Kalokohan 26
Deserve
Of course, we are not here to flirt! We are here to fill up!
Agad naman siyang tinulungan noong kaibigan niya at tiningnan kung may bukol sa ulo ang kasama niya. I don't effing care! Kung hindi sana kayo naglalandian sa harapan ko ay hindi ganyan ang makukuha ninyo! Pasalamat nga kayo..simpleng tulak sa pader lang 'yon.. at sa pader pa! Hindi sa sahig!
Tiningnan lang naman nila ako ng masama at bumulong ang isang babae. Bulong na narinig ko rin naman sa lakas ng pagkasabi niya. "Hayaan mo, friend.. Hindi 'yan matatanggap. Ipanalangin nalang natin siya." napahagikgik naman 'yong kaibigan niyang natumba sa pader. Mukhang gusto mo pa atang matulak sa pader version 2.0 ah? Makahagikgik ka.. akala mo maganda ka!
Inirapan ko nalang sila. Ipapanalangin ko nalang rin ang kalandian ninyo! It's not funny! At kahit ang mga magulang nila ay hindi matutuwa sa kalandiang pinapairal nila.
Nag-umpisa na akong mag-fill up habang 'yong mga babae ay tuwang-tuwa na lumabas sa room para makalipat na sa interview section. Hinayaan ko nalang sila dahil abala ako sa magfill up. Pagkatapos kong mag-fill up ay dinala ko na ito para makapila na rin sa interview section. Mas naging mabilis ang proseso dahil nadagdagan daw ang panel of judges.
Noong ako na ay medyo nakaramdam ako ng kaba. Normal lang naman 'yon. Pero isa lang ang hiling ko.. kahit si Stan nalang ang maging judge ko. Kahit iyon na lang talaga! Pumikit na ako bago pumasok sa room. Huminga na rin ako ng malalim! This is it, Cara!
May pitong division roon na hinahati ng mga kurtina. Tinuro sa akin 'yong may black curtain. "Naghihintay na po 'yong mag-iinterview sa inyo roon sa loob." tumango ako. Naglakad ako dahan-dahan hanggang sa tuluyan akong makatapat sa itim na kurtina. My heart goes wild again.
"Good After--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang mag-iinterview sa akin. Parang bumaliktad ang buong sikmura ko. Nanlaki ang mata ko! Maski siya ay nanlaki rin ang mata! Bakit hindi ko ba 'yon naisip?
Kung nandito si Stan sa organization na ito, of course.. she's here.. too! Kaya nga wala siya sa klase kanina, hindi ba? I'm stupid for not realizing that!
"Good Af..ternoon." pilit niya akong nginitian pero nanatili akong nakatulala sa harapan niya. Sa harapan ni Kulot. Sa harapan ni Weina!
"Is.. that how you greet your interviewer?" napatawa pa siya sa sinabi niya. I just really can't believe it! Bakit sa dami-dami pa nang p'wedeng mapuntahan.. ay dito pa ako tinadhana! But fuck.. there's no way to escape! I am here.. as an interviewee and she's here as an interviewer! What the real actual fuck?
"Kung tutunganga ka nalang diyan ay sinasabi kong hindi ka makakapasa. So.. sit down, Ms. Valeria. Let's begin if you want to pass." seryoso niyang sabi.
Nanginginig akong umupo sa upuang nasa harapan niya. Hindi ako makaimik! At parang nadodown na ako dahil feeling ko ngayon palang hindi na ako makukuha! Samantalang kanina, lahat ng confidence ay nalunok ko na ata!
"Hindi ko na patatagalin, ha?" sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
"So what do you know about organization? May alam ka ba?" para naman akong na-offend sa tinanong niya. This isn't the Weina I have known for years! Ang Weina na nakilala ko ay isang.. mahina, iyakin at walang pakialam sa ginagawa ko sa kanya. What made you changed then, Weina? Tell me more!
"O baka naman sumali ka lang.. kasi alam mong Presidente namin si Stanlee Monterealles? You should inform too that I am the Vice President, Weina Andreas." taas-noo niyang sinabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...