape na nasa tabi ko at uminom doon. God, I love the coffee in this house. Di lang yun, maski 'tong cake ay bagay na bagay sa kape, ang sarap. Kinuha ko yung tinidor at kumuha sa slice ng cake na nasa harapan ko atsaka sinubo yun. Walang mintis, ganon na ganon parin yung lasa na para kang hinihela sa duyan sa lambot ng texture.
Three weeks have passed since I learned who the baker of this cake was. Nung una parang di parin ako naniniwala, pero nung matikman ko ulit yung cake, walang pag aalinlangan, gawa nga niya. I watched her bake several cakes that morning from the start until the end. Milagro nga na hindi niya kami napansin ni Tanya sa buong oras niyang pagbabake. Oo, maski si Tanya di umalis at nanonood hanggang matapos mag bake si Thera. Mukhang enjoy na enjoy si gaga na panoorin yung amo niya.
Then I realized, three weeks narin pala mula nung bigyan niya ko ng nakakatakot na tingin. Ilang araw di mawala sa isip ko yun at pagkatapos nung pagbabake niya, hindi na ulit kami nagkaroon ng time mag usap or maka encounter ang isa't isa. I'm still clueless if we're okay or if she's still mad at me. Ni hindi ko nga sure kung galit ba siya sakin o talagang trip lang niya ko takutin. Iniwasan ko narin yung pagdaan daan sa kwarto niya para pakinggan kung nanonood ba siya sa loob, mamaya kasi maligwak na ko ng tuluyan pag nahuli niya pa ko. Besides...
I'm no longer seeking for her approval. Siguro, tulad ng ibang nag tatrabaho dito, nasanay narin ako na lagi lang siyang malayo sa iba na parang di siya nag eexist sa bahay na 'to at minsan lang kung magparamdam.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
