Kalokohan 50
Someday
Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa aking likod. Napatigil naman ako sa pagkuha ng picture sa aking cellphone.
"Bakit?" seryosong tanong ko sa kanya. Siniksik naman niya ang kanyang ulo sa aking leeg. Damn. Seriously, he kills me with his sweetness. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang makasama siya araw-araw.
"I really love your scent." bulong niya. Napailing naman ako at napaharap sa kanya dahilan kung bakit napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
"Bakit ka humarap? Gusto pa kitang yakapin.." he whined. Pinisil ko ang pisngi niya at ako naman ang yumakap sa kanya. I am falling in love with him more and more everyday.
Akala ko nga, wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman ko sa kanya noon. Akala ko 'yon na 'yong limit ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya. Pero nagkamali ako, mayroon pa pala. Mas marami pa lalo na't ngayon palagi ko na siyang kasama.
"Kailan kaya?" mahinang bulong niya. Hindi naman ako umimik dahil hindi ko naman naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Kailan kaya darating 'yong puntong magiging akin ka na talaga?" halos bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Hindi na bago sa akin 'yong mga salita niyang ganyan pero tuwing naririnig ko.. pakiramdam ko bago pa rin. Pakiramdam ko first time pa rin.
"Stan.." mahinang tugon ko.
"Ano—" kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap ko siya at tumitig ako sa kanyang mga mata... sa kanyang nangungusap at kumikinang na mata na para bang sinasabi kung gaano ako kamahal.
"Ano? Sasabihin mo na bang wala akong pag-asa sa iyo.. at mayroon ka na talagang boyfriend sa ibang bansa? Sabi ko na nga ba, e! Sabi ko na nga ba't gumaganti ka lang sa akin.. sabi ko na nga ba.. Reyna ka pa rin ng Kalokohan—" agad kong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang daliri ko. Napapailing ako at napapangiti.
"Gago!" Natatawa kong bulong sa kanya. Babalakin niya pa sana magsalita pero pilit kong tinatakpan ng daliri ko ang labi niya.
"Aba nagag—" sumimangot ako sa kanya dahil ang ingay niya at hindi ko matuluy-tuloy ang gusto kong sabihin. Naintindihan naman niya kaagad kaya hindi niya na tinuloy ang sasabihin. Very good, my baby boy.
Huminga ako ng malalim pero parang nakalimutan ko na ang sasabihin ko kanina sa sobrang ingay nitong si Stanlee.
"Ano na sasabihin mo?" pa-gwapo niya pang sabi habang inaalis ang daliri ko sa kanyang labi.
Tinitigan niya akong mariin at mas lalo niya pang nilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Stanlee!!" medyo napasigaw na ako roon.
"Stan! Nasa park tayo—" nagulat na lamang ako sa susunod niyang ginawa! Bigla niya akong hinalikan sa aking labi! At parang awtomatiko kong nakalimutan ang pangalan ko sa halik na ibinigay niya.
Napapikit ako sa bawat halik. Pakiramdam ko ay naririnig niya na rin ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
Pagkatigil niya ay hingal na hingal ako. Saka ko lang naalala ulit na marami palang taong nasa paligid namin. Saka ko lang naalala na nasa publikong lugar kami. Saka ko lang naalala ang pangalan ko.
Ang korny mang pakinggan pero tuwing nilalapat niya ang labi niya sa akin ay nawawala na talaga ako. Para akong lalagnatin. Siguro ganito talaga kapag nagmamahal, nagiging korny ka nang hindi mo inaasahan.
"Nakakahiya 'yon.." mahinang bulong ko. Niyakap niya ulit ako at tiningnan niya ang mga taong nasa paligid namin.
"Mukhang wala naman ata silang pakialam.." lakas loob pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...