Kalokohan 39
Darah Frazier
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Ate. Tumango ako sa kanya. Magdamag ko namang pinag-isapan ang mga bagay na ito. Halos hindi na ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari.
Kararating lang ni Ate galing hospital kung saan na-confine roon ang estudyanteng natamaan ko ng bato sa mata. Nakausap niya na 'yong mga magulang at sinabi niyang tutulong siya sa pinansyal para sa pagpapagamot sa bata.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naisip na nagawa ko 'yon. Nandilim ang paningin ko. Wala na ako sa tamang pag-iisip at nagpadala ako sa galit ko. Pati ang mga taong walang malay ay nadamay tuloy.
"Kung alam ko namang ganito ay mangyayari, edi sana.. hindi ko na hinayaang mapalapit ka lalo kay S—" tinapat ko ang daliri ko sa kanyang mukha.
"Don't say bad words. Ayoko ng marinig ang pangalan niya." sabi ko kay Ate bago tumayo sa aking kinauupuan. Dumiretso na ako sa aking kwarto para mag-ayos ng aking gamit.
Nakausap ko na ang aking mga magulang tungkol sa nangyari. Pilit nila akong tinatanong kung anong problema ko pero hindi ako nasagot. Bahala na si Ate kung iku-kwento niya sa kanila. Basta ang alam ko, kay Ate kwinento lahat. Sa kanya ko lahat binuhos ang luha ko kagabi.
Nang mabanggit nila ang tungkol sa gusto nilang pagkuha sa akin ay hindi na ako nagpadalus-dalos pa. Alam ko na ang sasabihin ko. Buo na ang loob ko. Sasama na ako. I'll go with them without any hesitations. In fact, I don't have any reason to stay here at all. Kaya na naman ni Ate ang sarili niya.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Si Ate Clara lang naman ang bumungad sa akin.
"Bakit nag-iimpake ka na?" pagtatakang tanong niya. Hindi ko pala nasabi sa kanya na gusto na akong kuhanin nila Mama at Papa as soon as possible. Ngayon ko lang rin nalaman na inilakad na pala nila ang papeles noon pa. Kumpleto na ang lahat. Balak na rin pala nila ito noon pa.
"Sabi nila.. gagawan nila ng paraan na masama na kaagad ako roon." sagot ko. Natigilan naman si Ate.
"Cara, alam naman nating hindi agad-agad iyon. Marami pang aayusin. Hindi p'wedeng kung kailan mo gusto.. pwede ka na kaagad nilang makuha." Para naman akong nanlumo sa sinabi ni Ate. Napatigil ako sa pag-iimpake ng aking gamit.
Sabagay, tama naman siya. Pero gustung-gusto ko na talagang umalis. Gustung-gusto ko na makalimutan ang mga masasaklap na naranasan ko rito. Ang hirap hirap na. Baka kapag napatagal pa ako rito sa Pilipinas ay magawa ko na namang kitilin ang sarili kong buhay.
Napatulala na lamang ako. Nagulat na lamang ako nang bigla akong yakapin ni Ate. Hindi ko na maalala kung kailan pa kami huling nagkayakapan. Napakadalang ng yakapan sa aming dalawang magkapatid. Kumbaga, hindi uso 'yon. Walang ganoon.
Pero sa pagkakataong 'to, naramdaman kong ang swerte ko pa pala kasi may Ate ako. May Ate akong handa akong intindihin kahit ang hirap hirap na.. may Ate akong kaya pa akong mahalin at tanggalin kahit gaano pa ako kasama.
Hindi katulad ng ibang tao na kailangan ko pang magbago para mahalin at tanggapin nila ako!
"Alam mo, Cara.. nadaan naman 'yong mga ganyang pagkakataon sa buhay. 'Yong magmamahal ka at masasaktan ka. Dadaan talaga 'yon. Pero ang tanging solusyon diyan ay ang tanggapin mo nalang at matuto kang magpatawad. Forgiving is the highest form of love." Umiling ako sa kanya at napatulo na rin ang luha ko.
"Hindi solusyon na tumakbo ka papalayo sa mga problema mo.. kasi hinding-hindi ka mapapatanag. Habangbuhay mong dadalhin 'yan, sinasabi ko sa iyo. Mas mabuting harapin mo ito dahil 'yon ang nararapat.. hindi dahil sinabi ko lang.. kundi dahil 'yon talaga ang nararapat." Napayakap lang ako kay Ate. Pero umiiyak pa rin ako. Hindi ko pa kayang magpatawad sa ngayon, Ate. Sobrang dami na ng taong nanakit sa akin. At maging ang lalaking inakala kong tinuturing akong most precious gem ng kanyang buhay ay sinungaling din pala. Life is really cruel.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...