Kalokohan 18

3.6K 125 0
                                    

Kalokohan 18

Mapait


"Grabe talaga 'yon si Stan 'no? Hindi ko akalaing mabibili niya lahat 'yan! Gaano ba kayaman 'yon? Tapos nilibre niya pa tayo?" halos hindi na magkanda-ugaga kakatanong si Ate Clara sa akin tungkol kay Stan pag-uwi namin.


"Hindi ko alam, Ate.. Hindi ko alam." inis na sagot ko sa kanya. Isa-isa naman niyang hinalungkat ang laman ng mga boxes. Kinalat niya ang mga strawberries, rambutan, lanzones, peach at iba pang prutas na hindi ko naman pinabili sa sahig.

"Magkano kaya ang nagastos niya rito?" tiningnan niya rin ang laman pa ng isang box at nagulat siya dahil parang may supply kami ng carrot juice. Hindi naman ako umiimik at panay titig lang ako sa ginagawa niya.

May isa pang plastic bag siyang binuksan kung saan niya nakuha ang dalawang maliit na tupperware. "At ano naman ito?" tanong niya sa akin habang inaangat ang tupperware. Napakibit balikat naman ako.

I don't like answering every questions from Ate Clara. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung paano nabili lahat 'yan ni Stan. Like ghad, how rich he is?

"Hala, ang bango!" binuksan ni Ate Clara ang isang tupperware at nanlaki ang mata ko dahil may nahulog pang isang nachos. Bigla kong naalala kung gaano ako nagce-crave sa nachos noong isang araw.

Lalapitan ko na sana si Ate nang biglang may nahulog na papel kaya napatigil ako. Binasa niya ito sa harapan ko habang pangiti-ngiti pa.


"I don't know where to buy baked nachos.. so i tried to make one for you. So here it is.. presenting my homemade nachos! I hope you enjoy it." basa ni Ate sabay tingin nang masama sa akin.

Agad ko namang inagaw at tiningnan kung ganoon nga ang nakasulat.. and to my surprise, ganoon nga! Ate Clara isn't joking. Oo nga pala.. joking is not her thing.


"Marunong pala siya magluto! Napapahanga na ako ni Stan, ha! I like her for you sist--


"Kadiri ka, Ate! Nakakainis!" sabay bato ko sa kanya noong papel na hawak ko. Tumalikod na ako sa kanya pero narinig ko naman ang pagkagat niya sa nachos..


"Ang sarap! Crunchy pa." sabay tawa niya. Pinipilit kong hindi humarap.. pero dahil nachos 'yon.. sino pa ba ako para magpabebe? And by the way, if joking is not Ate Clara's thing.. then magpabebe isn't my thing! Nakakadiri magpabebe!


"Akin na nga 'yan. Akin 'yan, e--


"Akala ko ba.. ayaw mo?" napanguso si Ate Clara pero wala na siyang magawa dahil kinuha ko na. Agad ko itong tinikman.. and yes, it tastes so good! Siya ba talaga ang gumawa nito o baka naman pinagawa niya sa iba?


"May mojos pa rit--


"Wow, patikim!" at the end, napa-food trip kaming dalawa ni Ate Clara. Minsan ay naiinis siya sa akin dahil hindi ko siya binibigyan.. o kaya naman kung bibigyan ko siya ay 'yong nakagat ko na! Well, that's me. Expect silly, horrible and gross things when you are with me.


Natapos ang araw na halos lumobo ang tyan naming dalawang magkapatid. Hindi na ako nakakain ng dinner sa dami nang pinadalang mojos at nachos ni Stan. Should I thank him or not--pero kasi.. ginusto rin naman niyang magpadala! So it's his choice! Hindi ko na rin siguro kailangan magthank you. I'm Cara Valeria afterall.. and saying thank you isn't my thing too.


Pagkatapos noon ay ilang araw rin akong naiwan mag-isa sa bahay. Si Ate Clara naman ay pumapasok sa trabaho niya. And seriously, I'm bored to death. Lahat na ata ng p'wedeng mapanuod sa Youtube, napanuod ko na.. pero still, boring pa rin ako.


Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon