Kalokohan 41
Hindi ko kinaya
Tagaktakan ang pawis ko nang makalabas ako sa kwarto ni Kei. Pinupunasan ko pa lamang ang aking mukha nang bigla akong nilapitan ng isang bata sa home care.
"Hala! Ate, ano 'yang nasa pants mo?" tanong niya. Pinilit ko namang tingnan ang likod ng pants ko pero dahil hindi ko ito makita ay kinapa ko na lamang ng kamay ko.
"What is that?" Nilapitan noong bata ang kanyang mukha para malaman din kung ano iyon. Hindi naman ako makagalaw sa aking pwesto nang makapang mabuti at marealize kung ano iyon.
Napailing ako habang dahan-dahan akong bumaling doon sa bata na nakatingin pa rin sa likod ng pants ko.
"Don't mind it. Baka may naupuan lang ako." Tumango siya pero hindi pa rin maalis ang kanyang tingin na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Go back to your playmates, baby." Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan naman niyang tinango ang kanyang ulo. Nakahinga naman ako ng malalim noong bumalik na siya sa mga kalaro niya.
Kinapa ko ulit 'yong nakadikit sa likuran ng pants ko at sinubukan kong alisin ito. Pero dumikit lang ito sa kamay ko. Halos mamula ako sa inis nang mapagtantong tama nga ang hula ko! Bubble gum nga ito!
At sa pagkakataong ito, gusto kong balikan si Kei dahil sigurado akong siya ang may gawa nito! Gusto ko siyang sugurin at sabihan na hindi tama ang ginagawa niya.
Pero halos magflash back naman sa aking isipan ang mga oras na ako ang gumagawa ng mga kalokohang ito.. na ako ang naglalagay ng bubble gum sa isang upuan at good luck na lamang kung sino ang maswerteng makakaupo rito.
That was almost five years ago. At hindi ko akalain noong puntong iyon na balangaraw ay isa ako sa maswerteng malalagyan din ng bubble gum sa pantalon ko.
At kung iisipin kong mabuti, noong taong iyon.. wala rin akong pakialam kung sino at ano ka kung malagyan ka man ng bubble gum. I don't care who you are even you are the principal. I really don't care. My happiness is bullshitting other people's life.
Sino ba namang mag-aakala na sa paglipas ng panahon ay mawawala ang Cara na iyon at mapapalitan ng Cara, the disciplinarian? Sino ba namang mag-aakala na na mapapabilang ako after five years sa mga taong nanaisin magbago ang mga tulad kong Reyna ng Kalokohan din? Wala. Walang nag-aakala. Maski ako ay nagulat na lamang din sa pinaggagawa ko.
But one thing for sure, I will not be like him. I will never use my opportunity to change others just to seek revenge. As in never.
Because some people cannot bear with revenge. Kahit naman ako noong una ay hindi ko nakayanan noong nalaman kong naghihiganti siya sa akin. I even destroyed myself. But as time goes by, I've realized that it was just a matter of acceptance.
Acceptance that there will be no other people to love you most but yourself, indeed. Walang mas masarap sa feeling na kaya mong mahalin ang sarili mo. At iyon ang daan para mapamahal ka rin sa ibang tao.
"Hindi na talaga ako babalik doon! Suko na ako!" natigilan ako sa pag-iisip dahil sa sigaw noong caregiver ni Kei na kalalabas lang din ng kanyang kwarto. Basang-basa ang kanyang apron.
"Ano pong nangyari?" kuryoso kong tanong.
"Tinapon niya 'yong tubig sa sahig! At dahil malabo ang mata ko, nadulas ako. At talagang napakarami rin palang bubble gum sa kwarto noong batang iyon. Bawat upuan ata ay mayroon. Maiiyak ka na lamang sa pinaggagawa niya sa buhay." pagod na pagod niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...