Kalokohan 34
Puso..utak.. puso!
Timba-nal sounds good. But what the heck is timba-nal?
"Timba-nal?" pagtatakang tanong ni Mellise.
"Hindi ba't parang ang korny?" dagdag pa niya. Natahimik lang din naman ako dahil maski ako hindi ko alam kung anong timba-nal na sinasabi ni Cornelia.
"Edi.. mag-isip nalang tayo ng iba." mapait na sabi ni Cornelia.
"2 minutes!!!" sigaw naman ni Madam Ube sabay pumito. Halos mataranta naman kaming pito. Hindi namin alam kung ano na ipapangalan namin sa grupo namin. Ako naman ay kahit ano nalang. Bahala na! Kung trip nila 'yong timba-nal edi go! Timba-nal!
"Timba-nal nalang kasi!" sigaw ni Zue na medyo naiinis na rin.
"Eh ano ba kasi 'yang timbanal na 'yan! Timbanal kayo nang timbanal.. hindi ko naman alam! Tunog timba, e." kulang nalang ay matawa ako sa sinabi ni Mellise. Pinigilan ko nalang ito dahil bigla siyang hinampas ni Cornelia sa pagkainis. Napailing nalang ang iba. Sa isip siguro nila ay sa isang grupo ay imposibleng mawala ang isang slow.. pero hindi nila alam na dalawa kami.
"Tungek, team banal kasi 'yon! Team banal! Pero kapag tinawag ba nating Team Banal 'yong grupo natin mapapanindigan ba natin 'yon? Masisigurado ba nating kapag nagka-mass, tayo unang tatakbo, ganoon to the point na maunahan natin 'yong pari? Kapag nagkabible study, tayo 'yong bibida-bida sa unahan.. tayo maglelead ng prayer? Oh.. sinong gusto?" walang umimik sa amin.
"Kaya sa tingin ko, hindi! Kaya timba-nal nalang tayo! Mas ka-achieve achieve pa mga girls! Tutal, mukha naman tayong mga timba!" sabay halakhak ni Cornelia. Nanliit naman ang mata ko.
"Grabe naman 'yong mukhang timba! 'Yon ata 'yong hindi ko matatanggap, Cor." sabi naman ni Brionea. Kahit ako naman ay hindi ko matatanggap na mukha akong timba na kadalasang nakikita sa CR. Ano bang itsura ng timba? Wala naman, hindi ba? Napapailing na lamang ako sa naging usapan namin.
Maya-maya ay bigla ng pumito si Madam Ube bilang senyales na tapos na ang oras na binigay niya para mag-isip kami ng pangalan. Unang tinawag 'yong grupo na naunang nakapag-isip ng pangalan which is sila Stan. Napaayos naman ako ng upo. Si Stan ang tumayo para sa kanila.
"Madam.. napili po namin ay.. Team Lord Patawad." biglang nagtawanan ang mga ka-grupo niyang lalaki. May sinenyas sa kanila si Stan na naging dahilan para tumayo sila. Nagulat na lamang ako noong nagtutulakan na sila kung saan pupwesto.
"Anong meron? Kailangan ba may ganyan? May choreography?" pagtatakang tanong ko kay Cornelia. Napakibit balikat naman siya sa akin. Magsasalita pa sana ako nang biglang kumanta si Stan.
"Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan. Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan. Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako. Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?" Aba pakshet! Nagulat ako sa pinagsasabi ni Stan este..sa pagrap niya! Para ako ang napapahiya sa kanyang ginagawa! Nagtawanan 'yong iba naming ka-org mates at kahit si Madam Ube ay natawa na rin.
"Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan. Sana'y may artista na maka-date man lamang. Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez. Sana ako'y pumogi, pumuti at maging flawless! Yow!" bigla namang sumingit sa kanya ang isa niyang ka-grupo na sa pagkakaalala ko ay isa 'yon sa mga tropa niya. Ngayon ko lang napansin na may kasama siyang tropa.
At sinundan pa ito noong iba pa nilang kasama.. hanggang sa pagdating noong Chorus ay sabay na sabay sila! Hindi ko kinaya at hindi ko napigilang hindi matawa! Tuwang-tuwa si Madam Ube sa kanila to the point na muntikan na silang halikan isa-isa!
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...