Kalokohan 4
Makakalimutan
"Bwiset." bulong ko sa sarili ko. Napapailing ako habang pinagmamasdan sa bintana ang lalaking lapastangan at si Ms. Jones sa loob ng office. Hindi! Hindi lang pala basta pinagmamasdan dahil mukhang pinapatay ko na siya sa isipan ko ngayon! Sino siya para basagin ang trip ko sa buhay?!
"Wala naman akong maintindihan. Syeteng buhay 'to." napapapunas nalang ako ng pawis sa mukha ko. Kasalukuyang hawak ni Ms. Jones ang cellphone noong lalaki. Ang sarap sumugod sa loob dahil hindi ko naman maintindihan kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Para silang Alien na galing sa outerspace. Wala man lang reaksyon si Ms. Jones habang kinakalikot ang cellphone.
Pinag-aralan kong mabuti ang mga kilos nila. Napapakunot nalang ako sa pagtataka dahil parang hindi naman nagagalit ang principal. Hanggang sa tuluyan na nitong binalik ang cellphone at huminga nang malalim. Alam niya na kaya? Napailing ako. Edi wow! Nagtagumpay ka, boy! Pero hinding hindi ka magtatagumpay sa akin! Hindi pa tayo tapos.
Napatingin ako sa lalaking 'yon at kinabisa ang mukha niya. Mukha siyang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan at kailan kami nagkita. Pero matakot nalang siya kasi hindi na siya sasaya sa buhay niya kasi sisirain ko na. Sa dami-daming tao na p'wedeng guluhin ay ako ang napili mo! Napakaswerte mo dahil isa ka sa maambunan ng kalokohan!
Pero natigilan ako sa pag-iisip dahil napansin ko na parang hindi masaya ang lalaking 'yon. Naipakita niya na kay Ms. Jones at mapapatalsik na ako sa paaralang ito. Bakit hindi ka pa siya masaya? Mukha siya pa ata ang galit! Muntik niya pa ngang mabato ang cellphone niya bago tuluyang lumabas sa office.
Sinundan ko ang lalaking 'yon habang papalabas ng school. Mahigpit niya pa ring hinahawakan ang cellphone niya. Napapailing ako. Makuha ko lang talaga 'yang cell-
"Why are you following me?" nagulat ako dahil natigilan siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Ikaw? Sinusundan ko? Wow, assuming! Gwapo ka? Gwapo? Ang oily-oily nga ng mukha mo! Tapos akala mo katangkaran ka? Akala mo maganda 'yang mata mo? Pati ilong mo? Pati katawan mo? Sinong niloko mo?" nanliit naman ang mata niya sa sinabi ko. Ang kapal rin kasi ng mukha niya! Malaki pa atraso niya sa akin!
"Wait.. sa isang Cara Valeria pala ako nakikipag-usap! Nakalimutan ko. Hello, Cara." tumaas naman ang kilay ko. Maka-hello akala mo walang ginawang kasalanan!
"Tsk. Go with me." sabi ko sa kanya at agad ko siyang hinila. Nagpadala naman siya sa akin palabas ng school. Ayokong sa school kami mag-uusap dahil baka madehado pa ako.
"Teka, teka. Saan mo ba ako dadalhin?! Cara, alam kong swineswerte ka ngayon. Pero hindi sa lahat ng panahon, swerte ka. Tandaan mo 'yan." natigilan naman ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?
"What are you talking about?" napamewang ako sa harapan niya. Napatingin siya sa cellphone niya at napailing.
"Oo, gago ka. Alam kong ikaw ang walang kwentang nag-video sa akin habang-H'wag tayo dito." hinila ko siya ulit at dinala kung saan medyo malayo sa school.
"Ano ba-
"Oo! Sabi ko.. Gago ka! Bullshit. Bakit ka ba naninira ng trip ko? For your information, hindi tayo magkakilala. Naiinggit ka ba kasi nagiging famous ako? Gumawa ka ng sarili mong trip! Ano? Anong napala mo pagkatapos mong iharap kay Ms. Jones? Masaya ka na kasi matatakwil na ako sa school na 'to? Edi wow. Ikaw na famous! Dapat sayo bigyan ng award." dire-diretso kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Car-
"Tanga ka ba? O ako ang ginagawa mong tanga? Alam ko ang sinasabi ko. Narinig ko 'yon! Kaya okay? Gusto ko lang naman sabihin sa iyo na hindi ka na magiging masaya sa buhay mo matapos mong gawin ang lahat ng ito! Akala mo, ganoon lang kadali ang lahat? Nagkakamali ka. Hindi mo kilala ang isang katulad ko." pangiti-ngiti kong sabi sa kanya. Hindi naman siya naka-react sa sinabi ko.
"Ano? Naputulan ka na ba ng di-
"Stop shouting! Ang sakit mo sa tenga!" iritado niyang sabi sa akin.
"Ikaw, masakit ka sa mata!" sigaw ko ulit sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at hinarap niya ako sa kanya. Nanggigil na siya sa inis kaya medyo napapangiti ako. Gusto ko 'yong mga taong napipikon dahil sa mga pinaggagawa ko.
"Hindi ko napapanuod kay Ms. Jones 'yong video kaya swerte mo, Cara! Na-lowbat ang cellphone ko-
"Tanga ka kasi." sabi ko sa kanya at umirap pa ako para full package. Namula naman siya sa inis at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.
"Swerte ka lang!! Pero sa oras na ma-charge ko 'to.. maniniwala na si Ms. Jones na ikaw ang may kasalanan!!" inis na sigaw niya sa akin. Napatawa lang naman ako sa harapan niya.
"Ano bang problema mo sa akin? Wala akong ginagawa sa iyo. Okay? Hindi ikaw 'yong pinagtripan ko! Kung gusto mong mapagtripan ko, sabihin mo lang. Hindi 'yong gagawa ka nang paraan para mapansin ko! Tanga mo rin. Nagpapakahirap ka pa." kalmado kong sabi sa kanya. Siya naman ay hindi makalma at parang inis na inis sa mga sinasabi ko. Buti nalang ay tanga rin 'to dahil hindi muna nag-charge bago ipanuod ang video sa cellphone niya.
"Ang taas rin ng tingin mo sa sarili 'no, Cara? Nakakainis lang kasi. Naaawa ako sa mga kinakawawa mo-
"Hindi naman ikaw ang kinawawa ko. Pero ngayon, inagaw mo ang spotlight sa ibang estudyante. Ikaw na ang gusto kong kawawain! Sisirain mo ang buhay kong pakshet ka." halos tumalsik na ang laway ko sa pagmumukha niya pero wala akong pakialam.
"Tandaan mo 'to, Cara. Lahat ng ginagawa mo sa iba, babalik 'yan sa iyo. P'wedeng hindi lang ngayon.. pero balangaraw,, babalik 'yan. At wala kang matatakbuhan na iba. Kasi wala kang..kaibigan." and that hit me. Ano naman kung wala akong kaibigan? Masaya naman ako sa buhay ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at inalis ang kamay niya.
"Pati buhay ko, issue na rin sa iyo? Tigilan mo na ako kung ayaw mong ngayon palang pagtripan na kita. Masaya ako sa buhay ko at wala kang magagawa doon. Maging masaya ka nalang din sa buhay mo." sabi ko sa kanya. Pero hindi siya natigilan sa kakasalita sa akin.
"Diyan ka ba masaya? Sa panti-trip sa mga taong wala namang ginawa sa iyong masama?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako at naghanap ng p'wedeng isasagot sa kanya.
"Bakit ba big deal sa iyo-
"Kasi.. isa sa mga kinawawa mo ng sobra ay 'yong taong gusto ko. 'Yong taong pinapangarap ko. At sa oras na may mangyaring masama sa kanya, Cara.. Makakalimutan kong babae ka." lumabas din ang totoo. Wala nga akong kasalanan sa kanya pero doon sa taong gusto niya, mayroon. Ano bang paki ko? Ang bitter niya! Siguro ay hindi siya gusto ng taong 'yon kaya nagpapagood shot siya.
"Pero eto ang tandaan mo, walang forever." sabay apak ko sa paa niya nang malakas. Bigla niya namang nabitawan ang cellphone niyang hawak. Napailing nalang ako habang nagtatalon siya sa harapan ko.
"Damn! Ang sakit! Fuck, Cara Valeria!!" pero nanlaki ang mata niya noong kinuha ko ang cellphone niyang nalaglag. Hinawakan kong maigi ito at winagayway ko sa harapan niya.
"Tanga mo!" bulong ko sa kanya at nagmadaling umalis sa harapan niya. Wala siyang magawa kundi magsisigaw doon.
"Cara!! Cara! Ibalik mo ang cellphone ko!! Makakalimutan ko talagang babae ka!!" pero napangiti ako. Bakit ba ang famous ko? Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hay nako. Napatingin ko sa cellphone niya habang tumatakbo. Oh well, ang galing ko talaga. Hawak ko lang naman ang cellphone niya. Nandito ang video ko. Magiging ligtas ako. Hindi pa ako mapapatalsik sa school. Wow! Just wow.
And yea, simula palang 'yon ng paghihiganti ko sa kanya. More kalokohan to go, Cara Valeria! Hail to the Queen of Kalokohan!
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...