Kalokohan 29

3.3K 96 4
                                    

Kalokohan 29

Sa kanila 'yan


Natapos ang araw kahapon sa pagtulong ko kay Stan na ayusin ang schedule ng mga sections na magrorosary ngayong araw. Sumakit ang mata ko kakaharap sa computer sa tagal ng pag-aayos namin. Kaya pag-uwi ko rin sa bahay kahapon ay pagod na pagod ako. Hindi ko na naman nga namalayang umuwi si Ate Clara.

Pero mabuti nga ay kahit papaano pumayag si Stan na tumulong ako. Ang gusto niya kasing mangyari ay panuorin ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Hindi naman p'wede iyon! Hangga't maaari ay ayokong nasasabihan akong walang kwenta.. walang naitutulong at kung anu-ano pa. Hindi nababagay sa akin ang mga salitang iyan!

At sino pa nga ba ang nag-iisang kontrabidang nagsasabi niyan? Edi ang masipag.. at may kwenta nilang Vice President! Hindi ba't 'yon ang gusto niyang description? Edi ibibigay ko sa kanya! Pero simula noong may nangyaring sagutan sa kanilang dalawa ni Stan ay hindi na siya ulit bumalik sa opisina nila. Sa pagkakarinig ko sa ibang officers ay abala siya sa pagdedesign noong altar na ginagawa nila sa stage para sa rosary ngayong araw.

"Good Morning." nakangiting bati ni Stan sa akin pagpasok ko sa opisina ng Org. Halos magulat naman ako dahil andoon na siya.. nakaupo sa kanyang swivel chair! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Buong akala ko kasi ay wala pa siya rito dahil sa pagod niya kahapon. Ni-hindi ko na nga alam kung anong oras na siya nakauwi. Inihatid niya lang ako sa sakayan ng tricycle at nagpaiwan pa siya sa school sa dami ng aasikasuhin.

"Mas maaga ka pang pumasok?" tanong ko sa kanya. Isinandal naman niya ang kanyang sarili sa swivel chair.

"6 am palang, Stan ngayon. So ibigsabihin mga 5 palang andito ka na o baka mas maaga pa? Anong oras ka ba umuwi kagabi?" inilagay ko ang bag ko sa sofa na malapit sa kanya.

"Nag-breakfast ka na?" pag-iba niya sa usapan. Nanliit naman ang mata ko. Mas lalo tuloy akong na-curious na magtanong.

"Hindi ka ba umuwi?" natigilan siya sa tanong ko. Inikot niya ang kanyang swivel chair para mas lalo siyang makaharap sa akin.

"Tara.. magbreakfast--" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin.

"Hindi ka nga umuwi. Ang sipag mo naman." diretsong sabi ko sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang sapatos. Pinagmasdan ko siya at mahahalata mo nga kung gaano siya kapagod at antok.

"Kailangan, e.." mahinang sabi niya. Tiningnan ko naman ang computer na nasa harapan niya. Tumayo ako para mas malapit kong makita ang mga pinaggagawa niya. Nakalapat na roon ang buong schedules ng mga magrorosary ngayong araw. Ready to print nalang ito!

"Natapos mo na lahat iyon? Ang dami noon ha! H'wag mong sabihing.. hindi ka umuwi kasi hindi ka matutulog... para matapos mo iyan! Hindi ba't sinabi ko sa iyo.. na tatapusin nating dalawa ito ngayong umaga?" inis kong sabi. Pero nang makita ko kung gaano siya kapagod ay nawala ang inis ko. Napalitan ito ng awa at pagkamangha.

The definition of a true leader is in front of me. And he is no other than Stanlee Monterealles, the one who has the confidence to stand alone and the courage to make tough decisions. Hindi ko iyon maitatanggi.

"Tara, kumain na nga lang tayo! Tigilan mo muna 'yan! Ako na bahala magprint niyan mamaya pagbalik natin!" bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha. Pinagpagan niya ang kanyang pantalon at tumayo na.

"Tara na! Kanina pa ako nagugutom, e. Hinihintay lang kita." sabay tawa niya na parang hindi siya napagod at nakatulog siya ng buong magdamag. Wow, how great you are.. Stanlee ha! Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay wala na akong nagawa.. At malamang, tinulugan ko nalang lahat!

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon