Kalokohan 12

4.1K 134 17
                                    

Kalokohan 12

Good bye



Napahapo ako sa ulo ko habang pinagmamasdan ang kalokohang ginagawa nila sa harapan ko. Mukha lang naman silang mga palakang nagtatatalon sa sapa with matching pagsigaw ng "Kokak! Kokak" And eww, hindi ako natutuwa. It's disgusting! Swear!


Pero noong tiningnan ko ang mga taong nasa paligid ko, lahat sila mukhang natutuwa. Talaga lang ha? Ang iba pang babae na tantya kong lower year ay halos mahulog ang mga mata kakatingin sa mga lalaking 'to! Mga kalandian na naman ang pinapairal! My ghad, i hate drugs! 


Napaubo na ako sa harapan nila at para na akong nasusuka effect pero mas nilakasan pa nila ang pagkanta nila. Pakshet na 'yan! Wala bang hiya ang mga lalaking 'to? Pero hindi bale, hindi naman ako ang napapahiya! Sila naman--


"Sana mapatawad na sila ni Cara kung ano man ang nagawa nila." rinig kong sabi noong isang lower year. Halos manlisik naman ang mata ko sa kanya.


"Oo nga. Kung ako 'yong ganyanin nila.. malamang hindi pa sila kumakanta.. pinatawad ko na!" ang sarap nilang batuhin ng table sa pinagsasabi nila! 'Yan ba ang natutunan nila sa paaralang 'to? Inirapan ko nalang sila at muling tumingin sa direksyon ni Stan at sa apat na kumag na halos mawalan na ng boses kakakanta. 


"Tumigil na nga kayo diyan.. at umalis na kayo sa harapan ko. Nakakasira kayo ng araw." inis kong sabi. Hindi ko naman tiningnan ang reaksyon ng mga taong nasa paligid ko dahil alam ko na. Ako na ang lalabas na masama for sure. 


Pero mas lalo ata nila akong iniinis dahil mas lumapit pa sila sa akin at todo kanta pa! Huminga ako nang malalim at tiningnan na sila isa-isa.


"Sabi ko.. umalis na kayo sa harapan ko kung ayaw niyong mas sirain ko pa  ang mga mukha niyong sirang-sira na sa paningin ko!!" malakas na sigaw ko na naging dahilan para tumigil sila. Natahimik tuloy ang buong cafeteria. Napansin ko ring nagsibalikan ang iba sa kanilang kinauupuan at nagpatuloy kumain. 'Yan! Ganyan dapat. Hindi 'yong pachismosa kayo. Buhay ko 'to. Hindi dapat sila mangingialam. 


Nagkatinginan naman 'yong apat na kumag at dahan-dahan namang lumapit sa akin si Stan. Napataas tuloy ang kilay ko.


"Cara.." narinig kong sabi niya. Hindi ko naman siya pinapansin at dumiretso ang tingin ko sa kawalan.


"Cara.. pagbigyan mo naman ang mga kaibigan ko.. Gusto lang nila akong tulungan kaya nila ginawa 'yon." diretsong sabi niya.


"Oo nga!" sabay-sabay na sabi noong apat. Pero ayoko talagang magpatinag! Ganoon ang ginawa nila sa akin tapos mapapatawad ko sila na para bang kinagat lang ako nang langgam? Darn, buti sana kung ganoon lang! Pero hindi! Marami silang binalik sa buhay ko.. at sa pagkatao ko! Pasalamat nga ngayon at wala ako sa mood ibato sila pabalik sa sinapupunan ng mga magulang nila, eh. Pasalamat talaga sila. 


"Hindi sila kasing sama katulad nang iniisip mo, Cara." sabi ulit ni Stan.


"Oo nga!" at sabay-sabay na sabi ulit noong apat. Punyemas! Nakakabwisit!


"Gusto lang naman nilang bumalik sa normal ulit--

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon