Kalokohan 30

3.3K 100 5
                                    

Kalokohan 30

I admit

"Ang kanyang ina ay ang anak ko. Lumaki ito sa simpleng buhay at kung tutuusin mahirap talaga. 'Yang bahay na 'yan ang nagpapatunay na dumaan kami sa hirap at nangangailangan ng sipag at tiyaga para may pangkain araw-araw. Pero tingnan mo nga naman ang tadhana.." napangiti ang kanyang lola habang tinuturo ang mala-bahay kubo nilang tirahan na pinasukan namin kanina.

"Ang anak ko na laki sa hirap pa ang nakapangasawa ng mayaman.  Sa dinami-dami ng gustong magpakasal sa tatay ni Stan na may-ari ng isang napakalaking kompanya ng mga sasakyan sa Maynila ay ang anak ko ang pinili nitong dalhin sa altar. Noong una ay natakot pa kami na ipakasal ang aming anak sa isang mayaman dahil hindi kami naniniwala sa ibigan ng mayaman at mahirap.. Baka isipin nilang pera lang ang mahal ng anak ko..pero hindi. Nakita naman namin kung gaano nila kamahal ang isa't isa. At tanggap siya ng buong kami ng lalaki. Kung ano man ang kwento nilang mag-asawa ay hindi na rin naming alam.." Tumango-tango naman ako.

Totoo dahil hindi naman nasusukat sa yaman ang pagmamahal. Hindi p'wedeng kapag nakakita ka ng tumataginting na mga dolyar sa wallet ng kasama mo ay tumibok na kaagad ang puso mo. Imposible iyon.  Baka mata mo ang tumibok, hindi ang puso!

At sa panahon ngayon ay maraming nabubulag sa ganitong sitwasyon! They will choose money over heart. Sa panahon kasi ngayon.. hindi na raw uso ang mahal mahal.. Mayaman na. Be practical na ang galawan ng mga tao.

Pero think of it! Practical ka nang practical diyan! Paano naman kung maghirap ang tao? At alam naman nating mahal mo lang ang pera niya at hindi siya. Ano na? Iiwan mo na siya?

And here goes another story! Ang iwanan thingy! Edi.. nauwi rin sa wala!

Muli ko namang pinakinggan ang mga susunod na kwento ng Lola ni Stan. Masyado akong naging interesado sa kanyang mga kwinekwento to the point na maski ako ay napapa-react na rin at nagkakaroon ng sariling hugot.

"Buong akala nga namin ay iba ang mapapangasawa ng ina ni Stan dahil iba ang palagi nitong kasa-kasama.. pero love moves in mysterious way ika nga.. Ganito na ang nangyari. At isa na nga si Stan sa naging bunga ng pagmamahalan nila." aniya. 

"Si Stan siguro ang nagmana sa kanyang ina. Napakabait ng batang iyan. O baka marahil kami rin ang nagpalaki sa kanya kaya nakuha niya ang ugali ng kanyang ina. Tingnan mo nga naman, kahit na napakalaki ng mansyon nila ay pinipili niya pang dito tumira sa amin ng kanyang Lolo. Mayordoma lang ang naiiwan sa mansyon at iilang katulong." dagdag pa nito.

Talaga namang kapag nagkwento ang mga Lola ay asahan mong wala itong tigil.  Itutuloy tuloy nito hanggang maikwento ang buong history ng pamilya nila. I don't know if it's okay with Stanlee.

Inaya pa akong umupo sa bangko na nasa tapat ng kanilang bahay. Sumunod naman ako. Tanaw ko pa rin naman si Stan sa gilid ng kanilang mansyon. He is still busy checking all their cars. Sa sobrang busy niya ay hindi niya kami napapansin ng kanyang Lola.

"Minsan nga ay nakakahiya ang aming simpleng bahay dahil puro mansyon naman ang mga katabi.. parang nakakasira ng magagandang bahay sa subdivision na ito.. sinabi ko nga sa kanyang Lolo na umuwi nalang kami sa probinsya at doon nalang mamalagi. Matatanda na naman kami.. pero itong si Stan! Ayaw na ayaw.." kitang-kita sa mata ng Lola ni Stan ang lungkot habang kwinekwento iyon.

Ginagala niya pa ang kanyang tingin sa buong paligid ng subdivision. At katulad ng ginagawa ni Stan, ganoon rin ang ginagawa ng kanyang Lola na kapag may dumadaan ay binabati niya ito o kaya naman kinakawayan.

"S'yempre po ay malulungkot naman si Stan kapag bumalik kayo sa probinsya.." sabat ko naman sa lola ni Stan.

"Ganito kasi iyan.. isa kami sa mga kauna-unahang nakatira sa lugar na ito...noong wala pa ang subdivision na ito. Marami pa kaming mga kasama pero habang tumatagal ay dumarami na ang tao, nagkakaroon ng demand sa tirahan, naisipang i-renovate ang lugar na ito bilang ekslusibong subdivision.. para sa mayayaman. Maraming inalis, inilipat sa ibang lugar.. at sa kasamaang palad, kami na lamang ang natira.." itatanong ko na sana kung bakit pero agad niya naman akong inunahan ng sagot.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon