Kalokohan 23

3K 95 3
                                    

Kalokohan 23

Katulad ko


Nagmadali na akong maglakad pabalik sa aking classroom. Hindi na ako lumilingon dahil natatakot ako na baka sinusundan nila ako ng tingin. Natatanaw ko na sana ang aking classroom nang may kumapit bigla sa aking balikat. Agad naman akong napalingon.

"Oh Stan.." kunwaring nagugulat kong tanong. Sinubukan ko pang tumingin sa kanyang likod pero wala akong nakita.

"Nasaan na ang Lola mo?" pagtataka kong tanong habang patingin-tingin pa rin.

"Hindi ba masyado pang maaga para bumalik ka sa klase mo?" napaawang ang aking bibig sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ni-hindi niya nga pinansin ang tanong ko kanina at mga pinagsasabi ko dahil tanong rin naman pala ang magiging tugon niya.

"Ano.. Sabi kasi ni Ma'am.. maaga raw kami ngayon. May gagawin nga kasi talaga. Sige..Stan. Una na ko ha." halos mautal-utal kong sabi. Maglalakad na sana ulit ako pero pinigilan niya talaga ako.

"Sino ba ang Ma'am mo ngayon? Hindi ba't adviser ko?" At that hit me! Hindi ako makagalaw sa tanong niya. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at halos kabugin ko pa ang sa Statue of Liberty! P'wedeng-p'wede ko na 'yong palitan!

"Ahh.. Oo. Adviser mo ata? Ano bang section mo? Venus?" panggulong tanong ko sa kanya. Kinakawala ko lang naman siya sa topic namin kaya umaakto akong hindi ko alam ang seksyon niya.

"Venus nga. At adviser ko ang teacher mo after recess. Nakita ko sa schedule ni Ma'am. Pero hindi niya ba nasabi na male-late siya ng pasok ngayon sa inyo?" napataas ang kilay ko. Inayos ko ang postura ko para hindi ako mahalata sa kasinungaling isasagot ko! Ghad, Stan! Pinahihirapan mo akong kumawala!

"Hindi ko alam, e. Baka sinabi niya pero hindi ko 'yon narinig." diretsong sabi ko kahit na ang totoo... narinig kong male-late si Ma'am sa pagpasok. Mas pinili ko lang na bumalik na kasi ayoko na makisali sa usapan ng kanilang Lola tungkol kay Weina. 

"Kung gayon.. sinasabi ko na sa iyo.. male-late siya. You can still enjoy your recess.. together with us." sabay turo niya sa kanyang sarili. Hindi naman agad nag-sink in ang sinabi niya sa utak ko. Together with us, huh? Really? Kasama ba roon sa together si Kulot? Napasimangot ako.

"Together with me and my Lola." dagdag niya. Napalunok naman ako at nag-isip ng p'wedeng mailulusot na naman. Pero huli na ang lahat.. hinila niya na ako pabalik sa cafeteria!

"Ano ba.. Stan! Marami pa akong gagawin.." natigilan siya sa sinabi ko at humarap muli sa akin.

"Kasama ba roon ang dare natin? Kasi you know, hindi pa tapos 'yon. Pasalamat ka nga.. pinapayagan kitang makipag-encounter sa akin, e." sabay halakhak niya. Shit! 'Yong dare! 

"At ngayon ang last day." napailing ako sa kanya. Real horror! Wala pa nga akong natutulungan ng matino tapos last day na ngayon? Anong gagawin ko?

"Stan, hindi ko 'yon matatapos ngayong araw. Sinasabi ko na sa iyo. Maraming ginagawa sa room. Super busy kaya mauuna na ako. Bitawan mo na ako." mariin kong sabi. Kumalas naman siya sa pagkakahawak sa akin at pagod akong tiningnan.

"Really? You mean.. wala ka man lang progress?" natigilan ako sa tanong niya. Wala akong progress? Mukhang wala nga.. Kasi imposible.. Imposible talagang magbago ako!

"Wala." maikling tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango habang mapait na ngumiti sa akin.

"After all this time, Cara.." sabi niya naman. Napataas naman ang kilay ko.

"After all this time.. ano? Stan?" tanong ko pero umiling siya. "Sige, bumalik ka na sa room mo.. Good luck, then. And about sa dare, you want it to stop? Let's talk about it some other time. Hindi mo naman klinaro na hindi ka naman pala willing." parang may kurot naman sa aking dibdib pagkatapos niyang sabihin 'yon. Tumango siya sa akin bago tuluyan na naglakad papalayo.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon