Kalokohan 6
Text
"Cara, p'wede bang--
"Hindi. Bawal." seryosong sagot ko sa dalawang bruhildang engot na nasa harapan ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat nila sa sagot ko. Tatalikod na sana ako nang biglang hinawakan ni Kulot ang braso ko. Oo, tama kayo. Si Kulot at ang kanyang bestfriend ang humarang sa akin ngayon. Ang taray ha! Ang lakas ng loob!
"Teka! Teka! Hindi pa nga kami tapos magsalita tapos hindi na kaagad ang sagot mo? Cara naman! Seryosong usapan kasi 'to." tiningnan ko ang kamay ni Kulot at agad naman niya 'tong inalis sa pagkakahawak sa akin. Huminga ako nang malalim at tinitigan silang dalawa.
"Please, Cara. Makipag-usap ka naman at ituring mo namang kaming tao. H'wag ka sanang bastos. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang--
"Pucha ka. Sinong nagsabing idamay mo rito ang mga magulang ko? Leche ha. Ako gusto mong kausapin diba?" sabi ko sa kanya with matching irap. Kapit na kapit naman ang kanyang bestfriend kay Kulot habang ang sama nang tingin nito sa akin.
"Kulot, tama na. Si Cara 'ya--
"Hindi ako natatakot." medyo natawa ako sa reaksyon niya. Putspa! Kung may hawak lang akong cellphone ngayon, malamang.. vinideohan ko na naman ang nakakatawang pagmumukha ng kulot na 'to.
"Sa ganda ng mukha ko talagang hindi ka matatakot. Ikaw ba, nasubukan mo nang tumingin sa salamin? 'Yon ang nakakatako--
Halos mapahawak ako sa mukha ko nang bigla akong sampalin ni Kulot. Pulang pula siya sa inis habang nilalayo niya ang kamay niya sa akin. Nanlaki rin ang mata ng kanyang bestfriend sa nakita nito.
"Hindi na talaga ako makapagtimpi!! Inis na inis na ako! Sana nga mawala ka na sa school na 'to! Alam mo 'yon? Hindi na nakakatuwa 'yang ginagawa mo sa kapwa mo! Hindi lang ikaw 'yong tao rito sa school ha. Lahat kami tao! Kaya makiramdam ka naman, Cara! Kung mayroong tunay na tanga dito, ikaw 'yon! Hindi kami! Kasi kami.. marunong kaming rumespeto sa kapwa namin. Eh ikaw? Anong alam mo? Puro kalokohan? Puro katangahan?" sigaw niya sa akin. Kapit na kapit pa rin ang bestfriend niyang napakasupportive sa likod niya.
"Lalalalala. Ano? tapos ka na ba sa speech mo? Anong gusto mo? Pumalakpak ako? Pakiusapan ang mga teacher na bigyan ka ng A+ sa report card mo? O kaya naman lumuhod ako sa harapan mo at sabihing.. "Oo, kulot, ako na ang tanga. Ikaw na ang matalino." with matching pabebe look at paaawa face. Ay magaling, magaling! Pero baka kasi nakakalimutan mong.. ako si Cara. Cara Valeria. At hindi uso sa akin 'yon." pangisi ko pang sabi sa kanya. Mas lalo kong nakita ang galit sa mga mata niya. Parang gusto niya akong sungaban ng isang malakas na sampal.
"Tama na. Umalis na tayo. Mapapahamak lang tayo rito--
"Gusto kang makausap ng nanay ni Stan." rinig kong sabi niya.
"Stan?" dahan-dahan siyang tumango sa tanong ko.
"Ahh. Si Stan? Si Kuya Stan? 'Yong nagtitinda ng kwek-kwek? Nako. Pakisabi nalang kay Kuya Stan na pasensya na kasi hindi na ko nakakabili sa tindahan niya. Babalik ako doon next time. Favorite ko pa naman 'yong kwek--
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...