Kalokohan 1
I'm dead
At 'yon ang kauna-unahang kalokohan kong ginawa sa paaralang ito. Galit na galit si Ate Clara habang sinusundo ako noon sa Guidance Office. Naalala ko pa siya habang sinasabi ang mga katagang "Hindi ka pa nga nakakapasok, kalokohan na kaagad?!" Mga mahigit 100 niyang inulit-ulit 'yon hanggang sa makatulog ako.
Nalaman ko ring natanggal na 'yong lalaki na 'yon sa final team sa basketball ng paaralan. At dahil sa galing ng pag-arte ko noon. Kung nasaan man siya ngayon ay hindi ko na alam. Ni-hindi ko na nga siya maalala at hindi ko na rin maalala ang mukha niya. Because luckily, I survived.
Fourth year HS na ako.. alive and kicking. Ni-hindi ako napatalsik sa paaralang 'to dahil wala pang patunay na may kalokohan nga akong nagagawa. Walang ebidensya. Simple as that. Malinis kasi ako gumawa ng kalokohan. Walang naiiwang bakas! Kaya proud na proud na sila Ate sa akin sa kaalamang hindi ako napapatalsik. Akala niya tuloy wala na akong nagagawang kalokohan at puro akusasyon nalang iyon!
Wala naman kasing pinagbago. Palagi pa ring pinapatawag si Ate sa Guidance kaya palagi pa rin niya akong napapagalitan. I'm used to it. Bawat kalokohan ko naman ay alam kong may kaakibat na sigaw at pangaral ni Ate. Pangaral na kahit tuldok ay hindi ko naman ata napakinggan.
And I am here.. the same Cara Valeria, the only girl in the campus who can do things like that. Ang numero unong promotor ng kalokohan sa lahat ng bagay. Ang palaging suki ng guidance counselor na kulang nalang doon ako patulugin. Ang babaeng kinatatakutang awayin ng mga kaklase ko dahil alam nilang gaganti at gaganti ako.. mapa-lalaki man o babae. Ang babaeng hindi nauubusan at palaging may baon na kalokohan araw-araw. Ang babaeng puro kalokohan lang naman daw ang alam. Yes. I am that girl or worst.. mas lalo pa nga ata akong lumala.
"Cara!! Cara!! Nagmamakaawa ako, please!" sigaw ng kaklase ko habang tumatakbo kaming dalawa sa hallway. Putspa talaga 'tong kaklase kong si Weina. 'Yong kulot na nakita ko noong nag-eenroll ako. Siya 'yong kasama noong lalaking makapal ang mukha!
Hindi ko naman akalaing magiging kaklase ko siya. Pero wala naman akong pakialam, e. Akala mo nga kung sinong matapang noon.. pero hindi naman pala! Sobrang hinhin at hina naman pala nila!
At kung hindi siya isa't kalahating engot, malamang hindi ko makukuha ang isang sapatos niya. Pero dahil isa siyang engot at tatanga-tanga, nakuha ko ang kabiyak ng sapatos niya.
"Weina!!" napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang pagsigaw ng isa ko pang kaklaseng engot na bestfriend naman nitong si Weina. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura ni Weina ngayon na parang isdang nailayo sa tubig. Hingal na hingal na din siya kakatakbo. Napailing ako sa ka-engotan niya at muling napatingin sa sapatos niya na hawak ko ngayon. Anong gagawin ko ngayon?
Muling nangningning ang mga mata ko at parang tinubuan ng light bulb ang ulo ko. Tama, Cara. Ikaw talaga ang Reyna ng Kalokohan! Napangiti ako at dahan-dahang naglakad papuntang fish pond.
"Wala ka talagang awa, Cara! Pati sapatos ni Weina, hindi mo pinatos!" nagulat nalang ako nang may pumigil sa akin sa paglalakad ko papuntang fish pond. Wow, just wow. Ang butihing bestfriend ni Weina. Isa ring engot na katulad niya
"Hmm.. Kung gusto mo.." bigla akong ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
"Ibalik mo ang sapatos niya! Maawa ka, Cara!" natawa lang naman ako habang nagmamakaawa siyang ibalik ko ang sapatos ng kaibigan niya.
"Wala ng libre ngayon, kulot! Kung gusto mo.." tumingin ako sa sapatos niya. Namula naman siya sa inis dahil tinawag ko siyang kulot.
"Kung gusto mo ay ibigay mo sa akin ang sapatos mo at 'yan ang paglalaruan ko. Tapos ibabalik ko sa iyo ang sapatos ni Weina. Edi quits tayo!" ngiting sabi ko sa kanya. Tumingin din siya sa sapatos niya at medyo napailing-iling.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...