Kalokohan 46
I don't
"Ms Cara?" napatigil ako nang bigla akong tawagin ng isang babae. Agad namang umakyat ang tingin ko sa kanya.
"Kayo po ba si Ms Cara Valeria?" tanong niya sa akin habang tinitingnan pa ang notebook na hawak niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Kayo po ang kapatid ni Ms Clara?" tumango ulit ako.
"Halika na po kayo. Susukatan na po kayo." Tumayo ako sa aking kinauupuan nang hindi nagpapaalam kay Stan. Kung ano ang naging reaksyon niya sa aking sinabi kanina ay hindi ko na alam. Pagkasabi ko no'n ay agad din naman akong umiwas ng tingin sa kanya. At saka bigla na ngang dumating ang babae para tawagin na ako.
Sumama na ako sa kanya papasok sa isang kwarto na puro gowns.
"Ako nga po pala 'yong designer." nakangiti niyang sabi sa akin. Pagkatapos noon ay inumpisahan na niya akong sukatan. Naging mabilis naman 'yon at pinakita niya sa akin ang magiging itsura ng aking susuotin.
Katulad ng gusto ni Ate, black at pink ang naging kulay ng isusuot namin. Napakasimple pero eleganteng tingnan ang disenyong ipinakita sa akin noong designer.
Kinakabahan pa akong lumabas sa kwartong iyon dahil hindi ako handang makausap ulit si Stan. Hindi ako handang marinig ang sasabihin niya kung mayroon. At wala na rin naman akong balak sumama sa kanya pauwi. Makakayanan ko naman sigurong umuwi mag-isa.
Sumabay na ako sa paglabas noong designer. Hinahanap niya si Stan dahil siya na raw ang susunod na susukatan para sa ipapagawa nitong formal wear.
Nagdire-diretso ako na kunwari ay hindi ko napansin si Stan o kaya hindi ko nakita ang pagtayo niya. Diretso ang tingin ko sa sliding door sa labas ng shop.
Patuloy ako naglalakad pero nagulat ako nang biglang humarang si Stan sa daanan ko. Hinawakan niya rin ang braso ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Where are you going?" he asked coldly. Napatingin naman ulit ako sa sliding door at nangangapa ng sasabihin ko.
"Uuwi.. na ako." kabado kong sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya para hindi makita kung ano ang magiging ekspresyon niya sa sasabihin ko.
"Uuwi? Hindi ba't sabi ko sa iyo ihahatid kita? I even told it to your Mom and Dad!" medyo tumaas ang boses niya roon. Napatingin tuloy ang iilang tao na nag-iintay doon sa amin.
Ilang segundo akong nakatingin sa kawalan bago ko siya sinagot.
"Kung iniisip mo lang na baka mabahiran ang reputasyon mo sa mga magulang ko dahil lang sa sinabi mong ihahatid mo ako tapos makikita nilang umuwi ako mag-isa, ako na ang bahala. Ako na ang magpapaliwanag. They will understand. Aside from that, I'm not even your responsibility. So.. Mr Monterealles, excuse me?" mataray kong tugon. Hindi ko na alam kung paano ko nasabi 'yon ng diretso sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob!
"Ms Liz, excuse me!" tinaas niya ang kamay niya habang tinatawag ang babaeng designer na may kausap na ibang kliyente. Hawak niya pa rin ang braso ko kaya hindi ako makaalis.
"Yes po, Sir?" sumenyas 'yong designer sa kausap niya at agad na pumunta sa harapan naming dalawa ni Stan.
"I want to reschedule our appointment. Babalik na lang ako mamaya o kaya bukas. Hindi pa naman gagamitin kaagad 'yong formal wear." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya roon sa designer. Para namang nataranta 'yong designer sa sinabi ni Stan.
"Is it okay—"
"Nagpaschedule ka na tapos magpapareschedule ka bigla-biglaan? Anong klase 'yon? Sarili lang ang iniisip.. hindi iniisip ang ibang matatamaang tao. Hindi man lang inisip na baka magulo ang ibang schedule dahil lang sa kanya." bulong ko sa isang tabi kahit na alam kong naririnig nila. Napatingin din tuloy 'yong designer sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...