Kalokohan 33
7 Houses
That was a priceless moment. Hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ko pagkatapos ng pagbisita namin doon. Nakakataba ng puso dahil may natulungan ka. At ang kaalaman pang may napasaya kang maraming tao ay ang lubusang nagpadagdag ng kasiyahan ko.
Walang katapusang yakapan ang nangyari noong mga oras na iyon. Ramdam na ramdam ko ang mainit na yakap sa akin ni Lola Miling habang panay ang bilin na mag-aayos ako. Niyakap din naman ako ng iba pang lola at nagpapasalamat sa aking ginawa.
Nanatili naman akong walang alam kung ano ba talagang ginawa ko. Paano ko nagawang mapagsalita si Lola? At bakit ako? May kapangyarihan ba ako? Pwede na ba akong mag-artista? No, I deleted the thought. Bakit nagiging korny ako?
Bago sumakay sa kanya-kanyang jeep ang mga ka-org mates ko ay panay bati sila sa akin. Naging instant celebrity tuloy ako. Pero sa kabila ng pagbati sa akin ng mga ka-org mates ko ay ang matalim na titig ni Weina sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin.
Hinintay muna naming mag-alisan silang lahat bago kami sumunod ni Stan. Kinaway ko ang mga kamay ko sa mga sisters at sa mga lola at ganoon din si Stan. Balita ko ay tatawag sila ng doctor para matingnan ang kalagayan ni Lola Miling.
At sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang buong lugar ng Home for the Aged..ang lugar kung saan parang nakalimutan ko ang dating sarili ko at ang mga kalokohan ko. Tiningnan ko ito at sinabi sa aking sarili na hindi ito ang huling araw na makikita ko ito.. dahil ngayon pa lamang ang simula ng pagbisita ko. Sigurado akong babalik at babalik ako rito.
"Sa school pa tayo didiretso kasi may meeting pa para sa Camp bukas." sabi ni Stan bago niya tuluyang paandarin ang motor.
Talagang dire-diretso nga ang activities namin ngayong Linggo. Wala na kaming oras para umattend ng klase. Siguradong lahat kami pagbalik ay maghahabol sa lessons.
Alas tres na nang makarating kaming dalawa sa school. Nag-aayos na ng upuan ang aming mga ka-org mates sa stage kung saan gaganapin ang aming meeting. Abalang-abala na sila roon na pinamumunuan naman ng amin Vice President na mainit ang ulo sa akin at ganoon rin ako sa kanya na si Weina!
"Cara! Cara!" tumakbo si Cornelia papalapit sa akin.
"Sasama ka ba sa Camp bukas?" bungad na tanong niya.
"May dahilan ba siya para hindi pumunta sa Camp?" natigilan kaming dalawa ni Cornelia nang magsalita si Stan sa aming likuran.
"Sabi ko nga po, Mr President.. wala. Lalo na't nandiyan kayo.. talagang pupunta 'yan si Cara!" sabay hagikgik ni Cornelia sa aking harapan. Pinanlisikan ko siya ng aking mata. Tawa naman siya nang tawa.
"Oh siya, maiwan ko muna kayo. I'll just go to my office. You want to stay here, Cara or just—" umiling na kaagad ako. Maybe, I'll just stay here. Hindi naman ako pu-p'wedeng nakabuntot palagi sa kanya.
"Alright, then. See you later." at pinisil niya ang aking pisngi. Ngumiti siya bago tuluyang naglakad papalayo sa amin. Nanatiling blangko ang aking ekspresyon.
"Oh my gash! Ikaw na talaga, Cara!! Ikaw na talaga ang pinakamaganda, pinakamabait, pinakamatulungin, pinakamasayang kasama, pinakacute—" bago pa matapos ang kaka-pinaka niya ay nagsasalita na ako. Too much pinaka will kill her. Naririndi ako!
"Shut up." inis na sabi ko. Pero kahit anong inis ko ay panay tawa niya pa rin. Hindi man lang siya natatakot sa kahit anong masamang tingin ko at panlilisik ng mata. How could she..
I sighed.
Hindi ko akalaing makakakilala ako ng katulad ni Cornelia at ng mga kaibigan niya. They are very understanding. More than that, they are very cheerful and happy go lucky people.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...