Simula
Pinagmamasdan ko ang bagong paaralan na papasukan ko. Hindi ko alam kung ano na namang magiging tadhana ko rito. Kung panibagong school na palalasyin na naman ako o sa madaling salita iki-kick out ako o panibagong school para magtino na talaga ako.
Kung alin man sa dalawa ay sigurado akong ito ay 'yong pang-una. Dahil mas malaki naman talaga ang tyansang i-kickout na naman ako. Dahil ilang schools na ba ang napasukan ko? Ilang schools na ba ang hindi nakatiis sa akin? O kaya.. ilang schools na baa ng nagtakwil sa akin?
"12." mahinang bulong ko sabay ngisi. "At malamang, pang-13 na 'to." sigurado kong sabi at nagsimula na ulit maglakad. Sinubukan kong kilatisin ang bawat lugar ng paaralan na 'to.. kung saan ako unang gagawa ng kalokohan ko, kung saan ang pangalawa at ang pangatlo.
"Cara!" rinig kong tawag sa akin. Napaharap naman ako at nakita ko ang Ate ko na hingal na hingal sa pagtakbo.
"Kanina pa kita hinanap na bata ka! Tumigil ka lang sa isang tabi! Inaayos ko lang ang enrollment mo. Dito ka lang! Kung saan-saan nagpupunta, e." inis na sabi niya sa akin. Tumango lang naman ako sa kanya at umupo sa isang tabi. Maya-maya ay bumalik na siya roon sa cashier para ayusin na ang mga dapat ayusin.
Kung tutuusin nga, nahirapan na sila Ate at ang mga magulang ko na hanapan ako ng school na papasukan. Yong school na magtatagal daw talaga ako. Hindi 'yong mga panandalian lang.. Kadalasan kasi, pinakamatagal ko sa school ngayong highschool ay dalawang lingo. Pagkatapos noon ay ibibigay na lahat ng papeles ko at hindi na ako tinatanggap sa school.
Noong Elementary naman ay natatapos ko pa ang school year.. tapos sa susunod na taon ay lumilipat na naman ako. Sadyang nahihirapan lang daw sa akin ang mga teacher dahil puro kalokohan ang laman ng utak ko. Well, masisisi ba nila ako? I'm Cara Valeria! Ang Reyna ng Kalokohan!
Tahimik lang akong nakaupo sa bench pero hindi ko akalaing ang tahimik kong mundo ngayon ay bubulabugin ng isang bola! Isang bola tumama sa paa ko! No, scratch that! Dahil paano ako bubulabugin ng bola? For sure, hindi naman makakarating ang bola.. kung walang.. nambato! Oo, nambato! 'Yon nga!
Kaya agad akong napatayo at hinanap-hanap kung sino ang salarin. Palinga-linga ako nang makarinig ako ng boses.
"Sorry po, Miss." tinaasan ko siya ng kilay. Nakangisi naman siya sa akin habang napapakamot sa kanyang ulo.
"Sorry? Sorry mo mukha mo!" agad ko namang binato ang bola sa kanyang mukha. Halos mapangiwi naman siya sa akin at napahawak sa kanyang pisngi. Nalaglag ang bola sa sahig at hindi niya 'to pinansin sa sobrang sakit ng kanyang mukha!
"Aray! Bakit mo 'yon ginawa?!" inis na sabi niya habang nakahawak sa kanyang pisngi at mata. Namumula na ang mukha niya ngayon! Hindi ko mapigilan ang tawang gustong kumawala sa aking bunganga!
"Paepal ka kasi! Nananahimik 'yong tao tapos babatuhin mo ng bola?! Magdusa ka!" kinuha ko 'yong bola sa sahig at binato kung saan. At kung saan ito pumunta? Hindi ko alam! Bahala sila maghanap! Wala akong pakialam! Bola nila 'yon!
"Hala, shet! Patay ako kay Coach!! Anong ginawa mo!!" aambang susuntok na sana siya sa akin kaso may biglang tumawag sa kanyang likuran. Isang babae! Isang babaeng kulot!
"Hoy mokong!" sigaw noong babaeng kulot. Napatigil naman siya at humarap na roon sa babae. Nanatili ako sa matapang kong postura habang tinitingnan sila.
"Ano nangyari sa mukha mo?" gulat na gulat na tanong noong babae. Bago magsalita 'yong lalaki ay inunahan ko na siya.
"Ako ang may kasalanan! Binato ko siya ng bola sa mukha niya. Tinamaan niya rin kasi ako, e. Walang galang! Walang respeto! Bastos!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Napanganga naman 'yong babaeng kulot!
"Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo, Miss. Hindi mo kilala ang pinagsasabihan mo niyan!" natawa ako roon sa sinabi noong babae at napatingin doon sa lalaki.
"Bakit? Sino ba siya? Ano bang papel niya rito? Baka nga tagapangalaga lang 'yan ng mga bola rito sa campus, e!" lalapitan na rin sana ako noong babae kasi nagdatingan pa ang ibang nakajersey na lalaki. Sumunod naman sa kanila ang matandang lalaking mukhang Coach na may hawak pang pito.
"Anong kaguluhan ito?" natahimik kami.
"Mr. Monterealles? And Ms.." napatingin sa akin 'yong matandang lalaking Coach.
"Valeria." maikling tugon ko.
"So what happened? At bakit ganyan ang mukha mo Mr. Monterealles?" pagtatakang tanong noong Coach nila.
"Coach, wala naman akong ginagawa pero tinamaan ako ng babaeng may tama sa utak ng bola, e! Ayan, nasira tuloy ang gwapong face ko." napangiwi ako sa sinabi niya. Nagtawanan naman ang iba niyang ka-teammate.
"Hindi mo ako madadaan sa biru-biro mo ngayon, Monterealles!" masungit na sabi noong Coach.
"Patay! Seryoso na si Coach! Wala na 'yong Mister sa Mr. Monterealles! Boom!" pang-asar pa noong isa.
"Coach naman!!" parang nagmamakaawang sabi noong lalaki.
"Ehem.." at dahil isa rin akong kulang sa pansin, nagpapansin ako. Pumunta ako sa gitna nilang lahat at nagsalita.
"Hindi naman ako gaganti kung wala siyang ginawa 'di ba? Tinamaan niya rin ako ng bola, e. Alangang hindi ko idepensa 'yong sarili ko? Binato niya pa nga ng pangalawang beses 'yong bola sa malayong lugar, e. Mabuti nalang hindi tumama sa akin.. kundi nako! Uuwi akong puno ng sugat!" nanlaki naman ang mata noong lalaki.
"Ikaw pala may kasalanan..Stan, e!" sabay tawanan noong ka-teammate niya.
"Siya talaga.. hindi naman ako gaganti kung wala siyang ginawa sa akin. Baka siguro type niya ako kaya.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat kaagad siya.
"What the heck are you talking about?!" halos manggalaiti na sa inis 'yong lalaki. Napatawa lang naman ako. Inasar-asar naman siya noong mga ka-teammate niya. Pero narindi na siguro 'yong Coach kaya napasigaw.
"Proceed to the Guidance office, Monterealles and Valeria. We don't tolerate that kind of action here!" umalingangaw ang boses noong Coach sa buong covered court. Napa-woah ang mga ka-teammates niya at alalang-alala na linapitan noong babaeng kulot 'yong Monterealles. Nag-usap sila pero hindi ko 'yon pinakinggan. Mas inisip ko 'yong Guidance Office na pupuntahan naming.
Well, see? Wala pang first day.. guidance office na kaagad. I really don't think that I will survive here nor stay here for long! Isa lang siguro ang school na 'to sa mga panandaliang papasukan ko o baka isa lang 'tong school na 'to.. sa bibisitahin ko.
I smiled at that thought.
Copyright © 2014. Cyclonicflash. All rights reserved.
All rights reserved. No part of this story may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...