Kalokohan 49
Pray
"Huwag kang kabahan.." mahinang bulong niya habang tinitigil niya ang sasakyan. Sumilip ako sa labas. Tinitingnan ko pa lamang ang lugar kung saan kami mag-uusap ng babaeng aking kinaiinisan ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko.
"Ano? Lalabas na ba tayo?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman.. kung bakit ako kinakabahan sa simpleng pag-uusap kasama si Weina.
Kung tutuusin naman ay halos buong buhay ko na siyang pinapatay sa aking isipan pero hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong kaba sa pag-iisip ng ganoong bagay. Samantalang ngayon ay simpleng pag-uusap.. pero ano? Kabadong kabado ako! Ano bang nangyayari sa akin? Nasaan na ang katapangang taglay ko?
At oo.. uulitin ko. Si Weina nga ang pakay namin ngayong araw na 'to.
Tinupad kaagad ni Stan 'yong sinabi niyang makikipag-usap kami kay Weina. Gusto niyang hindi ako mag-isip ng sobra. Gusto niyang lumiwanag ang pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay.
Kaya pagkatapos ng okasyon at saktong pagkauwi ko ay agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Stan. Sinabi niyang makikipagkita raw si Weina sa amin bukas at makikipag-usap ito. At ngayon ang araw na 'yon.. Ngayon na.
"I'm with you.. Hindi mo kailangang matakot." Hinawakan niya ang aking kamay pagkalabas namin sa kanyang sasakyan. Hindi ko pa rin maipagkakaila ang takot na nararamdaman ko.
Paano kapag dumating sa puntong bilugin na naman ni Weina si Stan habang nag-uusap kami? Paano ako? Maiiwan ba akong mag-isa? Makakayanan ko bang tumayo mag-isa sa kanilang mga harapan?
Binuksan na ni Stan 'yong pintuan ng restaurant kung saan binalak naming kitain si Weina. Sa pagbukas pa lamang ni Stan ay parang humahakbang na pabalik ang aking mga paa!
Nang mga taong nakapwesto sa aking likuran ay wala na akong nagawa kundi magalkad papasok. Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaalamang wala pa si Weina roon.
The restaurant seems elegant. Pagkaupo pa lang namin ni Stan ay inabutan na siya ng Menu.
"Come back later, please. We're still waiting for someone." sabi ni Stan sa waiter at agad namang tumango ito sa kanya. Iniwan niya nalang sa amin ang dala niyang Menu. Isa-isa naman itong sinuri ni Stan.
"Here. Choose what you want." inabot niya sa akin 'yong Menu pero umiling ako sa kanya. Agad namang napakunot ang kanyang noo.
"What do you mean? Hindi ka ba kakain? Cara.." seryoso niya akong tiningnan. Muling bumaling ang aking tingin sa Menu dahil hindi ko makayanang makipagtitigan sa kanya ng matagal.
"Pumili ka na.." naramdaman ko ang hawak niya sa aking kamay. Para naman akong nanlalamig sa kanyang ginawa!
Hindi ako makapagpokus sa pagpili ng gusto ko dahil nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin. Hindi ko rin naman masabing tigilan niya ang paghawak sa kanya ko dahil aminado naman akong gusto ko rin.
Sa totoo lang ay hindi ko na maintindihan 'yong sarili ko. Parang kahapon ay inis na inis pa ako at dinarama ko pa ang bawat pagkamuhi ko sa kanya. Samantalang ngayon ay wala akong ibang maramdaman kundi ang kasiyahan dahil kasama at nakakausap ko siya.
Parang nawala rin lahat ng pagkabitter ko simula noong mga nagdaang taon. Nawala sa ilang minuto naming pag-uusap at pagda-dramahan kahapon.
Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Kaya mong mainis at malungkot sa isang iglap pero kaya mo rin siyang patawarin at mahalin paulit-ulit sa isang iglap ulit? At hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan niya dahil nagagawa niya iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kalokohan
HumorCara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatrasan kahit sino ka pa man. Walang nakakaligtas sa mga kalokohan niya araw-araw. At ito ang naging dahi...