Kalokohan 48

4K 141 26
                                    

Kalokohan 48

Affected

Nagkaroon naman ng sayawan at sayang-saya naman ang dalawang bagong kasal, ang aking mga magulang na akala mo sila rin ang kinasal at ang iba pa naming kamag-anak.

Lahat sila nagsasaya maliban sa akin na panay inom ng tubig dahil sa tensyong nararamdaman ko. Hindi na ako magugulat kung magpabalik-balik ako sa CR para umihi. Ang bigat talaga ng nararamdaman ko dahil.. katabi ko siya ngayon. Iisang table kami ngayon. At kahit abala siya sa kanyang pagce-cellphone ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.

Halos mabitawan ko naman 'yong baso nang biglang may tumamang kamay sa aking balikat.

"Ay, sorry.." bulong niya. Muntikan ko na rin tuloy maibuga 'yong tubig sa bunganga ko.

Hindi na lamang ako umimik at pinilit kong magpanggap na wala lang sa akin 'yon. Na hindi ko dinadamdam ang pagkatama ng balikat naming dalawa.. kahit ang totoo ay halos magwala ang aking puso sa simpleng pangyayaring iyon.

"Oh, Cara? Bakit hindi ka nagsasayaw? Nandoon na sila lahat oh!" bigla naman akong natigilan sa pag-iisip nang bigla kong narinig ang boses ng pinsan kong lalaki. Hinarap ko naman siya kaagad sa likod. Napansin ko rin ang pag-angat ng tingin ni Stan sa aking tabi.

"Tinatamad ako—" halos matawa ang pinsan ko sa aking sinabi.

"Ikaw? Tinatamad? At sa kasal pa talaga ng kapatid mo! Don't us, Cara! Tara na! Let's dance! Don't waste your time sitting alone." Magrereact pa sana ako nang bigla na lamang akong hilahin ng aking pinsan sa dance floor. Siniksik niya ako kasama pa ang iba naming pinsan.

Nagtatalunan at nagsisigawan na sila sa gitna ng dance floor. Kung hindi ko siguro sila kilala ay iisipin kong isa silang normal na taga Maynila dahil sa ginagawa nila ngayon. Kahit na ang totoo ay mga taga-probinsya sila. Pero sa ginagawa nila ngayon ay mas kinabog pa nila ang mga City girls at boys dito.

Sila Ate Clara at Kuya Tian naman ay nagsasayaw din sa gitna at pinagdidikitan sila ng pera sa kanilang katawan.

"Wohoo!" sigaw pa noong pinsan kong lalaki na tumawag sa akin kanina.

"Party! Party!" dagdag pa noong iba kong pinsan. Ako naman ay nakikisayaw na rin kasama nila. Hindi ko nga lang sila masabayan dahil masyadong intense at walang-wala na talaga sa beat ang pagsasayaw nilang lahat dahil sa kahyperan.

Inangat pa ng pinsan kong lalaki ang kamay ko.

"Ayusin mo naman sayaw mo! Para kang hindi nagpaparty!" napapailing niyang bulong sa akin. Napailing nalang ako.

Nang mas lalong lumakas ang tugtog ay saka ko binuhos lahat ng natatago kong skills sa partying! Tinodo-todo ko ang pagsasayaw ko kaya mas lalong umingay ang mga pinsan ko at halos tulakin nila ako dahil may kanya-kanya rin silang pinapakitang dance move.

Ang mga matatanda naman ay panay sigaw ng kanilang requested songs na parang hindi pinapansin noong naglilipat ng kanta.

Pero halos matigilan naman ako sa pagsayaw nang biglang tumugtog ang isang love song. At sa pagtigil ko sa sayaw ay naramdaman ko ang pagod sa pinaggagawa ko kanina.

Nagpartneran na ang mga matatanda. Sila Ate Clara at Kuya Tian naman ay nagsasayaw ng slow dance kasama sila Mama at Papa. Umalis na rin sa eksena ang mga pinsan ko dahil ayaw daw nila ng ganoong kanina. Iritang-irita pa nga sila habang umaalis sa dance floor.

Ako naman ay nakatunganga lang doon at hindi ko nga alam kung bakit nandoon lang ako.

At nang makaramdam ako ng kahihiyan at pagod ay naisipan ko ng bumalik sa aming kinauupuan. Habang naglalakad ako pabalik ay bigla ko namang naalala si Stan kaya naisipan kong bumalik sa dance floor at hanapin ang kinauupuan ng mga pinsan ko para sa kanila makisama.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon