Kalokohan 9
Thoughts
"Sakay na!" pasigaw niyang sabi sa akin. Tumingin lang naman ako sa kanya ng masama.
"Cara, sumakay ka na--
"What the heck? Ako? Papasakayin mo sa motor?! Monggi mo talaga! Paano kapag nahulog ako sa sobrang bilis ng pagda-drive mo? Babayaran mo ako sa hospital? May pambayad ka ba? Delikado buhay ko kapag sumakay ako dy--
"Bakit ba ang ingay ng bunganga mo? You're always complaining about everything! Why don't you try to shut up? Bahala ka nga sa buhay mo kung ayaw mong sumakay sa motor. Bahala kang maiwan dyan sa kalsada. Ako na nga 'tong nagmamabuting loob. Ako pa masama?" inis na sabi niya sa akin. Kinuha niya na ang helmet na nakasabit sa gilid at saka sumakay na sa motor.
"Wow, nagmamabuting loob? Wow naman talaga! 'Yan na ba ang nagmamabuting loob ngayon?!" Hindi siya sumagot sa sinabi ko at nagulat na lang ako nang bigla niyang paandarin ang motor na mas lalong kinainis ko.
"Staaaaaaan!!" napasigaw ako nang malakas habang ginugulo ang buhok ko. Nagpapadyak na rin ako ng paa ko sa daanan. Paano ba ako makakauwi ngayon? Hindi ko naman kasi inaakala--Fine. Nagsisisi na ako. Bakit ko pa kasi pinagana ang pag-iinarte ko? And now, look what happened? I think I am going to walk alone. Bullshit!
Pinagpagan ko ang palda ko at nagsimula na akong maglakad. Kung anu-ano na ring pumapasok sa isip ko kagaya ng mga napapanuod ko sa mga pelikula na may biglang haharang sa aking drug addict -- Shit. I should stop myself from thinking too much. Kaya ko 'to. Makakauwi ako. And thanks to Stan. Tinulungan ako tapos iniwan rin ako. Wow, hindi ba? Gentleman! Freaking gentleman! Siguro plinano talaga nila 'to ng mga kaibigan niyang loko-loko! Ang sama-sa--
"Oy! Bakit ka naglalakad mag-isa?" halos mapatalon ako nang makarinig ako ng salita. Nagulat nalang ako ng pumarada siya sa harapan ko at hinarang ako. Agad ko naman siyang siniringan.
"Umalis ka sa harapan ko." masungit na sabi ko sa kanya.
"Alam mo, napakaarte mo--
"Sino ka ba para sabihing maarte ako? Umalis ka na. You're not helping, Stanlee." seryosong sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
"Such a brave girl. Kaya mo naman palang umuwi mag-isa habang naglalakad. Ano pa nga bang ginagawa ko rito? Nagmamagandang loob lang talaga. Sige. Ingat ka nalang.." pinatunog na naman niya ang maingay niyang motor at muling sinarado ang suot na helmet niya. Pero agad naman din niya itong binuksan.
"And you're welcome, Cara. You're welcome." ngiti niyang sabi habang pailing-iling. Hindi ko naman pinansin 'yon at dahan-dahan na akong naglakad papalayo. Pero habang naglalakad ako ay naririnig ko pa rin ang ingay ng motor niya kaya bigla akong natigilan sa paglalakad. Pinakinggan ko namang mabuti kung may ingay pa rin akong maririnig. Pero wala.. wala akong naririnig.
Inisip ko nalang na baka guni-guni ko lang 'yon. Pero nang magsimula akong maglakad ay muli ko na namang narinig ang ingay ng motor. Hindi na ako nagpabebe pa at humarap na ako sa likuran ko. Nakita ko ang nakakabwiset na si Stanlee na nakasuot pa rin ng kanyang helmet.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...