Kalokohan 11

4.3K 148 4
                                    

Kalokohan 11

Sorry na 


Mag-iisang Linggo na ang mga pangyayari. Mag-iisang Linggo na akong walang make-up. Mag-iisang Linggo na akong walang kalokohang ginagawa. Mag-iisang Linggo na akong nanahimik sa upuan ko. At mag-iisang Linggo na ring maga ang mata ko kakaiyak dahil sa Iphone 6 ko na hindi ko pa rin mabuksan hanggang ngayon. 

May galit pa rin si Ate at hindi naman talaga maiiwasan 'yon. Pero kahit papaano ay pinapansin niya ako. Hindi niya pa rin naman sinasabi kanila Mama at Papa ang nangyari sa cellphone ko.. Ang akala ko nga isusumbong niya na ako kaagad. 


"Cara, may nakaupo ba dito?" rinig kong tanong sa akin habang tahimik akong nakaupo. Huminga ako nang malalim at tumingin doon sa nagsalita. 


"Alam mo, Buryo--


"Alam mo, Buryo.. ilang beses ko bang sasabihin na ayokong may katabi ako? Kita mo namang bakante araw-araw 'yan, eh. Ibigsabihin.. walang nakaupo! At ibigsabihin, ayoko nang katabi! Kahit sino!" nanliit ang mata ko dahil gayang-gaya niya ang gusto kong sabihin. Mag-iisang Linggo na rin siyang namimilit umupo sa tabi ko... simula noong kinausap niya ako. At mag-iisang Linggo na rin akong tanggi nang tanggi dahil ayoko nga kasi nang katabi! 


"Sige, umupo ka na." malamig kong sabi. Narinig ko ang pag-Yes siya at pinagtutulak pa ng iba kong kaklaseng lalaki ang upuan ni Buryo. Inasar-asar pa nila ito sa akin. 


Buong klase ay inis na inis ako dahil may katabi ako. At si Buryo pa! Ayoko nga siyang kasama kasi nakakainis siya at ang weird niya! Basta ayoko. 


May iilang teachers pa na nakapansin dahil may katabi na ako. Kataka-taka raw iyon at mukhang nagbabago na ako. Naghiyawan na naman ang mga kaklase kong lalaki at chineer pa si Buryo! Mga pakshet silang lahat. Kapag nasa mood na akong suntukin sila ay iisa-isahin ko na talaga sila hanggang mabura ang kanilang mga mukha!


"Cara, kamusta ka naman? Okay ka na ba? Alam ko na kasi kung bakit ka nagkakaganyan, e. Usap-usapan na rin." rinig kong sabi niya pero sympre.. hindi ko siya nilingon! Hindi rin ako sumagot.


"Alam kong mahirap 'yong mga pinagdadaanan mo. Sorry kung feeling close ako, ah. Concern lang talaga ako." dagdag pa niya. Inurong ko naman ang upuan ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Naku, Buryo! H'wag mo akong punuin dahil mababato kita hanggang Mindanao! Nagtitimpi na ako sa iyo.. mga isang Linggo na rin!


"Pero 'yon.. concern kasi--


"Kung sana.. concern ka.. nanahimik ka nalang. Wala naman akong pake kung concern ka ba o hindi." mahinang bulong ko na akala ko ay hindi niya maririnig. Pero narinig ko ang mahinang tawa niya.


"Sasagot sagot ka pa. Patawa ka talaga.. Pero ano kasi.. concern ako.. kasi biktima rin ako ng bullying dati. Mas malala pa sa ginawa sa iyo ang nangyari sa akin. Balita ko naman.. na-suspend 'yong tropa ni Stan na gumawa sa iyo noon.. Bale silang limang magto-tropa, suspended noong nakaraang Linggo. Ewan ko lang kung hanggang kailan." paliwanag niya. Tahimik lang naman akong nakikinig nang hindi nakatingin sa kanya. So biktima pala siya dati ng bullying.. 

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon