Kalokohan 8

4.4K 148 6
                                    

Babala : Ang kabanata po na 'to ay naglalaman ng mga salitang hindi pambata o hindi angkop sa bata na gayahin :---) curses & stuffs all over.


Kalokohan 8

Real side


Nanginginig na ako sa kakaiyak habang tawa pa rin nang tawa ang mga gago na nasa harapan ko. Tuwang-tuwa silang gawin akong katatawanan dahil palibhasa, hindi pa nila ako nakikitang umiiyak. I pretend to be strong all the time, yet.. deep inside I am weak and fearful.


Sabi ko noon sa sarili ko.. sawang-sawa na ako sa buhay na ako palagi ang umiiyak. Sawang-sawa na ako sa buhay na ako ang pinagtatawanan... na ako palagi ang talunan. Sabi ko pa nga.. gusto ko namang baliktarin. 'Yong tipong sila naman ang iiyak para sa akin. Oo, nilakasan ko ang loob ko. Ayoko na kasing maulit 'yon. Gusto ko ako na si Cara Valeria.. na matapang. 'Yong walang iniinda.


Pero hindi ko naman akalaing..sa isang iglap.. iikot na naman ang mundo at darating 'tong araw na 'to? May mga taong magkakalabas loob para ibalik sa akin ang mga nakaraan ko. Mga nakaraang ayoko na talagang balikan. Mga nakaraang unti-unting bumabasag sa pagkatao ko... na kahit man ipagsigawan ko sa mga oras na 'to na ako si Cara Valeria.. walang mangyayari.. kasi ito ako ngayon, e. Kaawa-awa.


"Puta! Anong ginawa n'yo?!" natigilan silang lahat sa pagtawa nang marinig namin ang isang sigaw. Maski ako ay napatigil rin sa pag-iyak.


"Oh pare! Stan--


"You asshole!"


"Namiss ka namin! Welcome to the--


"Bullshit! Sabi ko anong ginawa n'yo?!! Hindi ako pumunta rito para makipagreunion sa inyo! Anong ginawa n'yo?--


"Easy, boy! Easy! Chill ka lang, pre. Tinutulungan ka namin tapos ganyan ka. Sayang kagwapuhan mo, pre. Chill ka lang. Hayaan mo lang siya umiyak! Nakakatawa nga, e--


"Mga lalaki ba talaga kayo? Kayo 'tong mga gago, eh!! This is so bullshit! Bakit kayo nangialam?! Wala naman tayong pinag-usapan na--


"Are you fucking serious Stanlee?!" nanlalaki na mata noong isang lalaki. Napapunas naman ako sa luha ko.


"What the fuck are you thinking?! Yes, i am fucking serious, man!!" rinig kong sigaw ni Stan. Natigilan naman ang apat sabay napatawa.


"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo!! Kahit tropa ko kayo--lintek." ginulo-gulo niya ang buhok niya at agad na lumapit sa akin.


"Are you okay, Cara?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya dahil napatitig ako sa mata niyang namumula sa galit. Gusto ko sana siyang diretsahin na hindi ako okay at nakikita naman niya 'yon. Pero base sa mukha niya..alam kong galit siya. At hindi niya kailangan ng sagot ko.

Bigla nalang akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko na nanlalamig pero agad ko namang nilayo 'to sa kanya. Napansin kong inalis niya ang itim na jacket niya at agad 'tong sinuot sa akin.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon