Kalokohan 37

3.4K 95 11
                                    

                  

Kalokohan 37

Call

"Sure ka bang parehas lang 'yong lesson natin?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang notebook niya. Noong una kong makita ito kanina ay nagtaka pa ako kung notebook niya ba talaga iyon.

Kinabog niya pa kasi ang notebook ko na walang kalaman-laman. Sa kanya ay detalyadong-detalyado na kahit tuldok ay hindi niya nakakalimutan. Dagdag mo pang malinis ang pagkakasulat at talagang cover na cover pa ang kanyang notebook!

"Oo naman. Parehas naman lahat ng teachers natin, hindi ba? Kopyahin mo na o baka gusto mong ako pa kumopya sa iyo niyan!" patawa-tawa niyang sabi. Kinuha ko naman ang ballpen ko sa bag para makapagsimula na akong kumopya. Siya naman ay nasa tabi ko lang habang tinitingnan ang ginagawa ko.

Halos maduling naman ako sa mga formula na nakasulat sa Physics notebook niya. Muli ko siyang tiningnan para magtanong pero halos mahampas ko sa kanya 'yong notebook sa gulat dahil nakatitig lang siya sa akin. Sobrang lapit naming dalawa!

"Stan!" napasigaw ako sa aking gulat. Maski siya ay nagulat din sa sigaw ko pero nanatiling tahimik.

"Akala ko ba mag-rereview tayo? Eh bakit.. parang nanunuod ka lang sa akin?" tanong ko sa kanya. Napangiti siya at napapailing habang tinitingnan ako. Nasa wisyo ba talaga ang nilalang na ito?

"Hoy Stan!" hinampas ko siya ng ballpen sa kanyang ilong. Para naman siyang natauhan sa ginawa ko.

"Ay.. ano.." napakamot siya sa kanyang ulo. Napanganga naman ako sa reaksyong pinakita niya.

"Sabi ko, akala ko ba magrereview tayo? Bakit nakatitig ka lang sa akin? May problema ba? May dumi ba ako sa mukha? Ano?" napakamot siya sa kanyang ulo na parang nahihiya. Umiling siya sa akin at kinuha ang notebook niya sa Physics na hawak ko habang nakangiti pa rin! Naabno na talaga ata!

"Ano bang gagawin?" pagtataka niyang tanong. Hindi naman ako makapaniwala dahil parang wala talaga siya sa sarili niya. Parang lumuwag ang turnilyo niya sa pag-uutak! What's happening?

"Stan, magrereview tayo! Magrereview, Stan!" panay ulit ko sa kanya. Ini-scan niya naman ang notebook niya habang nakangiti.

"Oo nga pala.." mahinang bulong niya at tska tiningnan niya ang notebook ko na wala pa ring nakasulat na kahit ano. Date lang ata.

"Hindi mo naman kailangang kopyahin 'to, eh. Turuan na lang kita ng mga isosolve." diretsong sabi niya sa akin.

"Sabi mo kasi kanina kopyahin ko na. Sinunod ko lang naman sinabi mo, eh." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko na parang inaalala kung may nasabi ba siyang ganoon. Mabuti na lamang ay hindi na siya nagsalita pa dahil baka matuktukan ko na siya.

Kumuha siya ng yellow pad at ipinakita niya sa akin kung paano makuha ang acceleration, speed at velocity. Paulit-ulit niya sa aking pinaalala ang formula at paulit-ulit ko naman itong tinandaan.

Hindi naman ito naging mahirap para sa akin. Madali lang naman akong matuto pero dahil tamad akong makinig kaya walang pumapasok sa utak ko. Buti nga ay kahit papaano ay pumapasa ako.

"I-solve mo nga ito." tinuro niya sa akin 'yong nasa libro na problem. Binasa ko ito at napatango ako.

Muli ko siyang tiningnan at tinanong. "Yan lang? Wala na bang mas mahirap dito?" parang nagulat naman siya sa tanong ko kaya dinugtungan ko nalang ito ng joke lang.

Wala pang tatlong minuto ay na-solve ko na kaagad ang problem na pinasagot niya sa akin. Acceleration lang naman ang hinahanap dito kaya nasagot ko kaagad.

Reyna ng KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon