Kalokohan 43
Wedding Program
Mabilis ang naging takbo ng mga araw. Hindi ko na namalayan na unti-unti na ring lumalapit ang pagbalik namin sa Pilipinas. Pinilit ko naman talagang ipagsawalang bahala iyon para hindi masyadong magulo ang isip ko.
Gusto ko ng kapayapaan sa aking isipan at iyon lamang ang tanging paraan para matahimik ako—ang pansamantalang paglimot na uuwi kami sa Pilipinas sa susunod na mga buwan.
At dumating na nga ang puntong 'yon. Bukas na bukas na ang flight namin pauwi. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay nagkahalu-halo na.
Kapag tinatanong ko naman kanila Mama at Papa kung kailan ang balik namin dito ay kadalasang iniiba nila ang usapan. Mas lalo pa akong nababahala dahil mas nagiging madalas ang pagdalaw ng mga sinasabing kaibigan ng aking magulang na hindi ko naman nakita kahit noon. Kumbaga, bago sila sa paningin ko.
At kahit sabihin ng aking magulang na noon pa nila kaibigan ang mga taong iyon ay nakukutuban pa rin ako ng masama. Pakiramdam ko ay hindi na kami rito babalik. Pakiramdam ko ay tuluyan na kaming titira ulit sa Pilipinas. Pakiramdam ko nga lang ba o napaparanoid lang ako? Kung alin man sa dalawa ay hindi ko na alam.
Sa nakalipas na buwan naman ay inilaan ko ang mga araw ko sa pagbisita sa Home Care katulad ng aking nakasanayan. Nakakatuwang isipin na mas naging close sa isa't isa ang mga bata at ito ay dahil sa akin. Natuto na ring makihalubilo si Kei sa ibang bata. Lubos namang pasasalamat sa akin ng mga nag-aalaga, iba pang volunteers, nurses at maging ang mga magulang ni Kei.
Naalala ko noong kinausap nila ako tungkol rito—sa pagbabagong nangyayari kay Kei. Ni-hindi ako makatingin sa mukha ng dalawang mag-asawa dahil sa takot na makita ko sa kanilang presensya ang lalaking kinamumunghian ko. Natatakot akong may masabing hindi maganda.
Kahit kay Kei ay nagiging maingat din ako. Pinipilit kong hindi maalala si Stan sa kanya pero minsan, kahit anong gawin kong pag-iwas ay naalala ko pa rin. Lalo na at minsan ay nabanggit niya sa aking may Kuya siya. Noong oras na iyon ay takot na takot akong magkwento pa siya nang magkwento kaya tango na lamang ako nang tango. Mabuti naman ay hanggang ngayon, wala pa rin siyang alam sa nangyari sa amin ng Kuya niya.
"Ate Cara! Nakita mo po ba si Ate Kei?" natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong kausapin noong isang bata. Kahit bukas na ang flight naming pabalik ay nagawa ko pang bumisita rito. Pero siguro ay sasaglit lang ako. Magpapaalam muna ako sa mga bata at maging sa iba pang tao rito lalo na't sa ngayon ay hindi ko alam kung kailan ang balik o kung babalik pa ba ako.
"Hindi ko rin siya nakita, eh. Kararating ko lang din. Naglalaro ba kayo?" tumango siya sa akin at ngumiti. Mamaya ay tumingin siya sa kanyang likuran na para bang may hinahanap.
Halos magulat naman siya nang biglang naglabasan ang iba pang bata sa kanyang likuran. Nanlaki ang mata niya at tinulak-tulak niya ang mga bata palayo.
"Doon na kayo! Shh! Bumalik na kayo!" natataranta niyang sabi. Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan para pigilan ang tulakang nangyayari.
"Huwag kayong magtulakan. Ano bang nangyayari?" pagtataka kong tanong. Nagkatinginan sila at halos magsikuhan.
"At tska.. asan ang Ate Kei ninyo?" napayuko sila sa tanong ko at hindi pa rin nagsasalita.
"Anong meron?" kinakabahan na ako sa mga kinikilos nila. Nakakapanibago.
Natigilan na lamang ako nang may biglang umiyak.
"Si Ate Kei! Si Ate Kei!" maiyak-iyak na sabi niya. Para namang nanlamig ang buong katawan ko at maging ang mga lamang loob ko. Natatakot ako sa mga sitwasyong ganito. Hangga't maaari ay ayokong makakasaksi ng mga batang nag-iiyakan dahil may nangyayaring ma..sama..
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...