Kalokohan 31
Trumpets
"Neng! Neng.. bayad mo!" rinig kong sigaw noong driver. Bababa na sana ako nang jeep pero bigla akong hinarang noong isang pasahero.
"Neng, bayad mo raw!" inis na sabi niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Bayad ko? Anong bayad ko?
"Bayad mo raw! Kanina ka pa sinisingil noong driver! Wala ka bang balak magbayad?" dagdag pa noong isang pasahero. Bigla naman akong natauhan sa kanilang mga sinasabi. Agad akong dumampot sa aking bulsa at nagtungo sa driver para ako na mismo ang mag-abot nito.
"Pasensya na po, Manong.. Nawala lang po sa isip ko." sabi ko. Hindi naman sumagot ang driver kaya dire-diretso na akong bumaba.
Sadyang lumilipad lang ang aking isip dahil kanina ko pa iniisip na late na ako. Ang usapan namin ay alas siete ang pasok pero hindi ko naman aakalaing alas otso ako magigising. Hindi ko narinig ang alarm clock. Dulot siguro ito ng pagod dahil sa sunod-sunod na activities ngayong Linggo. Hindi pa naman ako sanay sa ganito.
Inaasahang alas diez ang alis namin sa school para magtungo sa Home for the Aged. Napatingin naman ako sa orasan na aking nadaanan na nakasabit sa bakery shop. 9:30 am na. Makakahabol pa ba ako o naiwan na nila ako?
Nagmadali na akong maglakad papuntang school. Halos hingalin na ako nang makarating ako sa gate. Natatanaw ko na ang mga org mates ko na nagkukumpulan sa tabi ng jeep na aming inarkila. Kung hindi ako nagkakamali ay malamang nagka-counting na sila ngayon.
"Ayan na si Cara!" rinig kong sigaw ni Cornelia. Isa siya sa mga nakasama ko kahapon na napagalitan ni Weina. Isa siya sa mga madaldal na tumukso sa akin.
Kung bakit alam ko na ang kanyang pangalan ay dahil buong araw ko silang nakasama kahapon. Malugod nila akong tinanggap sa kanilang grupo. Anim silang naroroon pero siya pa lamang ang kilala ko sa pangalan. Maayos naman ang kanilang grupo. Kahit out of place ako minsan ay mapagti-tiyagaan ko naman. Minsan ay gumagawa rin sila ng paraan para makasali ako sa kanilang usapan.
"Hay sa wakas! Nandiyan ka na rin! Ikaw na lang ang kulang!" sabi naman noong isa pang kaibigan ni Cornelia na nakakasama ko rin.
"Halika! Dito ka nalang sumama sa amin!" tawag sa akin ni Cornelia. Nagmadali naman akong tumakbo papunta sa kanila. Ang sama na nang tingin sa akin noong iba naming ka-org mates.
"Kapag sinabing alas siete, alas siete.. hindi alas otso at mas lalong.. hindi alas nuwebe!" sigaw ni Weina na nasa unahan ngayon. Alam kong ako na naman ang pinatatamaan niya!
"Mukhang mainit na naman dugo sa iyo ni Vice President ah." bulong ni Cornelia sa akin. Tumango lang naman ako. Kailan ba kasi hindi uminit ang dugo niyan sa akin?
"Hayaan mo siyang uminit ang dugo sa iyo, girl! Wala naman masyadong ginawa. Inayos lang naman namin 'yong mga pagkaing dadalhin doon sa Home for the Aged.. at tska pinagpractice kami per group ng ipe-perform namin doon sa mga lola." natigilan ako sa kanyang sinabi. 'Yan ba ang walang ginawa? At what the heck is perform? Bakit kailangan noon? Anong malay ko sa pagpeperform?
"At nga pala.. ka-group ka namin. Kinuha ka na namin kasi baka wala ka pang ka-group.. kulang kasi kami ng isa. Pito per group, e. Okay lang ba sa iyo?" halos malaglag ang aking panga sa kanyang sinabi.
"At sasayaw tayo." dagdag pa ni Cornelia. Natulala lang ako sa kanila habang nanlalaki ang aking mga mata. Dahil one thing for sure, I don't know how to freaking dance! Ipinanganak akong kaliwa ang parehong paa ko!
Aangal pa sana ako nang biglang magsalita si Weina. Pinasasakay niya na kami sa jeep. Magkakasama raw per group. Balita ko naman ay malapit lang dito sa lugar ang Home for the Aged na aming pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...