Kalokohan 32

2.9K 114 18
                                    

Kalokohan 32

Gitara

Pawis na pawis ako nang matapos ang aming sayaw. Sa totoo lang ay wala akong alam sa pinaggagagawa ko ngayon. Sumusunod lang naman ako sa steps na ginagawa nila.

Halos mapasapo ako sa aking noo habang ito'y aking ginagawa. Para akong puno na tinatangay ng hangin sa bawat galaw ko. Ang aking mga ka-grupo naman ay buong ngiting sumasayaw samantalang ako ay busangot na busangot.

Nang tuluyang matapos ang aming sayaw ay nakahinga na ulit ako ng malaya! Umalingawngaw ang sigawan ng aming mga ka-org mates at panay asar sa iba kong ka-grupo. Dire-diretso naman akong bumalik sa tabi ni Lola at napansin ko ang pagpalakpak niya habang papalapit ako sa kanya.

"Nakakahiya lola ang ginawa ko." bulong ko sa matanda habang pailing-iling ako. Napansin ko naman ang pagngiti niya sa akin.

Sumunod naman na nagtanghal ang iba naming ka-org mates. Maraming sumayaw at may iilan namang kumanta. Kitang-kita sa mga mata ng mga matatanda kung gaano sila naeengganyo panuorin ang bawat inihanda namin.

Pagkatapos ng mahabang oras na pagpeperform ay sinabi noong Emcee na pwede ng kumain. Aligaga lahat kami sa pag-aasikaso sa mga matatanda, sa pagbibigay sa kanila ng pagkain at pag-alalay sa kanila. At dahil ako ang nagbabantay sa Lola na kasama ko ay ako na ang kumuha sa kanya ng pagkain.

"Lola, kainin n'yo na po ito.." panay ang sabi ko. Pero nang maalala ko ang sinabi ni Sister na siya'y hindi nakakarinig ay bigla akong nalungkot. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga bagay-bagay.

May kung anong kumukurot sa aking puso. Pero pinilit ko pa ring ngumiti kahit na nakakaramdam ako ng awa.

"Hayaan mo, Lola. Mas okay nga 'yong ganyan.. Hindi mo maririnig kung paano magsinungaling 'yong mga taong nasa paligid mo.. kung paano ka nila paniwalain sa mga bagay na hindi naman totoo." mapait kong sabi.

Oo, kabilang ako sa mga taong maswerte dahil mayroon akong tenga na nakakarinig.. pero kabilang din ako sa mga taong malas dahil isa ako sa mga taong patuloy na pinaniniwala sa mga bagay na hindi naman totoo.

At kabilang din naman ako sa mga taong nilalait ng harap-harapan, pinaparinggan ng masasakit na salita harap-harapan. At kahit anong gawin kong pag-iwas na pakinggan ang mga bagay na iyon ay impossible. Dahil may tenga akong nakakarinig.

Inabot ko na ang pagkain ni Lola sa kanya. Pero panay ang iling niya rito. Maski hawakan nito ay ayaw niya. Kaya ang ginawa ko ay ako na mismo ang nagpakain sa kanya. Sinusubo ko ang kutsara sa kanyang bibig pero panay ang layo niya. Talagang mailap si Lola!

Sa sobrang stress ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung tatawagin ko ba si sister o tatawag ako ng mga ka-org mates ko? Pero bigla naman akong may naisip na ideya.

Kumuha ako sa aking bag ng isang papel at sinulatan ko ito.

Lola, please kumain na po kayo para lumakas po kayo.

Iniharap ko ito kay Lola at natigilan naman siya sa pag-iling. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin sa pamamagitan ng kanyang nangungusap na mata.

Kumuha naman ako ng isa pang papel at nagsulat pa ulit.

Nandito naman po ako para pakainin kayo, Lola. Aalagaan ko po kayo ngayong araw. Ako po si Cara.

Ipinakita ko ulit ito sa kanya. Para naman siyang maiiyak nang mabasa ang aking isinulat. Kaya agad ko namang sinubukan kung kakain na siya. Halos mapangiti ako nang tanggapin niya ang sinusubo kong pagkain! Para akong mapapasayaw ulit sa Trumpets sa saya!

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon