Kalokohan 13

4K 132 3
                                    

Kalokohan 13

Tulungan


Minulat ko ang mata ko at napalinga-linga sa paligid ko. Agad na tumama ang sikat ng araw sa mata ko. Kukusutin ko sana ang mata ko pero nagtaka ako dahil hindi ako makagalaw.. na para bang may humaharang sa kamay ko. 


Agad kong sinilip ito.. at nagulat ako sa nakita ko. Isang dextrose. 


Igagalaw ko pa sana ang isang kamay ko pero may dextrose rin doon. Tiningnan ko maigi ang sarili ko at napansing nakakulay puti ako.. at hindi ako tanga para hindi maintindihan kung nasaan ako. Nasa hospital ako. How come na napunta pa ako dito? Akala ko diretsong langi--or should I say.. diretsong impyerno na ako?


Pinilit kong gumalaw para makita ang buong paligid ko nang may narinig akong nagsalita na naging dahilan para mapatigil ako.


"Cara.. Gising ka na pala. Saglit lang. Tatawagin ko lang sa Ate Clara." rinig kong sabi niya. Hindi naman ako kumibo. Tiningnan ko lang naman siya nang puno ng pagtataka. Paano naman siya nakarating dito? Paano naman nakarating ang isang kumag na 'to dito? 


Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo at nagmamadaling lumabas. Hinayaan ko nalang. Inayos ko nalang ang paghiga ko.. at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa pulso ko. Hindi ko akalaing magagawa ko ang mga bagay na 'yon kahapon.

Kahit kailan at kahit gaano ako kaloko-loko, hindi ko naiisip gawin 'yon noon pa man. At nagiging palaisipan pa rin sa akin kung paano ako humantong sa ganoong sitwasyon.. malakas ako, eh. Malakas na sana.. kaso feeling ko na naman ang hina hina ko na ulit.

 Pero kahit papaano,hindi rin naman ako nagsisisi na nagawa ko 'yon. Sobrang sakit na. At kapag iniisip ko lang ang mga pinagdadaanan ko...ay feeling ko gusto ko na ulit maglaslas at 'sisiguraduhin kong diretso langit o impyerno na ako. I want to end my life. This shitty life. 


"Cara! Kahit kailan talagang bata ka! Wala ka nang ginawang matino sa buhay natin!" pagpasok na pagpasok palang ni Ate Clara ay 'yan na ang bumungad sa akin. See? Anong silbi ng buhay ko kung gusto naman nila talaga akong mawala na? Pasakit naman talaga ako, 'di ba? 'Yan naman ang tingin nila sa akin. Palibhasa, wala sila sa sitwasyon ko. Hindi nila alam ang nararamdaman ko. 


"Sana nga.. natuluyan na ako, e. Sorry mali-mali ata pagtama ko sa blade, e." mahinang sabi ko sabay iwas ng tingin. Agad namang lumapit si Ate Clara sa akin habang nanlalaki ang mata niya.


"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Cara ha! Paano mo nasasabi 'yan?! Tigil-tigilan mo na lahat ng mga kalokohang pinaggagawa mo ha! Akala ko may balak ka pang magbago.. akala ko may pag-asa pa! Wala na pala! Hindi ka man lang naaawa sa mga magulang natin ha? Ganito ang ipapalit mo?" napapikit ako sa sigaw niya. Yes, i am the black sheep here. Si Ate Clara ang pinakamabait, pinakapaborito.. at pinakamagalang na anak. Ako ang kabaliktaran.


"Pati ba naman buhay mo ginagawa mo na ring kalokohan? Pati paglalaslas sinubukan mo na rin?! Ano nalang sa susunod? Papabangga ka sa 10 wheeler truck para sure ball pagkamatay mo?!" umiiyak na si Ate habang sinisigaw ang mga salitang 'yon. Hindi pa rin ako nagsasalita. At ayokong tingnang umiiyak siya.


"Ate Clara.. ako na po bahalang kumausap sa kanya. Magpahinga nalang muna po kayo." biglang singit ni Stan. Napatingin naman ako sa kanya at umirap! Lakas maka-Ate, ha! Feeling close.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon