This chapter may contain vulgar words that's not suitable for readers below 16 years old. Read at your own risk. Thank you.
Kalokohan 38
Nothing at all
"Cara! Miss ka na namin!" umalingawngaw ang sigaw ni Cornelia habang papalapit siya sa akin kasama ang iba pa naming kaibigan.
"Akala mo naman ang tagal nating hindi nagkita ah?" sagot ko sa kanya. Umupo naman sila sa bakateng upuan sa aking tabi. Kapag may time talaga ay nagsasama-sama kaming pito para sabay maglunch at para makapagkwentuhan na rin.
"Kahapon kasi.. hindi namin alam kung nasaan ka! Hindi ka ba naglunch?" tanong naman ni Mellise sa akin.
"Kumopya ako ng notes. Naiistress ako sa mga exams bukas. Pero naglunch naman ako pagkatapos. 'Yon nga lang.. wala na kayo." sabi ko sa kanila at nagtawanan naman sila. Ang maalala rin na may exam kami bukas ay parang nagpasakit ng ulo akin. Kailangan ulit naming magreview ni Stan mamaya! And speaking of Stan, nasaan na ba iyon? Napatingin ako sa orasan sa gitna ng cafeteria. Lunch time na ah? Bakit wala pa siya?
"Sus, kami nga hindi naiistress, eh! Magkokopyahan lang naman kami bukas." napatigil ako sa paglinga sa paligid sa sinabi ni Brionea. Binatukan naman siya bigla ni Richel.
"At sino namang nagsabi sa inyong makikisali ako sa kopyahan n'yo? Magdadala ako ng folder para walang kopyahan! Walang kaibigan kaibigan bukas!!" highblood na sabi ni Richel at agad namang naglabas ng libro at nag-aral.
"Wow, bookworm!" sabay-sabay nilang sabi. Nanliliit naman ang mata ko sa kanilang anim. Sana ay kaklase ko na lang sila para kahit papaano ay nawawala ang stress ko.. para kahit papaano ay kasama rin ako sa kopyahan este sa chikahan nilang lahat.
"What time 'yong—" hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay bigla silang nagtayuan lahat. Nagulat naman ako at napatingin sa paligid. And there was it, I saw Stan standing infront of me. Napataas ang kilay ko at napangiti.
"Excuse me.." sabi ni Stan kanila Cornelia. Napasenyas pa ng puso ito sa likuran ni Stan. Bitbit ni Stan 'yong tray ng pagkain namin. Nilapag niya ito sa aming lamesa. Kaya pala natagalan! Pumila na at bumili na ng pagkain namin! Alam niya na kung anong gusto kong pagkain ah?
"Sabi ko sa iyo, hayaan mo na akong magbayad ng lunch ko. Nakakahiya na sa iyo, eh." bulong ko naman sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin. Naku, Stan! Kahit kailan talaga!
"Hay nako.. Sige, Cara! Mauna na muna kami. Bibili pa kami ng makakain, eh. Tska hahanap ng table." sabi ni Mellise sa akin.
"Sabay na lang kayo sa amin ni Stan, oh. Maluwag pa naman dito sa table—" umiling na kaagad sila. Sabay-sabay pa sila sa pag-iling na parang manikang de baterya.
Napapailing na lamang ako habang naglalakad sila papalayo. Si Stan naman ay isa-isang nilagay ang sangkaterbang pagkain sa harapan ko.
"Kainin mo 'yan." seryosong sabi niya. Napanganga naman ako.
"Lahat 'to?" gulat kong sabi. Ngumiti siya at tumango.
"Bakit? May problema ba?" pilit naman akong umiling. Muli kong tiningnan ang pagkain sa harapan ko at halos malula ako. Feeling ko ay tataba ako kapag kasama ko si Stan. Hindi siya nakukuntento sa isang ulam. Hindi rin siya nakukuntento sa kanin lang. Dapat may spaghetti pa tapos burger!
"Nga pala, Stan. Magrereview ba ulit tayo mamaya?" napatigil siya sa pagsubo ng kanin.
"Oo naman. Magrereview tayo tapos babalikan natin si Nanay para dalhin sa Home for the Aged, hindi ba?" napangiti ako nang maalala ko iyon. Bigla tuloy akong nagexcite na mag-uwian!
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...