Kalokohan 25
Including me
"Hindi. Dito ka nalang, Weina. Samahan mo si Perie." Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi iyon ni Stan sa kanya. Inirapan siya ni Weina bago bumalik sa pagkakaupo. Nakangiti naman akong lumabas ng kwarto ni Perie.
Tahimik kaming lumabas ni Stan sa hospital. Dahil wala siyang dalang motor, agad siyang pumara ng jeep na patungo sa amin. Hindi naman ako nagreklamo na kesyo huwag niya na akong ihatid sa amin. Minsan, trip ko rin namang magpa-very important person! Bukod pa roon, nakalibre pa ako ng pamasahe dahil nag-insist si Stan na siya na ang magbabayad para sa akin.
Nang makarating kami sa bahay ay nandoon na si Ate. Habang nagbubukas siya ng gate ay nakangiti siya sa aming dalawa ni Stan.
"Kamusta.. date?" bati niya sa aming dalawa. Nanliit naman ako sa sinabi niya at halos mabingi ako.
"Date? Anong date?" naiirita kong tanong. Mapatawa rin naman si Stan na nasa likod ko.
"Sus, kayong dalawa.. hindi pa kayo umaamin sa akin! Stan, kahit na natutuwa ako sa inyong dalawa ng kapatid ko at inaasar ko kayo.. hindi pa rin okay sa aking magkaboyfriend 'yang si Cara. Masyado pa siyang bata!" nakasimangot niyang sabi. Ako naman ay naiinis dahil kung anu-anong sinasabi niya na nakakahiya na kay Stan. Napapakamot nalang tuloy ito sa kanyang ulo.
"Masyado kang OA, Ate." bulong ko sa kanya. Pero imbis na manahimik siya ay panay pangaral pa siya sa aming dalawa.
"Hindi ako natutuwa sa mga kabataan ngayon! Talamak na 'yong balitang..nabuntis pero hindi pinanagutan! Masyado kayong nagmamadali sa mga bagay-bagay. Dapat pag-aaral inaatupag n'yo pero puro kayo landi." sabi pa niya. Nayuko lang naman si Stan habang ako ay nakasimangot na.
"Tapos tatahimik lang kayong dalawa kasi ano? Tama 'yong sinasabi ko sa inyo? Kapag nabuntis 'to si Cara, Stan.. hindi p'wedeng hindi mo papanagutan o tatakasan mo lang! Ako pa mismo magpapahanap sa iyo kung ganoon." At sa puntong 'to.. hindi ko na nakayanan ang nakakahiyang pinagsasabi ni Ate. Nabato ko siya ng unan na katabi ko.
"Bakit mo ako binato?" napataas pa ang kanyang kilay. "Eh sa totoo naman ang sinasabi ko.. hindi ba?" sabi pa niya.
"Ate, una.. hindi kami nagdate ni Stan. Pangalawa, hindi ko siya boyfriend. Pangatlo, hindi ako mabubuntis kasi wala ngang kami. Wala kaming balak gumaya sa ibang kabataan. At pang-apat.. p'wede bang manahimik ka nalang kasi usong mahiya?" halos malaglag naman ang panga ni Ate sa sinabi ko.
"Hinatid ko lang po si Cara, Ate Clara. Galing po kasi kaming hospital.. Kami naghatid doon sa kinder na may asthma. Inatake po kasi." para namang namula ang mukha ni Ate sa sinabi pa ni Stan. Napatayo nalang siya at natatarantang inaya kami sa pagkain.
"Kumain nalang tayo.. Naku! Hindi n'yo naman pala sinabi kaagad. Mababait pala kayong mga bata.." napapakamot niyang sabi. Nanliit naman ang mata ko sa mga kinikilos niya.
"Hindi na po, Ate. Mauuna na po ako. Babalik pa po akong hospital." Yeah, right. Babalik pa siyang hospital. Babalikan niya pa si Weina, e. Well. Ano pa nga ba?
"Siguro ka ba diyan, Stan?" tumango si Stan at tumayo na. "Sige po, mauuna na po ako.. Ate Clara." sumenyas naman si Ate Clara na ihatid ko si Stan sa gate. Kaya tumayo na rin ako para masamahan na siya.
"Babalik ka pa sa hospital?" tanong ko sa kanya noong nasa gate na kami. Tumango naman siya sa akin. Napakamot ako sa aking ulo nang maalala ang kahihiyang dinanas naming dalawa sa loob.. dahil kay Ate.
"Pasensya ka na nga pala kay Ate Clara.. ganoon talaga 'yon. Kahit noong unang hatid mo sa akin, ganoon rin ang reaksyon niya." nahihiya kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...