Kalokohan 42

3K 107 1
                                    

                  

Kabanata 42

Delubyo

Nagmadali na akong lumabas sa hallway. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao dahil sa pagtataka nila. May iilang volunteer pang bumati sa akin at nagtanong kung saan ako pupunta. Hindi ko naman iyon pinansin.

Pagkalabas ko ng Home Care ay bumuhos kaagad ang luha ko. Nangangatog ang aking binti habang sumasakay ako sa aking bike. Panay punas ako sa luhang tumutulo habang pinapaandar ko ito.

Oo, naiintindihan ko na ang lahat. Naiintindihan ko na kung bakit niya ako gustung-gustong baguhin.. naintindihan ko na kung bakit siya masyadong maalaga sa akin.. kung bakit ako may special treatment sa kanya at kung bakit niya ako tinuturing na prinsesa.

Simple, dahil nakikita niya ako sa kapatid niya.

At dahil wala siyang magawang tulong sa kapatid niya, ako ang nakita niya. Ako ang naisip niyang tulungan para kahit papaano ay hindi siya habulin ng konsensya niya. Para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.

Masaklap mang isipin pero iyon ang totoo. Tinuring niya akong kapatid niya. Hindi ko rin naman siya masisisi, eh. Tunay ngang malaki ang pagkakatulad naming ng kapatid niya.. pero hindi ko rin ipagkakaila na masakit. Masakit marealize ang mga bagay na ito.

Pakiramdam ko ay mas lalong nanghina ang katawan ko. Mas lalo akong naiyak.

Panay sabi ko noon sa aking sarili na hindi na ulit ako iiyak. Hindi na ako iiyak lalo na't kung siya ang dahilan. Pero anong nangyayari ngayon? Bakit parang kinain ko ang sinabi ko noon? Bakit umiiyak pa rin ako sa isang lalaking katulad niya? Nope, correction.. sa isang gagong lalaking katulad niya.

At dahil nanghina na talaga ako, tinigil ko ang aking bike sa tabi ng bench. Umupo naman ako roon pagkatapos dahil wala namang nakaupo. Pinagmasdan ko ang aking kapaligiran na puro mga nagjojogging at nagbibike ang mga nakikita ko.

Ito ang kadalasang nakikita ko sa ilang taong tinagal ko rito.. na kahit umiyak pa ako ng isang balde rito ay walang papansin sa akin.. at kahit paapawin ko ang fountain sa aking gilid gamit ang luha ko ay ayos lang sa kanilang lahat.

Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko sa pagkakataong ito ay bumalik ang mga pangyayaring pilit ko ng kinalimutan. Pakiramdam ko rin ay bumalik lahat ng sakit.

Sa ilang taon kong tinagal dito ay pinamukha ko sa aking sarili at sa kanilang lahat na ayos na ako.. na nakamove on na ako. Pero ito ay buong akala ko lamang pala. Dahil kung tunay nga akong nakamove on ay hindi na ako iiyak ngayon.. hindi na ako magda-drama at hindi ko na babalikan ang nakaraan.

Pero wala, eh. Ito ako, naiyak at inaalala ang mga nangyari noon.. dahil lang sa nakita ko siya kanina sa screen.

Kung siya siguro ay naka-move on na at hindi na ako inaalala, ako naman ay hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin siya. How ironic life is.

Bakit hindi p'wedeng kalimutan ko nalang ang lahat at magsimula ulit bilang Cara Valeria na walang Stan Monterealles? Bakit tila naging mahirap sa akin ang malayo sa kanya? Kaya ko naman noon ah.

Nabuhay nga akong wala siya. Kinaya ko naman. Bakit ngayon.. parang hindi ko kinakaya? Ganoon ba talaga kalaki ang impact niya sa buhay ko.. kahit na nalaman ko ang totoo ngayon na nakikita niya lang ang kapatid niya sa akin?

Shit. Pakshet, Cara! You need to move ahead! Napag-iiwanan ka ng nakaraan!

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinunasan ko ang mga luha ko. Inayos ko na rin ang aking sarili para tuluyan ko ng mapaandar 'yong bike at makauwi na.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon