Kalokohan 21

3.3K 99 4
                                    

Kalokohan 21

Nakita

Natawa si Ate Clara sa tanong ko. Of course, she didn't expect that question coming from me. Tinanong niya pa nga ako kung anong nakain ko at na-realize kong masama ako. For Pete's sake! May kailangan bang kainin para ma-realize ko 'yon? Halos lahat na nga ng tao pinapamukha sa akin kung gaano ako kasama! Paanong hindi ko marerealize 'yon?

Kaya kinabukasan ay hinanda ko na ang sarili ko para sa panibagong mga hamon na kahaharapin ko. If yesterday was miserable, ano pa kaya ngayon? I should expect that today will be the same.

Hindi naman ako nagkamali dahil maaga palang ay feeling ko sinalubong na kaagad ako ng disgrasya. But no,scratch that. I am not sure if this is a disaster or.. a blessing in disguise.

Papunta palang ako sa aming classroom ay nakasalubong ko na ang teacher kong may kasungitang taglay si Ms. Lez. Magtatago pa sana ako para hindi ako makita pero napansin ko ang pag-angat ng kanyang salamin. Napakagat ako sa aking labi.

"Ms. Valeria!" rinig kong tawag niya. Sumenyas pa ang kanyang kamay na para bang tinatawag ako. Sabi ko na nga ba, tatawagin ako nito!

"Po? Ma'am!" sumigaw rin ako pabalik at tumakbo na papalapit sa kanya. Hinawi niya ang kanyang kulot na buhok bago ngumiti sa akin.

"Kamusta ka na?" bati niya sa akin. Nanibago naman ako sa tanong niya dahil palagi siyang nakasigaw kapag kinakausap ako.

"Ayos.. na naman po, Ma'am.." nahihiya kong sabi. Kahit naman ako si Cara Valeria ay marunong pa rin akong mahiya! At ngayon lang ulit kasi kami nagkita simula noong na-confine ako sa hospital. Bihira rin kasi siya na-attend sa kanyang klase dahil medyo busy daw sabi noong iba kong kaklase.

"Halika, sumunod ka sa akin." gulat na gulat ako sa sinabi niya. Halos manginig pa ang aking tuhod sa pagsunod sa paglalakad niya. Feeling ko magpapasagot siya sa akin ng 100 items na quiz! Ngayong araw pa naman ang schedule namin sa kanya.

Napalunok ako nang maramdamang patungo kami sa office niya. Binabati siya noong ibang estudyante habang ako naman ay nakasunod pa rin sa kanya.

"Pumasok ka." sabi niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng office niya. Napahinga ako nang malalim at napabulong sa aking sarili.. this is it!

Pagpasok ko naman sa kanyang office ay napansin ko kaagad ang sangkaterbang papel at ang iba ay test papers. Nanlaki ang mata ko at parang nanlamig rin ang kamay ko. Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na..

"Ma'am, p'wede po bang mag-review? May dala po akong notes sa bag ko.. hindi ko po kasi alam na papakuhanin n'yo po kaagad ako ng quiz ngayon." diretsong sabi ko. Binaba ko naman ang bag ko at nilapag sa sofa.

Agad kong hinanap ang notebook ko sa kanya para matingnan kung may notes ba talaga ako. Hindi ko maalalang nagnotes ako sa kanya. Kahit kailan naman ay hindi ako naging mabuting estudyante.

"Ngayon na po ba talaga, Ma'am ang quiz ko? P'wede po bang madelay ng kahit 10 minutes?" natutuliro kong sabi. Magsasalita pa lamang si Ma'am nang may marinig akong tawa. Napatingin ako sa isang sulok at nakita ko ang loko-lokong si  Stan na nakaupo sa isang swivel chair! Inikot-ikot pa niya ito habang natawa. Nanliit ang mata ko habang tinitingnan siya.

"Mr. Monterealles, just focus on what you are doing. Huwag ka na makisali sa usapan namin ni Ms. Valeria." masungit na sabi ni Ms. Lez habang nakatingin kay Stan. Sinimangutan ko naman si Stan na ngayon ay pasimple pa ring natawa sa gilid! Nakakainis, ano bang nakakatawa?!

"Sorry.. Ma'am.. Nakakatawa po kasi talaga. Kala niya magququiz siya, oh!" sabay turo ni Stan sa akin. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Hindi ba't kaya ako narito ay para mag-quiz? Ano naman ang gagawin ko rito kung hindi ako magququiz? Magpapabebe?

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon