Kalokohan 5
Safe
"Cara!! Cara!!" napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong boses na lalaki. Tumigil lang ako pero hindi ako humarap sa kanya. Ano siya chix para harapan ng isang katulad ko?
"Cara V--aleria!" hingal na hingal siyang tumakbo papunta sa harapan ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita kung sino ang lalaking 'yon.
"Anong kailangan mo sa akin--
"Natural, 'yong cellphone ko. I need my cellphone." seryosong sabi niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin pero tinapik ko lang 'yon.
"As if namang ibigay ko sayo kaagad 'yon? Walang thrill, beh. Luhod ka muna sa harapan ko tapos kiss mo 'yong sahig tapos umakyat sa punong 'yon.. at tumalon ka pababa." nanlaki naman ang mata niya sa sin--Hindi pala nanlaki dahil malaki na ang mata niya.
"You're crazy, Cara." sabi niya sa akin. Napangisi lang ako at dire-diretso na ulit akong naglakad papunta sa loob ng school. Pero dahil isa siyang likas na panira ng buhay ay humarang siya sa nilalakaran ko.
"Ano? Bakit ka na naman nandiyan, tungaw? Ang sabi ko ibibigay ko lang 'yong cellphone mo kapag lumuhod ka sa harapan ko at hinalikan mo ang sahig na 'yan.. tapos umakyat ka sa punong 'yon.. at tumalon ka pababa. Hindi rin kita ipapaospital kung may nangyari sa iyong masama. Hindi ka chix para pag-aksayahan ko ng pera. Ge, bye." napanganga lang siya sa harapan ko.. at binangga ko na siya para makadaan ako.
Papasok na sana ako sa school nang bigla niya ulit akong ginulo at hinila ang bag ko. Uminit ang ulo ko sa ginawa niya.
"Punyemas! Hindi mo ba ako titigilan? Sinisira mo 'yong araw ko! Hindi ko nga--
Pero mas lalo niyang hinila ang bag ko at nagpumilit na kuhanin 'yon.
"Excuse me! Anong problema n'yong dalawa dyan? Pumasok na kayo!" rinig kong sigaw ni Kuya Guard sa amin. Siniringan ko lang naman ang Guard na 'yon at tumakbo ako papasok ng school. Naramdaman ko namang sinusundan n'ya ako kaya mas lalo kong binilisan para makarating ako sa CR ng girls.
"Cara!! Lumabas ka dyan! Makakalimutan ko na talagang babae ka! 'Yong cellphone ko!" sigaw niya sa labas pero hinayaan ko lang siya. Nakipagsiksikan ako sa loob ng CR at nakasimangot na sa akin ang ibang babae.
"Ano? Pabebe pa? Babae naman ako, ah. Makatingin kayo.. kala n'yo.. lalaki ako." seryosong sabi ko sa isang babaeng pabebe kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.
Kinuha ko ang cellphone noong lalaking 'yon sa bag ko. Sakto namang parehas ang charger ng cellphone na 'yon at 'yong cellphone ni Ate Clara kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para hiramin ang--este kuhanin ng walang paalam. Hindi ko pa nga nabalik hanggang ngayon, e.
Agad kong pinindot ang bukasan at umilaw naman ito.
"Cara!! Buksan mo ang pinto!" rinig ko pa ring sigaw niya.
"Ayaw pa kasing lumabas. Siya ata 'yong pabebe, e." sabi noong isang babaeng nasa loob ng CR. Nanlisik naman ang mata ko noong tiningnan ko siya. Ang kapal ng mukha para sabihan ako ng ganyan.
"Kung gusto mo.. ikaw nalang lumabas? Pakialam mo ba sa akin? Ikaw ba may-ari ng CR? Hindi naman diba? H'wag kang paepal.. H'wag kang papeymus. At mas lalong h'wag mo akong subukang kalabanin. Hindi ako marunong maawa lalo na sa.." tiningnan ko siyang maigi simula ulo hanggang paa.
"Lalo na sa payat na katulad mo." nakita ko naman ang pagkairita niya at halos banggain niya ako noong lumabas siya sa CR. Bakit ba ang daming insecure sa buhay ko?
"Cara!! Cara!! Kapag hindi ka lumabas diyan, ako mismo papasok!!" sumigaw pa siya nang malakas. Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako umimik at parang kinabahan naman ang mga babae sa loob.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...