Kalokohan 24

2.8K 95 7
                                    

Kalokohan 24

Sasama

Ilang beses ko ng sinusubukang i-dial ang number ni Weina pero walang nangyayari. Cannot be reached ang gaga! Kaya wala na kaming nagawa ni Stan kundi dalhin nalang si Perie sa pinakamalapit na hospital. Hindi ko na siya matingnan dahil una.. natatakot akong tingnan siya. Naguguilty ako sa kagagahan kong ginawa sa kanya.

Kung alam ko lang talaga..

"Manong, diyan nalang sa tabi!" naririnding sabi ni Stan habang buhat buhat si Perie. Sunod naman ako nang sunod. Iniwan namin sa school at pinabantayan namin sa Guard 'yong mga kaibigan ni Perie na maliliit pa rin.

Nang makapasok kami sa hospital ay agad na kinausap ni Stan ang mga nurse. Kung anu-anong sinabi niya. Maya-maya naman ay lumingon siya sa akin.

"Cara, dito ka nalang. Ako nalang sasama sa mga nurse." sabi ni Stan. Magsasalita pa sana ako pero nagmadali na siyang tumakbo papunta kung saan. Kitang-kita sa kanya kung gaano siya nag-aalala roon sa bata.

Mas minabuti ko nalang maghintay dito at tahimik na nagdasal na sana.. okay si Perie. Walang mangyaring masama. Kasi kung meron man, sisisihin ko ang sarili ko. Sisisihin ako ni Kulot. Sisisihin ako ni Stan. Sisisihin ako noong pamilya. Sisisihin ako ni Ate dahil wala na nga kaming panggastos, ganito pa ang gagawin ko.

Halos manghina ako sa mga iniisip ko. Sa sobrang lungkot ko ay hindi ko namalayang nakaidlip na ako. Nagising nalang ako noong naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Pagtingin ko ay si Stan na 'yon.

"Stan, kamusta na siya? May nangyari ba? Sana okay lang siya.." pag-aalala kong tanong. Tumango lang naman si Stan pero kita pa ring pagod ang mga tingin niya at nag-aalala.

"Talaga? Walang nangyaring masama?" pagtanong ko ulit. Magsasalita na sana siya kaso bigla siyang natigilan at napatitig sa may likuran ko. Humarap rin naman ako kaagad para tingnan kung anong meron. Nagulat naman ako nang makita ko si Kulot na tumatakbo papalapit sa akin.

Hinanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari.. Napaurong ako kay Stan pero wala akong nagawa dahil bigla na niya akong sinampal kaagad. Isang malakas na sampal na parang ginawa niya kay Stan noon!

"Weina!" sigaw ni Stan sa kanya. Umiiyak na 'to habang ako naman ako nakahawak sa aking pisngi.

"Walanghiya ka! Kung may galit ka sa akin, ako lang.. Cara! Hindi 'yong idadamay mo pa ang kung sinu-sino lalo na ang pinsan ko!" naiiyak niyang sabi. Napanganga naman ako at napatitig sa kanya.

"Hindi ko alam na pinsan mo 'yon.. Kung pinsan mo 'yon, edi iniwasan ko! Iniwasan ko para hindi ka na mag-isip ng masama pa!" napasigaw na rin ako pabalik sa kanya.

"Masyadong makulit 'yong pinsan mo.. Anong magagawa ko? Sa iyo ata nagmana, e!" aakmang sasampalin niya pa sana ako kaso pinigilan ni Stan ang kamay niya.

"Ano ba, Stan!! Hanggang dito ba naman.. siya? Siya pa rin ang ipagtatanggol mo? Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo.. na ako.. at ako ang nag-iisang bestfriend mo at hindi 'yang babaeng 'yan! Ako 'yong nandito noong kailangan mo ng kaibigan, kailangan mo ng katulong at kailangan mo ng kalinga! Hindi siya! Hindi siya, Stan!" mas lalong umiyak si Kulot noong sinasabi niya 'yon. Umiwas naman ako ng tingin.

"Weina..Please." narinig kong sabi ni Stan. "Huwag dito." iling niya pa. Tiningnan naman siya ng masama ni Weina bago magsalita ulit.

"Titigil lang ako kung aalis 'yang babae na 'yan dito!" turo niya sa akin. Naninibago naman ako sa mga kilos ni Weina. Kung dati ay okay lang sa kanya lahat.. ng ginagawa ko. Kung dati hinahayaan niya lang ako.. ngayon, ito na siya. Gigil na gigil ang kagalitan sa akin. Iba talaga magalit ang mga tahimik.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon