Kalokohan 27
Who you
Halos hanapin ko naman ang susunod na sasabihin ko pagkatapos ng mga salitang 'yon lumabas sa bibig ko. Bigla kasi akong nahiya sa aking sinabi.
"But let me.. clear it. I also love the up coming events.. and activities. I know, i will enjoy everything! Alam mo bang first time ko gustong sumali sa isang organization, Stan.. without doubts? First time! Imagine that! Kung ako nga.. nagustuhang sumali, what if pa 'yong ibang tao hindi ba? 'Yong ibang taong mas better sa akin? Kaya hindi na ako nagtataka kung.." agad niyang pinuwesto ang index finger niya sa aking mga labi. Ilang inches lamang ang layo niya sa aking mukha. Hindi na tuloy ako makahinga.
Kitang-kita ko ang mariing mata niyang parang tumatagos sa aking mata dahil sa mga titig niya. Ang kanyang labi na pulang-pulang nakatapat sa akin. Mas lalo tuloy bumibilis ang tibok ng aking puso kapag nakikita ko 'yon.
"Shh." mahinang bulong niya. Para naman akong namula noong sinabi niya 'yon.
"Why did you not tell me, then? Hindi mo na kailangang dumaan sa interview or what fucking ever, Cara kung sinabi mo agad iyon sa akin. Of course, I would gladly accept you with wide arms open! I would gladly welcome you! Ako pa mismo magpapakilala sa iyo sa officers ko." natigilan ako sa kanyang sinabi. And I could literally feel the butterflies in my stomach just like the old times.
Akala ko noong una ko 'tong naramdaman habang kausap ko siya ay may namumuong paru-paro na sa tyan ko na kailangang kong i-tae.. but no. Seriously! Totoo pala 'yong nasa libro. And how I am wishing right now that I could talk to him without this feeling.. without the butterflies in my stomach.
"Talaga?" lumawak ang ngiti ko. He nodded to me. Napayakap ako sa kanya at naramdaman ko rin ang mahigpit na yakap niya pabalik.
"Masaya akong malaman kasi gusto mong sumali sa amin. Don't worry.. I'll take care of you. Hindi kita pababayaan. Ako ang magiging tagapagtanggol mo sa balak mang-api sa iyo." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga sinasabi. And for the first time, naramdaman kong may kakampi ako. Stan's beside me.
Humiwalay na kaming dalawa sa yakapan namin. Namumula pa ako habang tinititigan niya ako. Mabuti na lamang ay wala masyadong taong dumadaan sa amin. Sinabi niya sa akin na bukas ay sumama na ako sa meeting nila. Ipapakilala niya raw ako sa mga officers at members nila. Sasabihin niyang choice niya na isali ako. At ano ngang magagawa ng iba kung mismong President na ang nagsali sa akin sa org nila?
"Thank you, Stan. Thank you. You really made me happy." nakangiti kong sabi. Tumawa naman siya at nilagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"Pauwi ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. And to be honest, ngayon ko lang naramdaman ang awkwardness kapag kasama ko siya. Parang kakaiba kasi 'yong moment na naranasan ko ngayon.. kumpara dati. Is it just me or may sparks talaga? Damn it, Cara! Ano ba 'tong iniisip mo?
"Gusto ko sana kitang ihatid.." napakagat ako sa aking labi. Tinitingnan ko ang sapatos habang nilalaro sa mga damuhan sa paanan ko. Ako rin.. Stan. I know it is too much too ask.. pero gusto ko ring ihatid mo ako. 'Yan sana ako mga gusto kong sabihin pero alam kong hindi p'wede. Marami pang ginagawa si Stan para ihatid ako. I just deleted the thought.
Inangat ko ang aking mukha at humarap ako sa kanya. "I know, Stan.. There are more important things you need to do. Hindi mo na ako kailangang ihatid. I can go home by myself." sabi ko.
"Pero.. Cara.." hinawakan niya ang aking braso. Damn, electricity all over my body!
"It's not your responsibility, Stan. You don't need to do this." Umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...