Kalokohan 2

8.3K 251 4
                                    

Kalokohan 2
Spice girls wanna be

"Ma'am, baka naman po puwede n'yo pang bigyan ng chance 'tong kapatid ko? Mahihirapan na po kasi kaming maghanap ng malilipatan niya ngayon eh.." malungkot na sabi ng Ate ko sa principal namin. Napa-irap lang naman ako sa magmamakaawa niya.

Kanina pa ako nababadtrip dito dahil mahigit tatlong oras na akong nakukulong sa lugar na 'to. Dagdag mo pang tinawagan nila si Ate para kausapin na gusto na nila akong palayasin sa paaralang ito.

"Kung ako kasi sa iyo, hindi na ako magmamakaawa." bulong ko. Nagulat naman akong naagaw ko ang atensyon ng principal. Nanlaki naman ang mata ni Ate sa akin.

"I mean, hindi mo na ate kailangang magmakaawa kasi ako na mismo ang magbabago." inis kong sabi. Kulang nalang masuka ako noong sinabi ko 'yong salitang 'magbabago'.

Siguro 'yan ang napakaimposible. Paano mo maiiwasan ang mga bagay na nakasanayan mo na? Para sa akin, parang ang hirap mabuhay ng walang kalokohang nagagawa. Kaya kapag nalaman ko lang kung sino ang nagsumbong sa akin ay tiyak na malalagot sila sa akin. Hindi na sila o siya makakauwi ng buhay!

"Ayun naman po pala, Ma'am. Kapatid ko na nagsabing magbabago siya eh. Kaya po bigyan n'yo pa siya ng chance.. Please." at umirap ulit ako. Ang sarap hilahin ng Ate ko palabas ng principal's office.  Todo push siyang magbabago na ako kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ang salitang 'magbabago'. Wala ata sa bokabularyo ng isang Cara Valeria 'yon.

"Prove it, then..Ms. Valeria. Once na gumawa ka ulit ng hindi maganda, alam mo na ang kahahantungan mo. Pero sa ngayon? Under observation ka pa. You are not still safe." pang-ilang beses ko na ba 'tong narinig? Pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa paaralang 'to. Nakakabagot talaga ang buhay kapag walang magawa. Tutunganga ka. Maririnig ka sa mga teacher mo. At pakikisamahan mo ang mga plastik mong mga kaklase na kung ngumiti ay dinaig pa ang isang anghel.

"Edi ok—

Tiningnan ako ng masama ni Ate kaya naputol ang sasabihin kong 'edi okay'.  Alam ko na ang ibigsabihin niya. Kailangan kong gumalang. Kailangan kong magpakabait. Kailangan ko maging plastik. Napailing ako at pinilit kong maging mabait kahit ngayong araw na 'to.

"Edi okay PO, Ms. Jones. Magbabait na PO ako." tumaas ang kilay ni Ms. Jones kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Pataasan ng kilay ang peg naming dalawa. Bagong ahit pa ata ng kilay ang gaga.

Lumabas kaming dalawa ni Ate ng principal's office pagkatapos papirmahan ang warning letter ko. Nakabusangot na naman ang mukha ni Ate na para bang siya ang muntikan ng mapatalsik ng school na 'to.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo, Car—

"Wala ka namang dapat gawin sa akin, Ate. Hindi na ako bata. I can handle it as always." naglakad na ako papalayo at iniwan si Ate na nakatayo sa labas ng principal's office na namomroblema.

"Cara!!" sigaw ni Ate Clara sa akin at humarap ako sa kanya.

"H'wag mong kakalimutan ang sinabi ni Ms-

Tumakbo na ako papalayo. Wala na akong balak marinig ang paulit-ulit na sinasabi ni Ate. Mamaya sa bahay ay sigurado na naman akong maririnig ko  ulit 'yon. Rinding rindi na ako. At sawang-sawa na rin akong pakisamahan ang mga taong hindi ko naman gusto. Parang lahat naman ng tao, hindi ko gusto. Lahat sila nakakainis. Minsan, hindi mo alam kung sino ang nakangiti sa iyo ng totoo. Parang lahat mapagkunwari na lamang.

"Cara!!" natigilan ako sa pagtakbo nang may tumawag sa pangalan ko. Iritado naman akong humarap sa likuran ko. Pero mas lalo akong na-badtrip kung sino ang tumawag sa akin.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon