Kalokohan 36
Prize
Napatayo ako sa aking kinauupuan habang pilit kong nilalakasan ang aking loob dahil nasa harapan ko sa Madam Ube. Hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa aming dalawa ni Stan. Aura kung aura!
"Madam.." panimula ni Stan. Ako naman ay mas sumiksik sa kanyang tabi. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng kaligtasan dahil katabi at kasama ko siya.
Tumaas naman ang kilay ni Madam Ube. Feeling ko sa oras na ito ay kahit anong parusang ihahatol sa aming dalawa ay malugod kong tatanggapin. Afterall, law is a law. Wala kaming laban doon.
"Hayaan n'yo po muna kaming magpaliwanag." dagdag pa ni Stan. Tumango ako. Hindi dapat ako manahimik ngayon at kailangan ko ring tulungan si Stan na ipaliwanag ang side namin.. kahit hindi pa ito pakinggan ni Madam Ube. Ang mahalaga lang ay maipaliwanag naming kung bakit kami naririto ngayon.
Because clearly, we are not breaking the rules. Wala kaming ginagawang masama. Ako ay lumabas para pumunta sa hall at mag-CR. Wala akong makasama dahil hindi sila magising. Si Stan naman ay pupuntahan sana si Madam Ube para makipag-usap dito. But unfortunately, we met. We talked. Is that really forbidden?
Umaapaw ang aking nararamdaman lalo na't hindi pa sumasagot si Madam Ube sa sinasabi ni Stan. Mariin niya pa kaming tinititigan at inoobserbahan.
"You two.." para akong mahihimatay nang magsalita si Madam Ube! Kung ano man ang sasabihin niya.. ay parang hindi ko makakayanan. Pababalikin na ba kami sa aming mga bahay dahil sa paglabag namin sa rules?
My gad! I hadn't even lasted for two days! And I think, I'd be picking my bags in ten minutes. What would Ate Cara say when I turned up on our doorstep?
Ikahihiya niya ba ako? Magagalit ba siya sa akin dahil marami siyang nagastos para sa Camp na ito tapos ganito ang gagawin ko? What a shame, Cara. What a shame!
"Madam, please.. pakinggan n'yo po muna kami. Wala naman po kaming ginagawang masama ni Stan. Alam ko pong hindi na kayo tatanggap ng kahit anong excuses o ano.. pero.. Madam, we're begging. Please, listen." pagmamakaawa ko sa kanyang harapan.
"Lumabas po ako sa quarters para gumamit ng CR. Wala pong magising sa kanila kaya ako nalang po mag-isa ang lumabas. Sa isip ko ay siguro naman maiintindihan n'yo. Hindi ko na po kasi matiis. Nakakahiya mang aminin pero ihing-ihi na po ako. Hindi ko naman po makayang umihi sa talahib o sa damuhan dahil—"
Nagulat ako dahil biglang tumawa si Madam Ube! May nakakatawa ba sa aking sinabi?
"Madam, hindi po ako gumagawa ng rason! Ito po ang totoo! I'm not fooling you, Madam..I'm serious. Papunta na po ako ng CR nang makita ko po si Stan.. and he's looking for you." napatingin si Madam Ube kay Stan. Matalim niya itong tiningnan bago bumalik ang tingin sa akin.
"Kaya po—" hindi niya ako pinatapos magsalita at inangat niya ang kanyang kamay bilang senyales na tumigil ako sa pagsasalita. So there, I stopped.. still breathing heavily. Kinakabahan pa rin ako. Ayoko pang umuwi!
"Okay, you two—" nanlaki ang mata ko! Mukhang hindi nakinig si Madam Ube sa paliwanag ko!
"Madam! Please!" napaluhod na ako sa kanyang harapan. Nagulat siya sa aking ginawa at biglang tumawa ulit. Si Stan naman ay nananatiling tahimik.
"Chill, Ms Valeria. Sasabihin ko sanang bumalik na kayong dalawa sa quarters n'yo kung ayaw n'yong tuluyan ko kayong i-disqualified sa Camp na ito." natatawa niya pa ring sabi. Napatayo ako at halos magtatalon sa kanyang harapan!
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...