Kalokohan 20

3K 95 4
                                    

Kalokohan 20

First Dare

"Ate Clara, p'wedeng mahiram 'yong phone mo?" hindi na naman siya sumagot sa tanong ko at agad niya namang binato sa akin ang phone niya. Mabuti na lamang ay nasalo ko kaagad.

"Kailangang bato talaga? Paano kung hindi ko 'to nasalo.. edi parehas na tayong walang cellphone?" napailing kong sabi. Tinaasan naman ako ng kilay ni Ate Clara.

"Wow, you sound concern, ha." sabay tawa niya. Hindi ko nalang 'yon pinansin at agad kong ini-scroll ang kanyang contacts. Nang mahanap ko ang numero ni Stan ay napangiti ako.

"Ate, may load 'to?" tanong ko ulit. Umaliwalas naman ang mukha ni Ate Clara na parang nang-aasar! Wow, I didn't know na marunong palang mang-asar ang kapatid ko.

"Kung iniisip mong may tatawagan ako, yes. And another yes because i'm going to call Stanlee." sabi ko at inirapan ko siya. Lumawak naman ang ngiti niya at pumunta sa tabi ko.

"Uy, tatawagan niya si Stan! For what--

"For business purposes. That's all! Kaya please answer me properly kung may load ba 'to o wala." inis kong sabi. Kulang nalang ibato ko ang cellphone niya dahil panay ang pang-aasar ni Ate sa hindi malamang dahilan. Duh, if you really know my reasons.. I bet you're not going to act like that.

Pumunta na ako sa kwarto nang sabihin ni Ate Clara na may load ang kanyang cellphone. Hindi kasi magiging tahimik ang pagtawag ko kay Stan kung nasa tabi ako ni Ate Clara. For sure, mang-aasar at mang-aasar lang siya.

Agad ko namang di-nial ang numero ni Stan. Ilang minuto niya pa ito bago sagutin.

"Hello?" napalunok ako nang marinig ko ang buong-buong boses niya.

"Hello, Stanlee!" maligaya kong bati. Bigla ko namang narinig ang pag-ubo ni Stan sa kabilang linya. Alam kong alam niya na ako ang tumawag sa kanya.

"Damn, Cara. Sabi ko sa iyo.. 'wag mo muna akong kausapin kung hindi pa tapos ang unang dare ko sa iyo! Mag-focus ka muna sa first mission mo. By--

"Ano ba, Stan! I am just excited to share my experience today! And I'm telling you, these will make you laugh your ass off! Grabe, Stan. I didn't expect that to happen! Hindi ba.. ang usapan natin.. I'm going to help 5 persons within 3 days? Dapat saktong lima na ang matutulungan ko.. kaso i turned out to be epic one!" matawa-tawa kong sabi. Wala naman akong narinig na reaksyon sa kabilang linya.

"Hello Stan?" tawag ko ulit sa kanya.

"Hello? Are you still there? Hello!!" at dahil walang sumasagot, naisipan kong tingnan kung andoon pa ba siya sa kabilang linya. But heck, no Stanlee at all. Walang nakikinig sa akin. He ended the call!

Halos manggigil ako sa paghawak sa phone. Napaupo nalang ako sa upuan habang iniisip 'yong nangyari kanina sa school. It was miserable! Lalo na dahil hindi kami nagkita ni Stan. Of course, magkaiba kami ng section. Plus no Stan waiting for me during the dismissal.

Ang usapan kasi namin ay hindi kami p'wedeng magkita o mag-usap hangga't hindi ko nagagawa ang lecheng dare niya. Hindi ako pumayag sa usapan na 'yon pero buong-buo ang loob ni Stan sa mga naiisip niya to the point na ang hirap tibagin.

My first dare is to help atleast 5 person within 3 days! Yes, fucking three days! Only three days! And I need documentation as an evidence. Hindi naman 'yong video na mala-documentary o MMK. A simple picture will do. But fuck, how would I do that? I'm not a sociable person, after all.

Sinuggest ko na kung p'wede ay samahan niya akong gawin ang dare niya. But ghad, he refused! Dapat daw makayanan kong mag-isa! 

Kaya noong uwian ay magdidiretso na sana akong umuwi. Wala na ako sa mood gawin 'yong mga bagay na 'yon. I even looked for Stan that time pero ni anino ni Stan ay hindi ko natanaw. Dumaan pa ako sa room nila.. pero wala talaga! Where are you Stan?

Pero bago ako lumabas ng gate noon ay nakakita ako ng limang batang nag-iiyakan. Limang babae sila. Dati ay wala akong paki kahit na magrambulan sila sa harapan ko samantalang ngayon ay napansin kong naglalakad na ang mga paa ko papunta sa kanila. What the heck? Ako pa ba 'to?

"Akin na kasi 'yan!" umiiyak na sabi noong isa.

"Hindi naman sa iyo 'to kasi, e. Sa akin kaya 'to! Sa akin! Binili ni Mommy ko 'to!" malakas na sigaw noong isa habang yakap yakap niya 'yong stuff toy. Stuff toy na Baymax! That was cute!

"Dala ko 'yan! Hindi sa iyo.." turo pa noong isa. Halos mawindang ako habang pinapakinggan 'yong away nila. Agad akong lumapit at umupo sa harapan nila para maabot sila.

"Hello. Anong pinag-awayan n'yo?" ngumiti ako sa kanila. Umiyak nang malakas 'yong isang bata sa tanong ko. Tinuturo niya 'yong katabi niyang babaeng naka-pony. Napahawak naman ako doon sa umiiyak na bata sabay napatingin doon sa naka-pony.

"Siya po 'yong kumuha noong stuff toy." turo noong isang bata sa umiiyak.

"Si Perie po talaga 'yong may ari niyan, e!" matapang na sabi noong isa.

"Opo. Ako po talaga pero kinukuha niya!" taas noo na sabi noong batang nakapony. Napahiga ako nang malalim dahil sumakit ata ang ulo ko sa away nilang lima. Wala na akong maintindihan.

"Ganito na lang.. friends.. friends nalang kayo. Hiraman kayo ng laruan. Kapag nagdala naman siya ng laruan, si Perie naman 'yong manghihiram.. 'di ba? P'wede naman 'yon?" sabi ko doon sa umiiyak. Pero imbis na natuwa siya sa sinabi ko ay pinaghahampas niya ako noong stuff toy.

"Hindi po p'wede! Hindi kami bati!" sabi noong batang umiiyak sa akin. Lumayo ako dahil panay hampas siya ng stuff toy sa akin. My ghad, I can see myself to her when I was a child. Iyakin rin ako noon.

Pero hindi ako nangunguha ng laruang hindi akin. Wala naman akong kaibigan noon, e. Pero this is the reason why I don't want to have friends. Magulo. Puro away.

"Tska ayoko rin pong manghiram sa kanya! Ayoko! Ayoko! Mas marami naman akong laruan kaysa sa kanya." sabi noong nakapony na Perie na ang pangalan.

"Hindi rin naman po namin siya friends, e." sabi noong tatlong babae.

"Ang sasama n'yo--

"Uy, kids.. hindi p'wede 'yong hindi kayo bati.. bati! Friends lahat dapat. Gusto n'yo ilibre ko kayo ng cotton candy? Masarap 'yon, e." sabi ko sabay punas ng pawis ko. Naiirita na ako pero hindi ko magawa dahil bata ang mga kaharap ko.

"Ayaw po namin! Bahala po kayo sa buhay n'yo kung gusto niyo makipag-friends diyan!" turo nila doon sa umiiyak.

"Ayaw po namin sa inyo!" sabay-sabay pa ulit nilang sabi.

"Ayaw ko rin sa iyo!" turo noong umiiyak na bata at binato pa sa akin ang stuff toy. Tumakbo na siya paalis. Sumunod naman ang ilang bata sa kanya. Sinimangutan pa nila ako na parang ako may dahilan kung bakit sila nag-away!

Really? What I have done? Ginawa ko naman ang lahat para ayusin sila.. but then.. ako pa 'tong masama? See, that was really miserable!

Naiinis akong umuwi dahil sa pangyayari.  Dala-dala ko pa rin ang stuff toy na baymax dahil naiwan 'yon sa harapan ko. Pero kapag naalala ko ngayon ay natatawa ako. Maybe, i approached them in a wrong way. That's why I called Stan to tell everything! But see, what he did? He ended the call! Wala siyang balak pakinggan ang sasabihin ko!

Napahinga ako nang malalim at inisip nalang mabuti ang dare. Tomorrow will be the second day! Kahit isa ay wala pa akong natutulungan. Damn, how can I survive this?

Chance na 'yong kanina pero naging bato pa! From "makakatulong na sana ako" to "wala pa akong natutulungan" real quick! I am Cara Valeria and I can't do this?

"Cara, kumain ka na!" rinig kong sigaw ni Ate Clara. Halos mag-space out naman ang isip ko sa mga pinaggagawa ko.

"Cara.." katok pa niya sa pinto ko. Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto at lumabas na. Sinabayan ko na Kumain si Ate Clara. Pagkatapos noon ay napatulala nalang ako sa kawalan. Hindi ko na nga namamalayang nagsasalita na si Ate Clara. Panay tango nalang ako kahit wala akong naiintindihan. Naka-drugs ba ako? Hindi naman 'di ba?

"Ate Clara.."

"Ate, masama ba akong tao?" natigilan si Ate Clara sa tanong ko at napahagalpak sa tawa.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon