Kalokohan 44

3.2K 116 13
                                    

Kabanata 44

Status

Halos hindi na ako makatulog kakaisip. Naikot ko na ata ang buong kama ko kakagulong pero mas lalo atang nawala ang antok ko.

Pumasok ako sa aking silid na antok at pagod na pero dahil sa aking nakita sa ay tila nagising ang buong kaluluwa ko. Iisipin ko nalang sana na naninibago lang ako sa higaan ko dahil ilang taon na rin akong hindi nakatulog dito pero kapag naaalala ko 'yong invitation ay may kung anong kaba ang nararamdaman ko.

Hindi ko naman inaakalang mas mapapabilis ang pagkikita namin kaagad. Hindi pa rin ako handa. At kailanman ay hindi ata ako magiging handa.

Muli kong kinuha 'yong invitation at tinitigan ko ulit hanggang sa malusaw ang kanyang pangalan. Ngayon pa lang ay nawalan na ata ako ng gana na maglakad sa kasal ni Ate. Ngayon pa lang ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Paano kaya sa araw na 'yon mismo?

Dahil sa sobrang atat kong malaman kung bakit siya kasama sa listahan ay napag-isipan kong bumangon. Sinuot ko ang jacket ko pagkatapos ay bumaba na. Nasa hagdan pa lamang ako ay sinalubong na kaagad ako ng malalakas na tugtugan. Walang tao sa loob ng bahay pero sa labas namin ay naghihiyawan 'yong mga tao.

Sisilip pa lang ako sa bintana nang biglang lumipat ang kanta sa isang mabagal na melodiya. My heart also melted when I heard the song as if it's also serenading my soul.

We're the king and queen of hearts
Hold me when the music starts
All my dreams come true
When I dance with you

Mas lalo ko tuloy ang pagsilip sa aming bintana. Natanaw ko na lahat ng tao ay abala sa pakikipagsayawan. Kitang-kita ko si Ate Clara at Kuya Tian na magkahawak habang sinasayaw ang isa't isa. Ganoon din ang aking mga magulang.

Kitang-kita sa kanilang mukha kung gaano nila kamamahal ang isa't isa.. na akala mo ikakasal silang lahat. Parang nagliliparan ang mga puso habang tinitingnan ang mga tao.

Ang simpleng handaan para sa pagbabalik namin ay parang naging isang Prom kung iyong titingnan. Ang kinaibahan nga lang, lahat sila ay halos may edad na.

Dahil sa takot na baka matigil ko ang kasiyahan nila, bumalik na lamang ako sa aking kwarto. Bukas ko na lang siguro itatanong kay Ate kung bakit nasa listahan ang gunggong.

Pansamantala ko munang kinalikot ang aking cellphone. Nagbabakasaling makakatulog ako kapag nangalikot ako rito.

Naisipan ko pang magbukas ng iba't ibang application na halos makalimutan ko na kung paano gamitin. Ilang taon din kaya ako walang cellphone! Hindi ko akalaing makaka-survive ako sa panahong 'yon.

Binuksan ko ang Facebook at agad na lumabas ang log in box. At sa tagal ng panahon ay wala na akong maalala kung ano ang account ko noon. Pakiramdam ko ay nabulok na rin naman ang dati kong account!

Napag-isipan ko na lamang gumawa ng panibagong facebook. In-add ko ang mga kakilala ko sa America at maging dito sa Pilipinas na nakikita ko sa Suggested Friends.

Pero halos mabato ko ang aking cellphone nang pangalan niya ang makita ko! Bakit ba ang benta ng pangalan niya sa akin buong araw? Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Leche!

Kai Stanlee Monterealles

Add Friend

Pinilit kong ipagsawalang bahala iyon at nagscroll pa ako ng ilang mga kakilala ko. Marami na akong naadd at mayroon pa ngang nag-aaccept din kaagad. Pero mayamaya ay facebook niya na naman ang lumabas sa Suggested Friends.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon