Kalokohan 10

4.9K 170 12
                                    

Kalokohan 10

Getting back





"Totoo ba 'yong sinabi niya, Cara? 'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, eh. H'wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mo ring gawin nila sa iyo." pagpasok palang namin ni Ate Clara ng bahay ay pinagsisigawan niya na agad ako.


"Ate. Napagtripan lang naman ako. Hindi ko naman kilala 'yong mga taong 'yo--


"Ngayon, alam mo na nararamdaman ng iba kapag ginaganyan mo sila? Sana naman matauhan ka sa naranasan mo ngayon! Kasalanan mo rin kung bakit ka naganyan, eh. Pasalamat ka.. nandyan si.."


"Si Stan.." dugtong ko sa sinabi niya.


"Oo, 'yong Stan na 'yon. Dahil kung wala.. paano ka? Hindi ko naman malalaman na--


"Ate, pagod na ako." inis na sabi ko sa kanya. Halos magulat naman siya sa reaksyon ko habang pinapagalitan niya ako.


"Pagod?! Cara, 'yan ang problema sa iyo, eh! Hindi ka nakikinig! Humanda ka talaga kanila Mama kapag tumawag sila! Asahan mong makakarating sa kanila ang mga nangyari! Ikaw talagang bata ka.. kahit kailan problema ka! Hindi ka naman ganyan dati!" nagkibit balikat ako. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ate at nagdi-diretso na ako sa taas para makapagbihis.


"Caraaa!" rinig ko pa rin ang sigaw niya kahit nasa loob na ako ng kwarto ko. Napapailing nalang ako. Bahala siya kung ganyan ang gusto niya. Hindi naman ako ang mawawalan ng boses.


Maliligo na sana ako nang bigla kong maalala ang sinabi ni Ate na malalaman nila Mama ang nangyari. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nangyari sa Iphone ko o kung sasabihin ko pa ba. Siguradong guguho ang mundo nila kapag nalaman nila 'yon. Pinaghirapan nila para lang mabilhan ako noon.. tapos ganito ang gagawin ko? At isa pang sigurado ay 'yong malilintikan na naman ako kay Ate. Maririnig ko na naman ang sobrang lakas na bunganga niya na walang katigil-tigil sa pagtalak.


Everything in life is seriously a bullshit. Lalong-lalo na ang mga tao. Bakit sa dami-dami pa ng p'wedeng masiraan ng Iphone, ako pa? See? They're all bunch of bullshits. And that's the main reason why I love to be alone at times--But remembering how Stan helped today, I don't know. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Parang tumataliwas ang mga sinasabi ko kanina na lahat ng tao..bullshit. Hindi ko alam. Tama ba 'tong nararamdaman ko? Tama ba kapag sinabi kong mabait siya? Sincere siya? Shit! Ghad, Cara. This is only a "one-day-help" but i'm thinking like this-- as if Stan help me for thousand freaking times!


And I hate it.


Papasok na sana ako sa CR nang bigla akong kinatok ni Ate. Para na naman siyang sinasaniban sa pagpatok niya sa kwarto at parang sisirain niya pa ang pinto! Ghad, why do I have an annoying talkative sister? It irritates the hell outta me!

"Ate, ano na namang problema m--


"Buksan mo ang pinto mo!!" sa sobrang irita ko, agad akong pumunta sa may pinto para pagbuksan siya nang matigil na lahat-lahat.


"Ate.." mapanganga ako nang mapansin kong hawak niya ang bag ko.. at sa kabilang kamay niya ang Iphone ko.


"Ate, let me explain.. Alam mo kung bakit--


"Hindi mo iningatan. Akala mo mabibilhan ka pa? Pinaghirapan 'to nila Mama, eh. Alam mo bang hindi sila umuwi ng isang taon para mabigay lang lahat ng luho mo? Tapos hindi ka pa nag-aayos! Anong mukhang ihaharap ko sa kanila? Anong mukhang ihaharap ko sa kanila dahil nag-iisa ka na nga lang.. hindi pa kita mabantayan! Ginagawa ko naman lahat, e. Pero ikaw? Anong ginagawa mo?" hindi na ako nakapagsalita at napayuko nalang. Parang ngayon ko lang hindi nasagot si Ate. Tama naman kasi siya. Ganyan rin ang naiisip ko.. Ganyan na ganyan rin. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nasira na, e. Hindi ko na maibabalik ang nangyari na.


Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon