Kalokohan 35
Midnight Talk
"Paano? Paano nangyari na natalo tayo? Hindi ba't tayo ang nauna?" Nakatulala lamang ako habang isa-isa nila akong tinatanong. Hindi pa rin magsink-in sa aking utak ang mga pangyayari.
"Cara, malinaw naman na panalo tayo, hindi ba?" maiyak-iyak na tanong ng aming group leader na si Mellise.
Kasalukuyan kaming pinabalik sa aming quarters para makapagpahinga dahil marami pa kaming susunod na activities.
Pero mukhang hindi naman ako makakapagpahinga tuwing naiisip ko ang nangyari. Idagdag mo pang hindi rin ako tinitigilan ng aking mga kagrupo na tanungin kung ano nga ba ang tunay na nangyari.
"Sinabi ko na, ayon. Natalo lang tayo." paulit-ulit kong paliwanag. Pero hindi sila nakukuntento. Pinipilit nila akong isalaysay ang bawat nangyari sa loob kasama si Madam Ube.
Paano ko isasalaysay ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagkagalit nila sa akin? Ano? Sasabihin kong nagtanong si Madam Ube at hindi ko masagot? Kasi.. katabi ko si Stan?
O aaminin ko ang totoo na hindi ko talaga sinagot ang tanong dahil nagpatalo ako sa emosyon ko.. Hindi ko sinagot kasi gusto kong makabawi ako kay Stan.. sa nawalang puntos sa kanila na ako rin naman ang dahilan. Mas inuna ko ang grupo nila kaysa sa grupo kong nanganganib din.
Naging traydor ako sa aking grupo. Ginusto kong si Stan ang sumagot sa tanong ni Madam Ube at pinaubos ko ang 30 segundong ibinigay niya sa akin para sagutin ang tanong.
"Faith ang nabuo ninyong salita, tama ba.. Ms Valeria?" naaalala kong tanong ni Madam Ube. Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya.
"Mananalo lamang ang inyong grupo kung masasagot mo ng maayos ang tanong na ito. Paano mo makokonekta ang faith sa isinagawa n'yong activity? Mayroon kang 30 segundo para sagutin ang tanong.." napatingin ako kay Stan. Sa totoo lang ay panalo na an gaming grupo.. ang mga ganyang katanungan naman ay walang maling sagot. Sasabihin mo lang ang natutunan mo at kung anu-ano pa.
Pero habang tinitingnan ko si Stan ay biglang bumalik sa aking alaala kung paano niya ako sinamahan sa aming quarters.. na kahit alam niyang maaari kaming mahuli.. at mabigyang parusa ay sinamahan niya pa rin ako.
Dapat ako lang 'yon, e. Dapat ako lang 'yong mababawasan na puntos.. Hindi ang grupo nila. Hindi niya deserve at ng grupo nilang mabawasan ng kahit kaunting puntos.
Gusto ko sanang ibalik. Gusto ko sanang mabawi nila 'yon. Pero handa naman kaya akong magsakripisyo para lamang sa kanya at sa grupo nila? Hindi ko alam kung paano naging mahirap ang pagdedesisyon sa oras na ito.
Pumunta ako kay Madam Ube na buo ang aking loob na ang grupo namin ang mananalo.. na gusto ko ring bumawi sa kanila. Pero ang paninindigang iyon ay biglang naglaho nang makita ko si Stan.
Handa siyang isaalang-alang ang kanyang grupo pati ang sarili niya para sa akin.. bakit hindi ko kayang gawin 'yon?
Umiling ako.. hindi. Kaya ko. Kaya ko rin magsakripisyo.
"10 seconds, Ms Valeria." Huminga ako ng malalim. Napayuko ako habang hinihintay matapos ang oras. Patawad aking mga ka-grupo. Patawad. Naging traydor ako.. Uunahin ko muna ang emosyon ko.
Nananatili akong nakayuko hanggang sa matapos ang oras na inilaan sa akin.
"Tapos na ang iyong oras, Ms Valeria. Nakakalungkot mang sabihin na hindi mo nasagot. Ibigsabihin noon ay mabibigyan ng tyansa ang Team Lord Patawad para manalo.. at masagot ang bagong tanong na itatanong ko. Pero kapag hindi rin ito nasagot, ang susunod na grupo naman ang magkakaroon ng tyansa.." sabi ni Madam Ube bago tuluyan na siyang humarap kay Stan.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...