Kalokohan 16
Fruits
Halos hindi na ako nakatulog kakaisip ko sa mga bagay-bagay. Matinding comeback na naman siguro ang mangyayari sa akin sa school kapag pumasok na ulit ako. Nand'yan na naman siguro 'yong pag-uusapan ako kahit alam nilang katabi lang nila ako. Wow, seems good.
"Ok ka na ba Cara? Sure ka bang hindi ka na mag-aattempt magpakamatay ulit? Baka mamaya makita nalang kita sa kwarto mo na nakasabit nalang ah." napabuntong hininga ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Why would I do that, Ate? Ang cheap naman! And as if namang.. may lubid sa kwarto ko--
"Are you really planning to meet death as early as this, Cara?" natataranta na naman niyang sabi. Kapag pinag-uusapan namin ang salitang kamatayan ay hindi na naman siya mapakali. Parang nanaisin niya pang magpakabit ng CCTV sa loob ng bahay just to ensure my safety.
Well, that's Ate Clara. Masyado talaga siyang mahigpit kaya kadalasang humahantong sa sagutan ang usapan naming dalawa. Hindi siya maloko katulad ko. She takes everything way too serious.
That's why she doesn't even have a boyfriend.. or even a suitor. She wants a serious relationship, too. I just want to tell her that it's impossible nowadays. Serious relationship and true love are both hard to find.. o shall I say.. serious relationship and true love can no longer be found.
"I'm just kidding, Ate. Stop taking things seriously." mahinahong sabi ko. Para namang gumaan ang loob niya sa sinabi ko. Para rin siyang nabunutan ng tinik.
"Make it sure, Cara. Make it sure." seryosong sabi niya. Hindi nalang ako umimik.
Dumating na ang nurse para tulungan kaming mag-ayos dahil ididischarge na ako. Ngumiti ang nurse sa akin at sinabihan pa ako na sana hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Maski si Ate Clara ay sinabihan niyang h'wag na akong pagalitan masyado dahil nagiging madamdamin daw ako.
What the heck is madamdamin? Cara Valeria is to madamdamin? Are you joking, Ms. Nurse? Hindi mo ako kilala para sabihan 'yan! I sighed.
Tuluyan na akong lumabas sa pinaggamitan kong kwarto. Para akong preso na ngayon lang ulit makakalaya.. and all I can feel is freedom.
"Ate, magcocommute lang ba tayo? Wala tayong sasakyan, 'di ba?" halos napapakamot ako sa tanong ko. Ayokong magbyahe na may nakalagay pang gauze bandage sa kamay ko!
"Maglalakad!" napaurong naman ako sa sinabi ni Ate Clara. Ano? Maglalakad? Maglakad siya mag-isa! But me, no way!!
"Pakshet it is. P'wede bang bumalik nalang sa hospital room ko? Bwiset naman. Hindi ako nainform na paglalakarin mo ako, ha! Kung magpabundol nalang talaga ako sa truck o kaya sa bus o kaya sa kahit anong dumaang sasakyan sa kalsada--
"Ano ba 'yan, Cara! Nawala na ba ang utak mo simula noong naglaslas ka? Malayo naman 'yon sa utak ah! Ano bang klaseng tanong 'yon? Think properly! S'yempre may sasakyan tayo pauwi sa bahay! Hindi kita basta-basta pauuwiin nang magcocommute tayo o kaya maglalakad." inis na sabi niya sa akin.
"So you mean, nagjojoke ka lang?" pagtatakang tanong ko. Kung ganoon.. first time niya magjoke! Although, hindi mukhang joke.. okay lang. First timer joker naman si Ate Clara. Just give her a try!
"Wow, joker ka na pala, Ate.. Just wow. I just can believe it--
"Tara na." inis na sabi niya sa akin at dire-diretso siyang naglakad palabas. Dahan-dahan naman akong naglalakad kasama ang nurse. Hindi na ako nagwheel chair dahil kaya ko namang maglakad.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...