Kalokohan 28

3.2K 92 6
                                    

Kalokohan 28

Puso


At ganoon nga ang nangyari, umupo ako sa tabi ni Stan. Dinagdagan na lamang nila ng isa pang upuan para sakto sa amin. Nagsi-upuan na rin ang ibang officer sa kanyang gilid. Nagbubulung-bulungan pa.

Isa-isa nang tinawag noong tagapagsalita 'yong mga officer simula P.R.O. Tumatayo naman ito kapag sila na ang tinatawag. Nagpapalakpakan naman 'yong mga tao sa buong Audi. Nang tawagin na ang dalawang may katungkulan ay natigilan kaming lahat. Mas lalo na ako. Biglang pumasok sa isip ko ang kulot na kontrabida sa buhay ko. Teka, asan nga ba iyon?

Handang-handa na akong makita siyang nagwawala sa galit dahil nandito ako. Handang-handa na akong lisikan ng kanyang mga mata!

"And for the Vice President, let us all welcome.. Ms. Weina Andreas to be escort by our very own President.. Mr. Stanlee Monterealles!" nagpalakpakan na ang mga tao. Tumayo si Stan at pumunta sa unahan. Napataas naman ang aking kilay dahil walang Weina na sumusulpot. Napatingin ako sa mga officer sa aming gilid at wala nga roon si Weina. Napakibit balikat na lamang ako.

"Oh, mukhang wala pa ang ating Vice President--" hindi pa tapos magsalita ang Emcee ay may biglang bumulagta sa pintuan ng Audi.

"I'm sorry.. I'm late." hingal na hingal na sabi ni Weina. Tagaktakan pa ang kanyang pawis!

Agad siyang tumakbo papunta sa harapan ng stage na naging dahilan para magpalakpakan ang mga tao sa Audi. May binulong si Weina kay Stan at napa-ayiee ang mga tao. Napakunot ang aking noo! What was that?

"Talagang.. pangshowbiz talaga ang President at Vice President natin ha!" singit pa noong Emcee. Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. Pero halos mapangiti ulit ako nang dumako ang mata ni Stan sa direksyon ko. Ganoon din si Weina. Nanlaki ang mata niya at kulang nalang sugurin ako sa kanilang kinauupuan.

Tiningnan niya ulit si Stan at may binulong pa ito. Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha at inis at galit. May sasabihin pa sana siya nang tawagin na siya noong Emcee dahil may Welcome Remarks pa raw siya. Umupo na muna ulit si Stan sa aking tabi.

"Hello. Good.. Morning! I.. would like to.. congratulate all the new members here.." malumanay niyang sabi. Hindi ko alam kung kinakabahan siya o sadyang wala lang siya sa mood.

"Hindi mo sinabi na siya pala ang nag-interview sa iyo.." Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang labi ni Stan na malapit sa tenga ko. Kumalabog ang aking puso sa sinabi niya.

"Hindi naman mahalaga.." tugon ko sa kanya. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa pero bumulong ulit siya.

"Mahalaga iyon. Nararapat siyang humingi ng pasensya sa iyo." aniya. Diretso lang naman ang tingin ko at hindi ako tumitingin sa kanya. Pero damang-dama ko ang kanyang hininga kapag siya'y nagsasalita.

"Hindi na rin kailangan. Imposibleng humingi siya ng pasensya sa akin. That's not her thing." mahinang sabi ko ulit. Napahinga siya ng malalim. Hindi ko na ulit narinig ang kanyang tugon pagkatapos noon. Maya-maya naman ay nakita ko na lamang na nakatayo na sa aming harapan si Weina. Malamang, tapos na ang kanyang speech. Speech na wala naman akong naintindihan dahil panay ang bulong ni Stan sa akin.

"Excuse me." mariing sabi ni Weina. Inangat ko naman ang aking ulo. Excuse me ka diyan! Mukha ba akong daanan? Napataas ang kilay ko! Palaban ako, girl! Palaban ako!

"Excuse me, huh?" tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung alin ang natatawa roon. Mas nakakatawa nga siya kasi nag-eexcuse me siya samantalang wala namang dadaanan dito!

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon