Kalokohan 22

3.2K 97 0
                                    

                  

Kalokohan 22

Natapon

Halos mag-init ang dugo ko nang makita ko ang ginawa ni Weina! How can she do that to him? Gustung-gusto kong sugurin siya at gantihan ng sampung beses na sampal para maipagtanggol si Stan pero pinigilan ko ang sarili ko.

Wala akong alam! Wala akong alam kung bakit niya sinampal si Stan. Kaya pakiramdam ko wala akong karapatang sumugod ngayon.

Pinilit kong kumalma pero kahit anong gawin kong pagkalma ay hindi ko magawa. Tanaw na tanaw ko silang dalawa. Tanaw na tanaw ko na kasalukuyang sinisigawan ni Weina ngayon si Stan. At naiinis ako kay Stan kasi nakayuko lang siya sa harapan nito!

Hindi ganyan ang Stan na kilala ko. Kaya niya ngang ipagtanggol ang ibang tao pero sarili niya.. hindi niya magawang ipagtanggol ngayon? Damn, Stanlee! Hindi ko alam na ganyan ka! Mas mahina ka pa pala sa babae!

Nanatili lang akong nakatayo sa hindi kalayuan habang pinapanood sila. Napapansin ko rin ang ibang tao na dumaan sa harapan o gilid nila at napapatingin sa kanila. Well, sino ba namang hindi? They fight like lovers in a quarrel!

Halos mapausod naman ako sa kinatatayuan ko kasi bigla nang nagwalkout si Weina. Pero wala rin naman akong nagawa dahil sa kinatatayuan ko rin pala siya dadaan. Kahit anong usod ko ay madadaanan at madadaanan pa rin niya talaga ako.

At ganoon nga ang nangyari, dinaanan niya ako. Masama ang kanyang tingin sa akin na parang gusto niya rin akong sampalin. Tulo pa rin nang tulo ang kanyang luha hanggang sa tuluyan na siyang maglakad papalayo. Sinundan ko siya nang tingin at noong hindi ko na siya matanaw ay bumalik ang tingin ko kay Stan na nanatiling nakayuko at pailing-iling.

"Stan!" agad akong napatakbo papalapit sa kanya. Tinitigan ko siyang maigi at kitang-kita sa kanyang mukha kung gaano kamiserable ang nangyari sa kanya.

"What happened?" I curiously asked him. Pero hindi siya umimik. Hindi niya man lang ako pinansin kahit na nasa harapan niya na ako.

"Stan.." tawag ko ulit sa kanya. Hindi talaga siya naimik. Nagsimula na nga siyang maglakad habang delubyong delubyo ang kanyang pagmumukha.

"Huy! Kinakausap kita!" sumunod naman ako sa paglalakad niya. Panay ang salita at tawag ko sa kanya pero patuloy siya sa paglalakad.

"Kasi naman.. Stan! Ano ba." Nang makarating kami sa gate ay bigla siyang tumigil sa paglalakad. Hinarap niya ako at kitang-kita sa mata niya kung gaano siya kapagod.

"P'wede ba, Cara. Kahit ngayon lang, lubayan mo ako. Ayoko ng kausap ngayon. Kahit na kanino. Kahit na ikaw pa." diretsong sabi niya at nagsimula na ulit maglakad. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. What did just he say? Ayaw niya ng kausap ngayon? Kahit na kanino? Kahit na ako pa?

Fine! Kung 'yan ang gusto niya! Then I give it to him!

Inis na inis akong umalis sa harapan ng gate. Sa sobrang inis ko, muntik na akong mapapara ng tricycle para makauwi na. Mabuti na lamang ay naalala ko ulit  'yong mga activity na hawak hawak ko kanina pa. Napasapo ako sa aking noo at bumalik ulit sa loob ng school.

Mas mahalaga 'to, Cara. Mas mahalaga 'to. I said to myself.

Dumiretso ako kaagad sa office ni Ma'am Lez. Wala na siya roon at tanging isang co-teacher niya lang ang naiwan. Binilin ko nalang sa kanya ito at sinabi niyang iwanan ko nalang roon sa desk ni Ma'am.

Pagkatapos noon, mas minabuti ko nalang rin na umuwi para makapagpahinga. Ni-hindi na nga ako nakausap ni Ate Clara dahil sinabi kong pagod ako. Nagtataka pa siya noong sinabi ko 'yon dahil himala daw at napapagod na ako ngayon. Pero seryoso, wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon