Kalokohan 3
False news
"Uy!" tawag ko isang estudyanteng dumaan sa harapan ko. Nanlaki naman ang mata niya na para bang nagtataka kung bakit ko siya kinakausap. Tumingin pa siya sa likod niya kung may tao ba doon o wala.
"Oo, ikaw nga. Ikaw nga ang kausap ko. Hindi mo ba nabalitaan? Parehas pala tayo. Wala rin akong alam eh." napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"An-anong..ibig mon-
"Ate!! Ate!! Kuya!" tawag ko pa sa ibang estudyante. Naglapitan naman silang lahat sa akin. Very good, Cara. Napakagaling mo talaga sa marketing. Ang benta mo!
"Uy! Pakitawag na rin sila oh! Baka kasi hindi nila alam 'yong announcements. Tska kapag may dumaan, patigilin n'yo na din sila para alam nila." utos ko sa ibang estudyanteng nasa harapan ko kanina. Agad naman silang sumunod at tinawag ang iba pang estudyanteng papasok sa loob ng school.
Ngumiti naman ako at huminga ng malalim sa harapan nila.
"Guys, gusto ko sanang sabihin sa inyo na walang pasok ngayon. May seminar ang mga teach-
"Talaga po?" tanong ng isang estudyanteng malaki ang bunganga.
"Parang mayroon naman pong pasok." sagot pa noong isa.
"Seryoso po ba 'yan? Baka mamaya-
"Wtf is this Ca-
"Mananahimik ka o tatanggalan kita ng bunganga? Napakaarte ha. Umalis ka nalang kung hindi ka makikinig." iritado kong sabi sa babaeng namumukhaan kong kaklase ko. Pero hindi maalala ang pangalan niya at wala naman akong balak alamin 'yon.
"Mukha ba akong nagbibiro? Galing na ako sa loob ng school kanina. Dahil una akong pumasok, ako na ang napag-utusang ibalita ko sa inyo 'to. Pero.. bahala kayo kung ayaw n'yong makinig. Pumasok kayo kung gusto n'yo." pag-aarte ko sa harapan nilang lahat.
"Grabe! Jackpot!! Sino bang ayaw ng walang pasok, guys?! Tska mukhang nagsasabi naman ng totoo si Ate eh." sigaw ng isang pakielamerong palaka. Ngumiti lang naman ako sa sinabi niya. Hay salamat. May mga tangang naniniwala.
"Bahala na kayo. Mauuna na ko. Pakisabi nalang at paki-GM nalang rin sa iba n'yong mga kaklase. Kung gusto n'yong pumasok, edi..go! Hindi ko naman kayo pinipili-
"Tara, dota nalang kayo mga pre! May baon pa naman ako e." rinig kong sabi ng lalaking mukhang tukmol.
"Eh kala ko ba LOL 'yong lalaruin natin ngayon?" sabat naman ng mukhang gangster sa kanila. Nanlaki naman ang mata ko dahil pati ba naman laro ay pinoproblema nila. Mga letsugas.
"Mga talkshit talaga kayo! Kala ko ba COC nalang sa bahay?!!" badtrip na sabi noong isang lalaki na kahawig ng gold fish namin.
"Ang aga-aga pero nandidilim na ang paningin ko sa inyo. Tumabi nga kayo sa daanan. Umuwi na kayo sa mga bahay n'yo bago ko pa kayo mabato papuntang Mindanao. Mas lalo pa kayong hindi makalaro." inis na sabi ko sa mga walang kwentang paharang-harang sa daanan. Pero bago pa naman ako makapagsalita ulit ay dali-dali na silang naglakad papalayo. Halos wala na ngang dumadating na estudyante dahil feeling ko kumalat na kaagad ang false news na pinalaganap ko.
Oo, false news. Maling balita. Imbento ko. Gawa-gawa ko. Bakit? Wala lang. Trip ko lang. Nakakatamad na kasing um-absent ng ako lang eh. Walang ka-thrill thrill. Ako lang pinapagalitan. Gusto ko marami naman akong kadamay. 'Yong tipong buong pursyento ng estudyante sa school ay hindi papasok dahil sa akin. At alam ko namang hindi imposible ang mga bagay na 'yon para sa isang Cara Valeria na tulad ko. Hindi imposibleng ako mismo ang mag-declare na walang pasok.
Napakashunga ng mga estudyante para maniwala sa tulad ko. Sabagay, mukha naman akong pagkakatiwalaan eh. At alam ko namang hayok na hayok sa walang pasok ang mga estudyante ngayon. Masabihan mo lang na walang pasok, akala mo nanalo na sa lotto. Edi sana hindi nalang sila nag-enroll diba?
Naglakad na ako papalayo ng school namin. Dahil for sure, lalabas 'yong mga officials ng school dahil magtataka sila na walang pumapasok. At napakadali namang i-deny na ako ang nagkalat ng balitang 'yon. Kasi..wala naman silang pruweba. Napakatalino ko talaga sa kalokohan.
Nakakasalubong pa rin ako ng mga ilang estudyanteng naglalakad pero napapabalik din dahil nababalitaan nilang walang pasok. Napapangiti nalang ako.
Gusto ko sanang pumuntang SM pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Naka-uniform kasi ako at wala akong dalang extrang damit.Hindi ko naman kasi aakalaing makakaisip ako ng kalokohan sa utak ko habang papasok ng school. Ang pangit naman kung pupunta ako sa SM ng naka-uniform. Siguradong pagtitinginan ako ng mga taong walang magawa sa buhay at iisipin nilang isa akong masamang estudyanteng hindi pumapasok sa klase at mas pinipiling mag-SM.
Tapos iku-kwento nila sa mga anak nila na kulang nalang sabihing Parental Guidance. Kailangan ng patnubay ng magulang chuchubells. At sasabihin pang
'Anak, h'wag mong gagayahin 'yon ha? Masama 'yon! Pumasok ka sa school everyday. Tapos mag-aral ka mabuti para Top 1 ka.' At 'yong engot naman na anak, susunod-sunod. Edi wow. Ang bait ha. Sa umpisa lang 'yan! Bata pa kasi.
At fyi (For your information), hindi ako masama. Hindi masama ang isang Cara Valeria. Loko-loko lang ako.
Kaya naisipan ko nalang maglakad pabalik ng school. Naisip kong makipag-plastikan. Mag-try magbait-baitan. Para naman kahit minsan, maganda ang reputasyon ko sa kanila. At 'hindi 'yong ako lagi ang masama. Parang sa ate ko..napuno na ang isip n'yang masama ang kapatid niya. Ayun! Pag-uwi ko kahapon, pinagalitan na NAMAN ako.
As in, na naman. Rinding-rindi na nga ako sa pinakafavorite line niyang..
"Cara! Ano na naman bang ginawa mo?! 4th year High School ka na pero utak mo pang-kinder pa din! Puro kalokohan 'yang nasa isip mo! Grow up, Cara! Hindi ka na bata!"
Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang narinig sa bibig niya 'yan.
Nasa kalayuan palang ako ay natatanaw ko na ang mga may katungkulan sa school namin. Angat na angat naman si Ms Jones na kitang-kita kong nakakunot na ang noo.
Tumakbo naman ako papalapit sa kanila at umarte parang nagtataka.
"Ay? Parang tama nga 'yong sabi nila. Wala atang pasok." medyo malakas kong sinabi habang patingin-tingin sa gilid ko. Lumapit naman ako sa mga teachers na problemadong nakatayo sa gilid ko.
"Hello po, Ma'am. Magtatanong lang po kasi ako. Madami po kasing akong nakasalubong na estudyante. Sabi po nila, wala daw pasok. May seminar mga teacher. Akala ko naman..niloloko lang nila ako. Kaya tumuloy pa din ako dito sa school. Gusto ko pa naman po sanang pumasok.." malungkot kong sabi sa harapan nila. Masuka-suka naman ako sa loob-loob ko.
"Ha?! Kaya pala walang pumapasok. Oh my God. I'll tell this to Ms. Jones." sabi noong isang teacher na pinagtanungan ko. Nakita ko naman kung paano umasok ang ilong ni Ms. Jones. Napapatawa na ako pero pinigilan ko nalang muna. Baka masira pag-arte ko.
"What a mess! Stop spreading false news!! Wala akong binalitang ganyan!! Sino naman ang nagpakalat?!! Sa oras na malaman ko ku--
Walang kwenta. Ang korny. Drama pa more. Maglalakad na sana ako paalis pero bigla akong natigilan dahil may narinig akong nagsalita.
"Excuse me, Ma'am. Kilala ko po kung sinong nagpakalat ng maling balita." napaharap ako kung sino ang lapastangang lalaking 'yon. Napangiti nalang ako dahil alam ko namang walang maniniwala sa kanya kung ano mang sabihin n'-
"And i also have a video."
Seriously? Napatulala ako sa kanilang lahat.
Bullshit. This is freaking bullshit.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...