Kalokohan 40
Mission
"That's my story." nakangiti kong sabi sa mga batang nasa harapan ko. Halos mapanganga naman sila sa aking sinabi dahil hindi nila akalaing kwento ko pala iyon. Siniksik pa ako noong isang bata habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Why are you crying, little girl? Naintindihan mo ba ang kwento ko?" I asked her and she nodded immediately. Nasinghot pa siya habang umiiyak. Agad ko naman siyang niyakap at hinawakan ang buhok.
"Are you serious, Ate? Is that really your story?" tanong naman noong isang bata. Dahan-dahan ko namang tinango ang aking ulo. Tiningnan ko silang lahat at kitang-kita kung gaano nila dinamdam ang kwento ko.
"Don't worry. Ate's okay now." tumango sila pero hindi pa rin natigil sa pag-iyak 'yong isang bata na akala mo naintindihan at nadama niya talaga ang kasawian ko sa pagkakaroon ng lovelife. Believe it or not, she is just 6 years old as far as I remember but she is crying because I shared my tragic love story to her and to some other kids.
Pero ako, wala akong bahid ng lungkot habang kwinekwento sa kanila ang mga bagay na iyon. Tinitingnan ko pa ito bilang magandang senyales dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang taong nagdaan ay nagawa ko na ring ikwento sa iba ang mga naranasan ko.. nagawa kong ikwento na wala akong nararamdaman kahit katiting na sakit sa aking puso.
Siguro, ganoon talaga kapag nakamove-on na. I choose to move on because I will not allow toxic things in my life to eat me up.
Siguro, ganoon talaga kapag natuto ka ng tanggapin ang mga bagay-bagay. Natuto akong tanggapin na ganito na talaga ang kapalaran ko. Na hindi kami para sa isa't isa kahit na sinubok pa ng tadhana na ilapit siya sa akin. Na ang mga bagay na iyon at naging daan lamang para sa panibagong mundong tatahakin ko.
At ito 'yon. Dito 'yon.. sa America. Oo, natuloy ako pagkalipas ng ilang buwan kong pamamalagi kanila Ate Darah. Ang ilang buwan na iyon ay napuno ng pagkain, pagkain at pagkain sa totoo lang. Nadagdagan din ng limang kilo ang timbang ko. Hindi naging madali sa akin dahil naninibago ako sa dami ng pagkaing ina-absorb ko kada araw.
At halos mapagod din ako kakasama sa kanya sa Grocery to the point na minsan ay naranasan naming kulangin na ang pera niyang pambayad. Kailangan pa naming tawagan si Ate Clara para abonohan iyon. Iniwan niya pa ako sa tabi ng cashier para sunduin si Ate at kabang-kaba ako kasi akala ko hindi na niya ako babalikan doon.
Pero hindi ko naman maipagkakaila ang kasiyahang naidulot sa akin ng pamamalagi roon. Masayang kasama si Ate Darah at hindi siya nauubusan ng kwento. Kaya noong aalis na ako ng Pilipinas ay halos maiyak ako dahil hindi ko alam kung kailan ko pa siya makikita ulit.
Ang tanging naalala ko na lamang ay ang kanyang sinabi na "Pagbalik mo.. payat na ako!" at pagkatapos noon, wala na. Umalis na ako. Iniwan ko ang Pilipinas kasama ang mapapapait kong alaala at sa tingin ko ay tama naman ang naging desisyon ko.
Tama naman ang desisyon kong aminin lahat sa school principal ang mga nagawa ko. Tama naman ang desisyon kong layuan siya kahit na sinabi niya sa akin noong huli ang mga gusto kong marinig na salita. Tama naman ang desisyon kong hinayaan siyang lumuhod sa gitna ng ulan.
Tama 'yon lahat.. kasi kung hindi ko 'yon ginawa at pinilit kong isiksik ang sarili ko sa kanya, malamang.. hindi ko nararanasan ang mga bagay na ito.
Although, my first year here in America was really miserable. Lahat na ata ng kalokohan na ginawa ko sa Pilipinas ay inulit ko rito. Hindi lang inulit dahil dinagdagan ko pa.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...