Babala : Ang kabanata po na 'to ay naglalaman ng mga salitang hindi pambata o hindi angkop sa bata na gayahin :---)
Kalokohan 7
Putikan
+639297653***
6:35 na, Cara. Where na u? Dito na us.
Napahinga ako nang malalim at tiningnan ang paligid ko. Medyo madilim na at kanina pa nakalubog ang araw. Pinagmamasdan ko ang paligid ko habang nakaupo sa malawak na field sa aming paaralan.
+639297653***
Naduduwag ka na naman ba? Ano, Cara V.
Nilagay ko na sa likod ko ang bag ko. Pinagpagan ko ang palda ko habang dahan-dahang umiling. Kanina ko pa pinag-iisipan kung pupuntahan ko ba 'tong mga walang kwentang taong text nang text sa akin. Kapag pinuntahan ko sila baka isipin nilang VIP sila dahil napaglaanan ko sila ng oras ko. Baka lumaki pa ang mga ulo nila!
Pero kapag hindi naman ako pumunta, iisipin nilang duwag ako! At hindi ko matatanggap 'yon. Dahil ang isang tulad ko, ang isang Cara Valeria.. walang inuurungan! Kahit sino ka pa man.
Agad kong pinindot ang 'reply button' at nag-type ng isasagot sa nag-te-text sa akin.
Ako :
Nalate lang saglit.. akala n'yo naman duwag na. Ako pa ba matatakot sa inyo? Fyi, kayo dapat matakot sa akin.
Bago ko pa man i-send 'to, unti-unti na akong naglakad papalayo sa field. Bahala na kung anong mangyari. Ako pa rin naman si Cara Valeria. Sila pa rin ang dapat matakot sa akin! Hindi ako dapat kabahan! Mali 'tong nararamdaman ko. Dapat.. matapang ako!
Napakagat ako sa labi nang makarating ako sa meet-up place namin. Inikot ko ang mga mata ko habang hinahanap kung sino ang nandito sa playground ng school. Magte-text na sana ulit ako nang biglang may humawak sa braso ko.
Napaurong ako at halos magulat nang tumambad sa akin ang apat na lalaki. Hindi pamilyar ang mukha nila sa akin.. o baka hindi ko lang talaga maalala ang mga mukha nila. Napataas ang kilay ko.
"Hmm? Kayo 'yong mga nag-te-text sa akin? Anong balak n'yo? At teka nga, bitawan n'yo ako! Ayoko sa lahat ng hinahawakan ako, e. Baka mamaya may mga virus pa kama--y.." mas lalo nilang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin imbis na bitawan nila ako.
"Aray! Ano ba!!" tiningnan nila ako nang masasama at tska sila nagtawanan sa harapan ko.
"Hello, Cara!! Natatakot ka na ba--
"Pucha. S'yempre, hindi!!" malakas na loob na sabi ko. Pero sa loob-loobin ko.. kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga itsura nila. Maayos naman..pero alam mo 'yong mukhang hindi pagkakatiwalaan? Ayon.. ayon sila.
"Bitawan n'yo ako, ano ba!" napapasipa na ako sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagtatawanan. Tinalian pa nila ang kamay ko na naging dahilan para mas lalo akong ma-beastmode.
"Pag ako talaga makawala rito, tingnan n'yo lang. Isa-isa ko ngayong ingungudngod sa putikan na nasa harapan n'yo!!!" sigaw ko sa kanila habang nagpupumiglas.
"As if namang makawala ka!" sabi noong isang lalaking blonde ang buhok. Inirapan ko lang siya pero laking gulat ko nang bigla niyang kuhanin ang bag ko sa likuran ko.
"Pakshet. Di pa kayo nakuntento sa pagtali sa akin?! Pati bag ko-- oy!! Wag mong itapon! Shit!! 'Yong bag ko!! Dammit!!" mas lalong napalakas ang sigaw ko nang makita kong ibato noong blonde na 'yon ang bag ko sa putikan. Napapaikit ako habang iniisip kong kadiri na ang bag ko.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...