Kalokohan 47
The Wedding
"Wow, Ate! You look so beautiful!" sabi ko kay Ate habang pinagmamasdan siyang inaayusan.
"Talaga? Pahiram nga ng salamin!!" inabot sa kanya ng make-up artist ang salamin. Ngumiti siya nang makita niya ang kanyang sarili.
"Opps! Huwag ka iiyak! Mabubura ang make-up!" inunahan ko na siya dahil nadadama kong nagbabadya na ang kanyang luha. Pakiramdam ko ay maski ako maiiyak mamaya sa seremonya ng kasal. Nasisiyahan ako para kay Ate. Nasisiyahan ako kasi dumating na ang araw na ito. Nasisiyahan ako kasi nahanap niya na ang lalaking para sa kanya.
Pero at the same time, nalulungkot ako.
Nalulungkot kasi alam kong maraming magbabago. Maraming magbabago sa buhay ni Ate at sa buhay namin. Noong tinanong naman sila nila Mama at Papa kung handa na ba talaga sila, sinabi naman nilang desidido na sila at mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
"Sige, Ate.. labas muna ako." sabi ko kay Ate.
"Paki-charge muna nitong cellphone ko, Cara. Kapag may nagtext o tumawag, sabihin mo nalang sa akin. Ikaw na muna ang bahala." Inabot niya ang cellphone niya bago ako lumabas ng kwarto.
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na kaming lahat. Maaga pa ako inayusan kaya't handang-handa na ako ngayon. Alas diez ang simula ng kasal. Abala na rin ang iba naming kamag-anak sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.
Ang iba naman ay nakailang pabalik-balik na sa venue ng reception dahil sa kanilang mga inaayos doon.
Bumalik na ako sa aking kwarto at halos magulat ako nang makitang nakahiga pa roon si Ate Darah.
"Ate Darah! Tulog ka pa rin?!" pinilit ko siyang yugyugin pero pabulong-bulong pa siya na parang nagde-daydreaming.
"Ate Darah! Ate!!" panay ang sigaw ko. Siguro ay napagod siya sa sobrang dami niyang kinain kagabi na naging dahilan para magday dreaming siya buong magdamag.
Mabuti nga ay nagawan pa ng paraan ang isusuot niyang gown ngayon. Pumunta kami roon sa shop kahapon at hinatid kami ng Tito kong may sasakyan kaya buong akala ko ay wala na kaming problema sa paglalakad.
Pero kalagitnaan ng byahe namin pabalik sa bahay ay naflatan kami. At 'yong gulong pa kung saang banda nakaupo si Ate Darah ang napunterya. Hindi ko alam kung coincidence lang ba 'yon o sadya talaga.
Ang sama tuloy ng tingin ng Tito ko kay Ate Darah kaya napag-isipan kong magcommute nalang kaming dalawa. Iniwan namin si Tito sa pagawaan ng sasakyan mag-isa.
Naalala ko pa ang tanong sa akin ni Ate Darah habang naghahanap kami ng masasakyan pauwi noon. "Iniisip ba ng Tito mo na ako ang dahilan kaya naflatan ang sasakyan niya? Eh napansin ko naman bago pa tayo sumakay doon na medyo flat na ang gulong.." inis na sabi niya noon.
Panay ang sabi ko sa kanya na masungit lang ang Tito kong 'yon kaya ganoon ang mga tingin niya. Humingi nalang din ako ng paumanhin dahil baka damdamin ni Ate Darah ang masamang tingin ng aking Tito.
Muli kong tinabihan ngayon sa tinutulugang higaan si Ate Darah. Pinisil pisil ko ang kanyang pisngi para magising.
"Ate, kasal na ni Ate Clara ngayon.. Gumising ka na! Aayusan ka pa." panay ang sabi ko.
"Ate Darah.. Uy. Sabi ko naman sa iyo, h'wag kang kumain ng sobra kapag gabi." Niyugyog ko siya ulit pero wala pa rin talaga. Naiisipan ko na ngang ilaglag siya sa kama pero hindi ako ganoon kasama para gawin ang kalokohang 'yon.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...