Kalokohan 17

3.5K 110 1
                                    

Kalokohan 17

Game


"Manong, diyan na po muna kami. Saglit lang po kami." rinig kong sabi ni Stan. Agad namang tumigil si Manong Driver at nagpark sa isang tabi. Ngiting-ngiti naman sa akin si Ate Clara. Hindi ko naman pinansin ang pag-ngiti niya sa akin.


Hinarap naman ako ni Stan kaya napataas ang kilay ko. 


"Okay na ba rito, Cara? Chatime?" aniya. I just nodded. Hindi na rin siya kumibo pagkatapos noon at lumabas na sa sasakyan. Pinagbuksan niya na rin kami ni Ate Clara.


"Tara na." anyaya niya sa amin. Sumabay lang naman kami sa paglalakad. Sinisiko pa ako ni Ate Clara habang papasok kami sa Chatime. Napailing lang naman ako.


Sa labas pa lamang ng Chatime ay naaninag ko na ang pink at violet na upuan dito. Iilan lamang ang tao kaya hindi na rin naman kami nahirapan sa pagpili ng upuan.


"What do you want?" seryosong tanong ni Stan habang nakatayo sa harapan ko.


"Pearl Milk Tea siguro sa akin." sagot ko. Tumingin naman siya kay Ate Clara na hanggang ngayon ay maligayang nakangiti.


"Ikaw, Ate Clara?" sabi niya sabay tingin ulit sa Menu ng Chatime.


"Coffee lang sa akin. Hindi naman ako mahilig sa milk tea." sagot ni Ate. Maglalakad na sana si Stan nang bigla siyang pinigilan ni Ate para mag-abot ng bayad naming dalawa.


"Hindi na po, Ate Clara. Ako na po bahala. My treat." bumaling muna siya sa akin bago ngumiti. Iniwas ko naman ang tingin ko. What was that for?


"Sure ka? Nakakahiya naman, Stan. Ikaw na nga nagvolunteer maghatid sa amin pauwi.. hanggang sa libre, ikaw pa rin." mahiya-hiya namang sabi ni Ate. Agad ko namang binulungan si Ate Clara na kasalukuyang nagpapakabait.


"Hayaan mo na siya, Ate. At tska nagtitipid tayo 'di ba?" mahinang bulong ko. Napatawa naman si Ate. Tinaasan lang naman siya ng kamay ni Stan na parang nagsasabing oorder na siya. 


"Galante, 'no?" bulong sa akin ni Ate. Napakibit balikat lang naman ako. Naku, Ate! Baka ngayon lang 'yan! Nagpapakabait para mapatawad ko na ang mga kaibigan niya siguro.. pero sa susunod, wala na 'yan! Mapapagod rin 'yan kapag narealize n'yang hindi ganoon kadali ang isang Cara Valeria!


Pagkatapos niyang um-order ay agad siyang bumalik sa upuan. Siya ang kaharap ko ngayon samantalang si Ate Clara ay nakaupo sa tabi ko. 


"Nakita mo na ba 'yong fruits na binili ko? Nandoon lahat ng ni-request mo.." nilabas niya ang papel niya dala niya kung saan nakasulat lahat ang pinabili ko! Halos manlaki ang mata ko dahil panay check ang nakalista roon.


"Nahirapan ako  maghanap ng strawberries. Grabe pala mga kinakain mong prutas, ano?" he smirked. Tumatango lang naman ako habang pinagmamasdan ang papel na inilabas niya. I can't freaking believe this! Akala ko kapag nahirapan siya.. susuko na siya! So madali lang pala 'yong mga prutas na pinabili ko?

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon